9. Obsession or Possession?

19 2 0
                                    

Hannah's POV

"Mag-ingat ka at good night."

Narinig ko ang mga salitang nagpabilis ng tibok ng puso ko, hindi ko alam bakit.

dugdug

dugdug

dugdug

Bakit ba ganito and reaction ng puso ko?

Sinabihan lang naman niya ako na mag-ingat at good night!

I don't think may ibang ibig-sabihin iyon but to take care of myself.

Pero kung mayroon man itong ibang meaning, ano iyon?

"A-ah... s-sige m-mauna na ako ahh."

Sabay talikod ko ng mabilis na mabilis sa sobrang hiya ko.

Pagpasok ko sa bahay, gustong-gusto ko nang dumiretso sa kwarto ko at magpa-gulong-gulong sa kama,

Pero iba ang bumati sa aking paningin pagka-tapak ko sa loob.

Lucas's POV

Pumunta ako sa bahay ni Hannah to make up for what happened earlier dahil hindi kami masyadong nakapag-usap.

"Oh, Lucas! Hijo!"

Lumingon ako para makita ang nanay ni Hannah na si tita Mary na bumabati sa akin nang nakangiti ng malapad.

"Good evening po."

"Bakit ka naman biglaang napa-bisita? Kung si Hannah ang hanap mo wala pa siya rito eh."

"Ang totoo po niyan, kakausapin ko po sana si Hannah. Pero sabi niyo po na wala pa siya dito kaya hihintayin ko nalang siya."

"Ah, ganun ba hijo. Sige ipapahanda nalang kita ng maiinom kay manang."

Tumingin tingin muna ako sa sala para malibang ang mga mata ko.

Tumayo ako at tumingin sa bintana sakali na baka dumating si Hannah.

Ilang minuto na ang nakalipas at ilang kotse at tao na ang nakita kong dumaan ng paningin ko.

Pero may biglang tumigil na kotse sa harap ng bahay at may bumaba galing dito.

May nakita akong pamilyar na lalaki

Si Arthur? Anong ginagawa niya dito?

At may isang babae na bumaba ng kotse.

Hannah? Bakit sila magkasama?

Maglalakad na sana papasok ng bahay si Hannah nang biglang tinawag siya ni Arthur at lumingon siya.

Ikinagulat ko ang sunod na nasaksihan ng mga mata ko.

Hinalikan ni Arthur si Hannah sa noo,

tinalikod niya si Hannah

at para bang may binulong sa kaniya na ang dahilan ng di pagkagalaw ng girlfriend ko.

Akala ko ba magkaibigan lang sila?

Silang dalawa pa nga mismo ang nagsabi sa akin nun.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon dahil halo-halo ito.

4 days a lover, 3 days a friend (Discontinued)Where stories live. Discover now