Numero

19 3 0
                                    

Pagod na ako, sa sampung letra,
Nabaliwala ang siyam na taong pag-iibigan,
Walong lugar na binabalikan bilang tagpuan,
Sa pitong segundong pagpikit, nilakbay muli ng isip,
Ang anim na tuyong rosas ang nagsisilbing saksi sa magmamahalang'
Tila limang milya ang biglang nilakbay nang magkahiwalay,
Pagkat ang apat na letrang, tayo, biglang naglaho,
Ngayon ay tanging maibibigay tatlong hakbang pasulong,
Dalawang matang umaagos ang luha,
Sa bawat isang pagtulak, na may dalang sakit at pagsuko.

Out of the BlueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon