"Ayen na naman ako"

9 0 0
                                    

Ayen na naman ako, nakadungaw muli sa larawan mo,
Pinagmamasdan ang ngiti nating dalawa ,
Ngiti na akala mo'y pumopor-eber na.

Ayen na naman ako, nag-aabang ng bagong balita sa'yo,
Pinutol ko na nga ang ating ugnayan
In-unfollow na nga kita sa Instagram,
Ngunit heto ako't gumagawa pa rin ng paraan,
Niloloko ko lang ang sarili ko.

Ayen na naman ako, iniisip kung sino ang bago mo
Sa dami ng kalandian mo
Hindi ko na alam kung sino
Ang mabibiktima tulad ko.

Ayen na naman ako, nakatambay sa lugar nating dalawa na ang tawag ay "Ala-ala"
Na pwedeng balikan kahit kailan gustuhin
Pero hindi na pwedeng ibalik kahit gaanon ko pa gustuhin.

Pero akalain mo, meron pala tayo no'n?
Dahil sa igsi ng ating pagsasama
Na dinaig pa ang isang kisapmata,
Ay hindi ko naramdaman
Ang pagmamahal mo na tila isang kidlat na dumaan
Sa buhay kong hindi kuntento kung sa chat lang idadaan

Ayen na naman ako, matutulog na ikaw na naman ang mapapanaginipan ko
Gabi-gabi na lang ba akong ganito?
Samantalang ikaw ay palaging mahimbing ang tulog mo?
Paano mo nagagawang makatulog?
Habang may isang taong hindi makaalis sa iniwan mong bangungot?

Hindi ako naging dean's lister para hindi magising sa katotohanan
Na tayong dalawa ay isang malaking kalokohan
Pero hindi din naman ako manhid para hindi maramdaman
Na kahit gago ka ay ikaw pa rin ang nilalaman
Ng puso kong sa sinaunang panahon ay tila nagpaiwan.

Ayen na naman ako, lumilikha ng istorya sa isipan kung saan ang bida pa rin ay tayo
Nagbabakasali na maituloy ang ala-ala nating natuldukan
Kahit sa isipan ko lang,
Kahit sa imagination ko lang,
Baka magkaroon ng happy ending
Ang kaso paborito ko nga pala ay tragic ending.
Wala,
Wala na talagang pag-asa.

Ayen na naman ako, kinalimutan ka na pero kusa pa ding naaalala
Kung gaano tayo kabagay sa isa't-isa
Kung gaanong ang simula natin ay nakakakilig para sa iba
Kung gaanong ipinagmalaki ko na akin ka
At kung gaano ako kahanda na mahalin ka pa nang sobra
Pero lahat nang 'yon ay nawala na parang bula
Nang minsan ang mga ugali natin ay hindi nagtugma.

Ayen na naman ako, nagtatanong kung kailan mawawala,
Ang natitirang damdamin ko para sa'yo
Na muling nabubuhay sa tuwing naririnig ko ang pangalan mo.
Sa tuwing nararamdaman ko ang presensya mo,
Ayen na naman ako
Ayen na naman
Ayen naman, kailan mo titigilan ang kahibangan mo?

Fragments Of A Broken HeartWhere stories live. Discover now