Prologue

172 9 3
                                    

Hannah's POV

3 years ago

Arthur and I have been friends ever since noong bata pa kami.

And being an only child ang tingin ko sa kanya ay parang kuya ko, while ignoring the fact na magkasing edad lang naman kami.

Pero noon lang yun, because I grew attached to him and can I say,
na-in love ako sa kanya?

Kaya lang natakot ako na baka masira friendship namin kapag umamin ako, so I never planned to do it.

··········

Kanina pa ako nag e-emote dito hindi pa pala ako nagpapakilala.

Ako si Hannah Louisse Ramirez, 16 years old and an upcoming freshman student.

Onting tao lang ang nakakaalam sa sikreto ko which includes ang closest friend ko na si Irene.

Nandito kami ngayon sa library namin sa school, you know, para libangan and tambayan namin after school. Pero believe me, HINDI kami mga nerd! Sadyang bookworm lang talaga kami.

"Hannah, alam ko naman na natatakot kang mag-confess kay Arthur. Pero ilang taon mo na yan problema at wala ka paring solusyon kundi itago yang nararamdaman mo!"

"SHHHH!"

"Wag ka na kasing maingay. Tingnan mo tuloy, na sita ka ng librarian." Sabi ko ng pabulong kay Irene.

"Sige, sorry na. Naiinis lang kasi ako sayo at dyan sa problema mo."

*beep*

"Wait lang ha."

··········

Arthur
Hannah, free ka ba ngayon?

Ako
Oo, nasa library lang naman
ako ngayon.

Arthur
Meet me sa harap ng gate.

Ako
Sige, hintayin mo lang
ako ng saglit.

··········

"Let me guess, si Arthur yan 'no?"
Sarkastikong sabi ni Irene.

"Yes and apparently he wants to meet me right now, ano kaya pumasok sa isip ng lalaking yon?"

"Hindi ko alam, sige na go meet your lover boy."

"Thank You!"

Nakita ko si Arthur na nakatayo sa may gate. Gosh, bakit ba ang gwapo niya?! Pero, bakit parang hindi siya mapakali?

"Andyan ka na pala! Hatid na kita sa bahay niyo."

What is wrong with this guy? Usually kasi pababayaan niya lang ako kung saan-saan. Ano ba ang nakain nito at sumobra ang bait niya sa akin ngayon?

Sumakay kami sa kotse niya at isipin mo ipinagbuksan pa ako ng pinto! Seriously, ano ba ang nangyayari??

Hindi ko na kinaya ang mga tanong ng utak ko sa sobrang dami. So I asked him with an irritated tone.

"Art, can you please tell me what's going on?! You've been acting so weird today!"

Hindi siya nakasagot but he managed to maintain a calm composure. Nag park muna siya sa isang nearby convenience store. He already looks so serious right now.

"Hannah, pupunta kami nila Mom at Dad sa States."

Akala ko baka vacation lang iyon ng pamilya niya, pero it might be too bad to be optimistic right now.

"Gaano ka katagal doon?"

"At least 2 years." Halata sa mukha niya ang pag-alala sa magiging reaction ko.

"Dalawang taon?!" Hindi ako pwedeng umiyak ngayon, hindi pwede, for now... hindi pa.

I tried to look as calm as possible.

"K-kailan flight niyo?"

"Next week." that's too short I need more time.

"Paano tayo makakapag communicate with each other?" Pwede pa ako magtanong ng maraming tanong sa kanya, but I don't want to put a lot on his plate than how it is right now.

"Hannah, may internet at mail nga diba?" Sarkastiko ang pagsabi niya nito.

Natahimik ako sa sinabi niya. All throughout the ride, tahimik lang kami. Pero, truth be told I was just crying silently and letting my tears flow down my cheeks.

"Andito na tayo." Sabi ni Arthur

Bago pa man ako bumaba pinunas ko muna ang mga luha ko. But I have to do one last thing...

"Mamimiss kita..." alam naming dalawa iyon, that's one fact hindi pwedeng ma-deny. Naiyak nanaman ako kasi iniisip ko na baka ito na ang huling beses na mayayakap ko siya.

"Alam ko, I will miss you too Hannah."

Bumitaw ako sa yakap naming dalawa at pinunasan ni Arthur ang mga luha ko.

"Sige na, baka hanapin ka pa ni Tito at Tita."

"Sige, mag-ingat ka Art."

Bumaba na ako ng sasakyan ni Arthur at kinawayan ko siya. Pumasok na agad ako ng bahay namin at dumeretso ng kwarto ko.

My muffled sobs filled the entire room, I think I might cry myself to sleep tonight.


 

4 days a lover, 3 days a friend (Discontinued)Where stories live. Discover now