"Sinubukan kong lumayo kahit isang araw lang.
Lumayo kung saan ang presensya mo'y hindi ko mararamdaman
Kung saan ang pangalan mo'y hindi ko maririnig
Kung saan ang mundo ko'y sa mga ngiti mo'y hindi mayayanig.Lumayo ako para tumakas,
Sa mga alaala nating nagpapahirap sa akin nang wagas
Lumayo ako para hanapin,
Ang sarili kong nawala dahil hirap ka pa ding limutin
Lumayo ako para sa muli kong pagbalik,
Sa piling mo'y hindi na muling mananabik.Akala ko'y katahimikan ang aking matatagpuan
Akala ko'y matutuon ang isip ko sa ganda ng ating likas na yaman
Akala ko'y tuluyang paglimot ang aking makakamtan
Pero hindi ko inakala na sa ginawa kong paglayo,
Ay mas lalo ko lang ninais na tumakbo papalapit sa'yo.Paglimot ang aking pinunta pero pagkasabik sa'yo ang aking nadama
Bigla ay gusto kong tumakbo pabalik sa mga bisig mo
Makitang muli ang mga ngiti mo
Maramdamang muli ang pagmamahal mo
Tinigilan ko na ang umasa
Pero sa isang iglap ay and'yan na naman ang salitang "sana".Sana, katulad ka na lang ng pagbagsak ng tubig galing sa kabundukan,
Mahulog ka lang ulit
Pangako, sasaluhin kita na walang halong kapalit."
YOU ARE READING
Fragments Of A Broken Heart
القصة القصيرةMy Collection Of Poems, Spoken Word Poetry And Short Stories.