HININTO KO ANG KOTSE KO SA HARAP NG CROWN PLAZA. Excited na talaga ako. Hindi ko man nakikita ang mukha ko sa salamin pero alam ko yun dahil nadadama ko. Bumaba na kong kotse sabay patay sa engine ng sasakyan ko. Huminga ng malalim sabay umpisa ng lakad papunta sa loob ng hotel.
"Good Morning Ma'am!" Bati sa akin ng isang doorman na naka kulay gold na uniform na motif ng hotel.
"Good Morning din!" Sa malumanay kong bati.
Malaki ang buong hotel. Malawak ito as I expected. Sa nag tataas nitong kisame ay may isang chandelier na ubod ng laki. Gawa ang mga nakalambitin ditong kumikinang na bagay sa Swarovski crystal. Nataga namang nakakamangha pag itoy iyong pinagmasdan.
Nakatunganga ako ng panandalian sa may entrance ng crown plaza ng biglang may sumanggi sa akin. Halos mapa subsub ako sa carpeted na sahig ng hotel. Ngunit bigla naman niya akong sinalo. Ang dalawang kamay niya ay nilagay niya sa lkod ko at binigay niya ang kanyang bigat sa dalawang niyang binti upang bigyan ng pwesa ang pag salo sa akin.
"Miss Okey ka lang ba?" Wika ng lalaki.
"Oo okey lang ako." sa bigla kong sabi.
*´¨)
¸.•´¸.•*´¨) ¸.•*¨)
(¸.•´ (¸.•' ★ Act no.6: Invisible Trap ★
Medyo nahilo ako sa pagkatumba ko. kaya naman eh ito. Parang eksena lang sa pelikula ang mga pangyayari. Agad ring lumapit sa amin ang doorman. Pati siya eh naki tulong sa pagtayo sa akin.
"Sorry talaga miss ahhh!" Pagpapatawad ni lalaki. Habang todo tungo pa.
"Okey lang ako." Sabay ngiti. Ayoko kasing mag bad trip ngayong araw eh. kaya dapat positive lahat ng iaabsorb ko.
Tinignan ako ng lalaking yun. "Oii diba ikaw si Claire?" Wika niya. "Oo ako nga!" sabi ko naman.
Medyo inayos ko muna ang aking sarili pag katayo sa akin. Pinapagpag ko ang damit ko at tinatanggagl ang pagkakusot rito. Ang lalaki namang tumulong sa akin ay nakatingin lang.
Matikas ang pangangatawan nito at maputi. Inferness medyo gwapo siya pero hindi yan ang pinunta ko rito. Kundi ang tungkol sa kontrata.
Pagkatapos nun ay hindi na ako nagtagal sa entrance agad na akong nag punta sa cafe ng hotel. Masyado na yatang akong nag eenjoy kaya di kona namalayan ang oras.
Nangangati ang kamay ko habang papunta ako ng cafe ng hotel. Teka teka diba ibig sabihin nito ay pera? Well this is it na yata! Mas lalo tuloy akong na eexcite.
Sa nasabing cafe ay nakita ko ang isang lalaki na naka dark blue na suit. Siguro siya nato? Dahil tugmang tugma ang kanyang discription sa binigay niyang text sa akin.
"Mr. Alamucho?" Tanong ko dito. Sabay hawi ng buhok ko.
"Yes I AM!" Sa masigla niyang sabi. Please take a seat!" Sabi niya.
Medyo matanda na tong si Mr. Alamucho. Para kasing bata ang boses ng nakausap ko sa telepono kanina bago ako pumunta rito. Nakakalbo na ito dahil narin sa nakikita na ang anit nito sa bumbunan, moreno ang balat at may bigote. Parang gusto ko tuloy itanong kung anong edad niya kaya lang wag na. Bad manners yun.
"So hows the contract? Are you willing to join with us?" Wika nito na pataas taas pa ang kilay.
"Sure Mr. Alamucho. But before that I would like to know the rules and regulation of your agency." Sa pa sweet kong sabi.
"Sure!" Sabi nito.
Sa malaki niyang leather na bag ay may nilabas siyang isang folder na halos may isang daang pages yata sa kapal.
"Enjoy reading!" Wika pa niya. Sabay abot sa akin.
What enjoy reading daw??? Eh para akong magbabasa ng Harry potter nito sa kapal.
Binuklat ko ang mga pages nito. Pero hanggang page 3 lang ang binasa ko. Yung iba eh parang paulit ulit na lang. Pero sa totoo lang eh sa papel lang naman ito eh. Minsan kasi sa totoong buhay ay hindi ito masyadong nasusunod.
"So whats Next?" Sabi ko.
"The contract!" Sabi niya.
"Okey pipirmahan kona!" Sa excited kong sabi.
"Ohh not here... On my room. Nandun ang kontrata." Sabi niya.
Bigla akong napaisip. Tanga ba siya o nag tatanga tangahan. Bakit niya iniwan ang kontrata sa room niya? I smell something here!!!
Ayoko mang sumama eh napilitan ako. Feeling ko naman eh may good manners and right conduct naman tong si Mr. Alamucho eh. But I didnt know kung may pag galang siya sa mga babae. Habang naglalakad kami sa hallway ng hotel ni Mr. Alamucho ay wala akong habans sa pag si sign of the cross.
Sa room 204 kami huminto. Kumikinang pa ang ang number sign nito na tumatama sa suot kong kwintas.
"Please come in." Wika niya.
Pag bukas palang ng pintuan ay parang pinaghandaan talaga ang pag dating ko. Amoy na amoy ang kandila na halos sumabog ang aroma nito sa hangin. Sabayan pa natin ng glass window nito na ang kaharap ay ang buong city ng Manila.
"Wow!!!" bulalas ko. Nakakamangha talaga sa ganda ang tanawin.
Habang nakatanga naman ako sa labas ng bintana ay biglang nagpatugtog si Mr. Alamucho ng isang romantic music. Halos napapapikit pa si Mr. Alamucho habang pinapa tugtog ito. Parang nakalimutan na yata ang tunay na sadya ko rito. Ang tungkol sa kontrata.
"Mr. Alamucho where is the contract???" Wika ko habang nakakahalata na.
"Why can we dance a liitle bit!" sabi niya. " Before we proceed to the contruct signing." Pag papatuloy niya.
Sumayaw sayaw si Mr. Alamucho sa harapan ko. Feel na feel ang harmony ng musika. Hanggang lumalabas na ang dila nito.
"Yuck!" Bulalas ko. Sa pagka gulat.
Unti unti akong nag lalakad papunta sa may pintuan not knowing ni Mr. alamucho. Busing busy kasi sa kaartihan niya. May paganon ganon pa.
HInayaan ko lang sa kabaliwan niya si Mr. Alamucho para itong naging psychotic! Nakakatakot. Ultimo ako eh hindi makapaniwala sa mga nakikita ko. Ang dating malumanay na si Mr. Alamucho ay parang baliw na nagsasayaw.
Nang makalapit na ako sa pintuan ay agad kong pinihit ang doorknob. Sa pag kakataong ito ay lumakas ang loob ko. Dahil konting ikot ko lang rito ay tiyak na makakalabas na ako. Ngunit nag kamali ako. Ni lock ni GAGO ang pintuan. Kahit anong ikot ko rito ay hindi ito bumubukas.
Mula sa likod ko ay biglang umobo si Mr. Alamucho tila sinadya niya itong lakasan upang lumingon ako.
Ayoko ko mang lumingon pero mukang ito ang hinihingi ng tadhana. Unti unti kong nilingpn ang aking ulo. Napapaluha na ko ng mag eksenang yun. Dahil parang wala na akong kawala.
Pagka tingin ko kay Mr. Alamucho ay hawak hawak nito ang susi ng kwarto. Pati ang susi ay ultimo eh pinapasayaw niya sa may ere.
"Ito ba ang hinahanap mo Claire?" Wika niya na sige parin sa pag sayaw.
BINABASA MO ANG
Falling STAR (Completed)
RomanceClaire is like a star. Makinang , Mataas, Mahal. Ngunit pano kaya kung ang bituin na ito ay biglang bumagsak sa lupa dahil lamang sa isang lalaki? Maibabalik pa kaya ang kinang nag isang talang nahulog na sa lupa? Genre: Romance/Drama Rating: OT (O...