Ang daming nagtatanong sa akin,
Kung ano raw ang sikreto ko
Kung bakit ang isang tulad niya'y napasa'kin
Baka raw ginayuma ko.Siya 'yung tipo ng lalaki na pangarap ng mga kababaihan
Kapag ngumiti'y siguradong panty mo'y malalaglag
Kapag kumindat, obaryo mo'y hindi makakapalag
Kaya't sinong mag-aakalang nabihag siya ng aking kagandahan?Oo, maganda naman ako
On fleek ang kilay ko, kissable naman ang lips ko
Samahan pa ng malalim kong dimple,
P'wede na akong pumasa bilang cover girl.Napakaswerte raw namin sa isa't-isa
Dahil relationship goals daw kami para sa iba.
Maraming kinikilig, mayroon ding naiinggit
Dahil kulang ang salitang "bagay",
Para ilarawan ang pagsasama naming halos hindi na mapaghiwalay.Pero hindi alam ng lahat, mayroon kaming lihim
Lihim niya na maingat kong tinatago
At lihim ko na hindi ko muna sasabihin
Hindi naman niya alam, magaling din kasi akong magtago.Dahil ang relasyong sinusubaybayan ng karamihan
Ay isang palabas lamang na aming ginawa upang pagtakpan ang totoong katauhan,
Ng bidang karakter na kanilang hinahangaan.Dahil sa kabila ng kanyang kagwapuhan
Ay natatago ang lihim niyang kagandahan.
At ako lang ang nakakaalam,
'Pagkat hindi pa niya kayang mahusgahan
Ng mundong hindi matatanggap ang kalambutan
Ng kanyang pusong sa mata ng tao'y dapat na may katigasan.Sa t'wing kami'y magkasama't walang nanonood, do'n lang lumalabas ang totoong siya
Siya na marupok
Siya na malambot
Siya na malungkot
Siya na mahina
Siya na malandi
Siya na ang nais lamang ay maging totoong Siya.Siya ang dahilan kung bakit on fleek ang kilay ko, kung bakit kissable ang lips ko
Pinagaganda niya ako upang iharap sa lipunan
Ipagmalaki sa kanyang mga magulang
Ipagyabang sa kanyang mga kaibigan
At ipakilala sa taong lihim niya ring minamahal.Oo, isa nga akong cover girl
Na handang pagtakpan ang totoong pagkatao niya
Na sa tuwing pipilantik ang kanyang daliri,
And'yan ako upang hawakan ang kamay niya
Na sa tuwing siya'y titili,
And'yan ako para takpan ang bibig niya
Na sa tuwing siya'y nagdurugo,
And'yan ako upang yakapin at patahanin siya
Na sa tuwing siya'y nasa harap ng lalaking mahal niya,
And'yan ako para ipagmalaking ako ang babaeng mahal na mahal niya.At siya, siya ang lalaki este ang pamintang mahal na mahal ko.
'Yan nga pala ang lihim ko
Na kahit kailan ay hindi niya mapagtatanto
Na kahit anong gawin kong pagbuo sa puso niyang durog na durog,
Ay hindi ko mababago ang katotohanang,
Mas maganda pa siya sa akin 'pag nakakulot.Bakit nga ba napakalupit ng mundo?
Para sa katulad niyang ang gusto lamang ay maging totoong tao?
Bakit nga ba napakalupit ng tadhana?
Dahil sa aming dalawa'y ako lamang ang pinana?Sino nga ba sa amin ang mas nahihirapan?
Siya na hindi makapagladlad?
O ako na hindi mailadlad ang tunay kong nararamdaman?Alam kong wala na akong pag-asa
Na ang ganda ko'y sayo'y hindi uubra
Pero mahal, gusto kong malaman mo
Na kahit palabas lang ang ating relasyon,
Totoo ang nararamdam ko
Promise!
Mamatay ka man ngayon.At kahit iwanan ka man ng mundo, Pangako,
Hindi kita iiwan
At kahit itakwil ka man ng mga taong nagmamahal sa'yo,
Pangako,
Tatanggapin kita nang buong-buo
At kapag handa ka ng isiwalat ang tunay mong katauhan,
Hayaan mong isiwalat ko rin ang tunay kong nararamdamanPara parehas tayong masasaktan
Para parehas tayong madudurog
Para parehas tayong mawawasakIkaw sa kanila, at ako'y sa'yo.
Pero 'wag kang mag-alala,
Dahil kahit ako'y maging duguan
Handa pa rin akong takpan
Ang puso mong handa nilang sugatan
Hayaan mong gawin ko ang role ko bilang cover girl
Hanggang sa makaya mo na
Hanggang sa makalaya ka na.
Hanggang sa mailabas mo na
Ang tunay at totoong ikaw.
YOU ARE READING
Fragments Of A Broken Heart
Cerita PendekMy Collection Of Poems, Spoken Word Poetry And Short Stories.