Itatama pa ba?
Kung ang minumutawi ng bibig,
Mga salitang tumutulak palayo sa mga bisig,
Wakas ay gabing muling malamig.Itatama pa ba?
Kung ang pinapatunayan sa bawat salita,
Ilang walang katuturang balita,
Ang sa utak ay hindi na mabura maling naipinta.Itatama pa ba?
Kung sa pagmulat ng mga mata,
Luha ay pilit lumalaya,
Pagdurusa ang laging naaalala.Itatama pa ba?
Kung ang dating pagsuyo,
Unti-unti ng pinalitan ng pagsuko,
Isang hindi inaasahang paglayo.Itatama pa ba?
Kung sa araw-araw,
Hindi pagkakasundo laging lumilitaw,
Kinimkim na galit ang hinihiyaw.Itatama pa ba?
Kung ang dating masayang kwento,
Nauuwi sa mga walang saysay na argumento,
At isang malakas na pagsara ng pinto.Itatama pa ba?
Kung sa bawat lambing,
Sagot ay madamdaming hinaing,
Hindi malimot ng kahit anong himbing.Itatama pa ba?
Kung sa bawat hiningang malalalim,
Mga tinging pailalim,
Nagsusumigaw ng masakit na lihim.Itatama pa ba?
Kung bulong ng puso ay puro sakit,
Isang libo at higit na bakit,
Pag-ibig na nilamon ng pait.Itatama pa ba?
Kung puro mali na lang nakikita?
Itatama pa ba?
O tama na?