Act no.9: Welcome Home

936 21 5
                                    

MAAGA AKONG NAGISING NG UMAGANG YON. I'm a little bit exited sa totoo lang. Kahit alam kong makikita ko nanaman ang mukang kinagalitan ko ng halos sampung taon. Di lang naman yun yung pakay ko eh. Pati narin yung lugar saka yung mga kababata ko roon.

Si manang todo ang emote habang tinitiklop ang damit ko. Talo pako sa pagiging best actress.

"Manang anong itsura yan? Wika ko sa kanya habang tinatapik ko siya sa likod.

"Wala lang to anak. Wag mokong intindihin." Wika niya.

"Asus Manang yan ba ang wala lang? Eh para kang namatayan eh." Wika ko.

"Ma mimiss lang kita anak." Wika ni Manang sabay punas ng luha.

"Manang hindi naman ako magtatagal dun eh." Wika ko para kahit papano eh mabawasan ang lungkot na namumutawi kay manang. "Saka okey narin yung manang para kahit papano eh. Malayo ako sa mga chismis at intriga." Pahabol kong sabi.

"Basta anak ahh. Ingatan mo ang sarili mo dun." Wika ni Manang.

"Opo!" Agad ko namang sagot. Sabay yakap ko sa kanya.

 *´¨)

¸.•´¸.•*´¨) ¸.•*¨)

(¸.•´ (¸.•' ★ Act no.9: Welcome Home 

Bumaba na kami ni Manang. Sa baba ay sinalubong kami ni Mang Gustin at Mang Samson. Kinuha agad ni Mang Samson ang mga bagahe ko at inilagay kaagad ito sa likuran ng kotse.

"Mang Samson? Si Mang gustin na po pala ang mag didrive sa akin. Alam na naman daw niya ang daan papunta sa probinsiya." Wika ko.

"Yes Ma'am." Sagot naman ni Mang Samson.

"At Manang ahhh. Wag ng malungkot. Alagaan nyo po ang bahay hanggang sa pagbalik ko. Baka naman manag ahh mabuntis ka pag balik ko." Pag bibiro ko sabay sagi sa balikat ni Manang.

"Dyosko anak! Ano bang pinagsasabi mo???" Pagkagulat ni Manang.

"Ha ha! Biro lang ho Manang. Sige ho alis nako." Pag papaalam ko.

Pumasok nako sa loob ng kotse. Sabay noon ay pumasok narin si Mang Gustin. Muli akong lumingon kay Manang at Mang Samson. Habang papalayo ang kotse na sinasakyan ko ay kumakaway sila. Ayoko mang umalis pero okey na rin to. Para kahit papano eh. Makahigop naman ako ng sariwang hangin at mag relax ng konti despite ng mga natamo ko sa mundong showbiz..

Speaking of showbiz. Eh nakulong na pala ang gagong manyakis an si Mr. Alamucho. Talaga palang gawain niya ang ganun. Ang mambiktima. Sa datos ng mga pulis ay pang labing dalawa daw ako sa list ni Mr. Alamucho. Pero sorry nalang dahil sa akin na titigil ang mga katarantaduhan niya.

Halos limang oras din ang byahe bago makapunta nag Panggasinan. Nakakainip oo. Pero nakakaenjoy naman yung mga tanawin. Malalaman muna na nasa Probinsiya kana dahil narin sa lamig ng hangin na nangingibabaw sa paligid. Mas gusto ko pang buksan ang bintana ng kotse ko kaysa buksan ang aircon.

"Ma'am mukang enjoy kayo ahhh?" Tanong sakin ni Mang Gustin ng sabay kong buksan ang bintana ng kotse.

"Oo naman po! Halos matagal tagal din ho akong di nakakapag relax katulad nito. Ang sarap sa pakiramdam." Wika ko. " Teka Manong alam ho ba ni Daddy na pupunta ka sa akin?" Tanong ko ulit sa kanya.

"Nako hindi ho. kasi nga po ayaw Ipaalam ni Sir." pagsasalaysay ni Manong Gustin.

"Ganun ho ba?" Wika ko naman. Sabay tingin ulit sa bintana.

Nakatulog pala ako ng hindi ko namamalayan. Nagising na lang ako ng biglang may kumatok sa may kotse. "Nasa bahay naba kami?" Tanong ko sa sarili ko. Agad kong tinawag si Mang Gustin pag mulat ko. Pero wala siya. Isang lalaki lang ang naka uniforme ng shell ang nakita ko na kinakargahan ang sasakyan ko.

Falling STAR (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon