Short Special Chapter

22 1 0
                                    

"James..... Anong ginagawa mo dito?"

"Sam, I'm sorry.." nagulat ako nang yakapin nya ko.. Humihikbi na sya. Sht naman James oh!! Pano kita makakalimutan nyan? Wag mo naman akong pahirapan oh!

"Sandali.." kinalas ko ang pagkakayakap nya sakin.. "Bakit ka ba kasi nandito?"

"Sam sana patawarin mo ko sa ginawa ko sayo.. Sam niloko nya ko.. Tapos narealize ko nalang na ang tanga tanga ko para gawin yun sayo.. Napaka importante mo pala sakin.. Sam mahal na mahal kita! Di ka naaalis sa isip ko.. " tuloy tuloy nyang sinabi sabay ng pag-iyak nya..

Totoo ba tong nakikita ko.. Ang lalaking iniiyak iyakan ko netong mga nakaraang araw ay umiiyak sa harap ko.. Di ko alam pero parang hindi ko nararamdaman yung sinasabi nya.

James seryoso ka ba sa sinasabi mo? O lolokohin mo lang ulit ako?

"James!" napasigaw nalang ako sa gulat ng bigla syang lumuhod sa harap ko.. 

"Samantha! Nagmamakaawa ako! Bigyan mo pa ko ulit ng isa pang chance!"

"James tumayo ka na!"

"Hindi ako tatayo, Sam! Patawarin mo na ko.."

"Tumayo ka muna!" tumayo naman sya.. nagpagpag sya ng tuhod at hinawakan ang dalawang kamay ko.. Dun palang sa ginawa nyang pag-pagpag ng tuhod alam ko nang peke lahat ng ginagawa nyang to.. Iba talaga ang nararamdaman ko ngayon, at paninindigan ko ito.. Oras ko na para magsalita..

"James, oo minahal kita, oo iniyakan kita.. Pero hindi ibig sabihin habang buhay ko mararamdaman yun sayo.. Aaminin kong naging mahina ako.. lalo na nung nakita kitang kasama yung babaeng ipinalit mo sakin.. Wala akong nakikitang dahilan para gaguhin mo ko ng ganun James..  At wala ka ding karapatang magmakaawa sakin ng ganito.. Hindi tayo deserving sa isa't isa. Hindi ko ugaling mag-salita ng hindi tapos James.. Hindi ako magbibigay ng chance sayo. At ipinapangako kong balang araw makakamove on din ako sayo.."

Pumasok na ko sa gate at nararamdaman kong nakatingin sya sakin.. hindi ko sya nilingon.....

"At.. oo nga pala.. Pinapatawad na kita" nagdire-diretso ako hanggang sa loob ng bahay at iniwan syang nakatulala sa labas. Hindi na ko magpapakatanga pa sayo.

Hay! Ang sarap sa pakiramdam ng ganito! Para akong nabunutan ng tinik sa puso. Eto na siguro yung sign para simulan ang pag m-move on ko.

Nang may biglang pumasok sa isip ko....

Yung gwapong lalaki sa phone ni Eula... Di ko alam pero napangiti ako..

Ang weird ah?

Just One Beat (DISCONTINUED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon