One Night Stand (Prologue)

4.1K 27 12
                                    

"Sheena! Hindi ka pa ba bababa diyan? Aalis na si Josh pag nalate tayo."

"I'll be right there in a sec."

Kinuha ko yung red tanktop ko at black skirt sa loob ng closet. Aalis kami ngayon ni Kate papuntang bar. Madalas namin tong ginagawa pag Friday after work.

"SHEENA!!!!!!"

"Ayan na! Jusko ka naman! Hindi naman lilipad si Josh! Mag-aayos na lang ako ng buhok ko."

Bumaba na ako ng hagdanan patakbo at baka sumpain na ako ni Kate sa sobrang tagal ko.

"Akala ko ba mag-aayos ka pa ng buhok mo? Eh ang ayos-ayos naman ah!"

"Akala mo lang yan. Tara na!"

Umalis na kami ng condo ni Kate tapos dumiretso na kami sa bar.

Ilang saglit lang din naman, nakarating na kami sa bar. Dumiretso si Kate sa may gitna dahil andun na si Josh. Nginitian ko lang sila tapos dumiretso na ako sa counter.

Humingi lang ako ng hard liquor tapos dire-diretso na ako uminom.

Tinignan ko sila Kate at Josh. sobrang happy  nilang dalawa. Minsan hindi ko maiwasang hindi mainggit sa kanila. Medyo matagal na rin kasi sila unlike sa mga relationships before ni Kate.

Ako si Sheena Reyes. Writer ako sa isang magazine and photographer at the same time. 23 years old na ako and up until now zero ang love life. Yeah, yeah... alam kong hindi dapat mga ganitong bagay ang pinoproblema ko. Pero ano pa nga bang magagawa ko? Naabot ko na lahat ng gusto ko sa buhay. Kulang na lang talaga yang love life na sinasabi nila.

Iinumin ko na sana yung last glass ko kaso biglang may humawak sa kamay ko.

"Sheena? Is that you?"

Tumingin ako sa likod ko at nakita ko ang isang tao na hindi ko pinalangin na makikita ko pa ulit.

"Jasper? Jasper Cruz?!"

"Nice to meet you too! What brought you here?"

"Wala ka na dun!"

"You're still the same Sheena I knew from our college days. Sino kasama mo?"

"A friend."

"Drinks?"

Tatanggihan ko na sana siya kaso wala rin naman ako gagawin sa condo at mag-isa lang din naman ako, so bakit naman hindi di ba?

We drunk until two in the morning tapos sabay pa kaming umuwi sa condo niya para ituloy yung inuman namin.

Kinabukasan...

Nagising ako dahil may naririnig akong ingay sa tenga ko.

Shocks! Kailan pa natuto humilik ng ganito kalakas si Kate? Daig pa lalake ah?

Dahan-dahan minulat ko yung mata ko tapos nakita ko na hindi familiar yung lugar. Teka... asaan ba ako?

Nagulat naman ako nung may humigit sa akin tapos yumakap ng mahigpit. OMGEE!!!! Nasaan ba ako?!

"Good morning!"

Alam ko yung boses na yun ah? Teka... teka....

Tinulak ko yung lalaki sa tabi ko tapos napansin ko na nakacover lang ako ng kumot and at the same time siya rin.

OMG!!!!!! O_O Ano bang ginawa ko kagabi?!

"Jasper Cruz! Anong ginawa mo sa akin?!!!!!!!!"

One Night StandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon