Chapter 1

46 0 0
                                    

Ganito ba talaga ang buhay? Bakit parang pinaglalaruan ako ng tadhana?

Ginagawa ko naman ang best ko para maging maganda ang takbo ng buhay ko pero bakit ganito..

Ang sakit.... 

Sobrang sakit na makita mo ang taong mahal mo na may kahalikang iba, hindi ako makahinga sa nakikita ko..

'James pinagkatiwalaan kita, pero gagaguhin mo lang ako'

***

"Sam!! Tara dali ipapakilala ko sayo yung nanliligaw sakin"

"Pwede ba, wala akong panahon dyan, dyan ka na muna may klase pa ko" malamig na sagot ko sa kanya..

"Iigh! Samantha naman eh, kala ko ba bestfriend kita! Bakit parang pati sakin ang cold mo na.. Kahit kailan naman di kita niloko tulad ng ginawa ng ex mo ah!!"

shoot, tinamaan ako sa sinabi nya..

"Pasensya ka na, Diane" tumakbo na ko paalis pero imbis na sa classroom ako pumunta, dumiretso ako sa restroom at pumasok na isang cubicle..

Eto nanaman, bumabalik nanaman lahat ng sakit... Naalala ko nanaman yung araw na nakita ko sya na may hinahalikang babae.

JAMES, JAMES... Bakit mo ba nagawa sakin yun? Naging mabuting girlfriend ako sayo.. James pinakatiwalaan kita, minahal kita ng totoo.. Tapos ganun ang igaganti mo sakin?

Oo tatlong buwan na ang nakakalipas mula nung nangyari yun, pero sa tuwing nababanggit ang pangalan mo, kusang bumabalik yung sakit..

Masyado ko bang binigay lahat??

Lumabas na ako ng cubicle at tinignan ang sarili ko sa salamin..

Mukha akong ewan.. Maga ang mata, mapuputlang labi, gulo gulo ang buhok..

Hindi na, Sam... Hindi na sya babalik..

Tingin ko kailangan ko nang kalimutan ang nangyari noon at baguhin ang lahat.. sakin.. Tinitigan ko uli ang sarili ko..

"Samantha Irish Guzman, hindi mo deserve ang lahat ng ito, isa kang matapang na babae.. Isipin mong hindi sya kawalan.. isipin mong isa syang basura! " inayos ko ang buhok ko at pinunasan uli ang luha ko..

"Ang cute mo naman umiyaaaak! ~^O^~"

Huh?! O.O

AAAAAAAAAAAAAAAAAAAHCK!!!!!

Ba-ba bakit may lalaki dito sa cr ng mga babae?!

"H-hoy bakit ka nandito!! Bawal ang lalaki dito ah!! Tsaka k-kanina ka pa ba nandyan sa loob?!!" Grabe kinikilabutan ako sa lalaking to!! Dumungaw sya mula sa taas ng isang cubicle sa bandang dulo.. Dun sa tabi ng cubicle na pinasukan ko. Whaa grabe ang creepy nya!! T^T Lord wag nyo po hayaang may gawin saking masama tong cute na lalaking to!! Jusko po!!

"Haha, chill ka lang Ate Sam! Wala naman akong gagawing masama sayo" sh*t! Marunong din sya bumasa ng isip?! "At hindi ko kayang bumasa ng isip"

Uwaaaaaa ~T_T~ Natatakot na ko sa kanya..

"Teka bakit kilala mo ko?! Stalker kita noh!!"

"HAHAHAHAHA" Teka? May sayad ba to? "Haha ang astig mo talaga Ate, kaya Idol kita eh.. Uhm hindi naman Stalker kasi ang pangit pakinggan eh.. Sabihin na nating 'FAN' mo ko"

"Fan?? Siraulo ka ba? Di naman ako artista noh!!"

"Uhm siguro nga siraulo ako.. kasi talagang hinahangaan kita kasi ang kahit na nagbreak na kayo ni kuya pinsan di ka padin-----------"

"Wait wait!! Kuya pinsan?? Sinong kuya pinsan???" Napaka mahiwaga naman netong batang to, oo alam kong bata sya dahil sa kulay ng ID Lace nya..

Red sa seniors tulad ko, Green sa Juniors, Yellow sa Sophomores, at Orange sa Freshmen.. At kulay Green ang ID Lace nya, pareho sila ni Diane.. siguro classmates sila.. Neh ngayon ko lang talaga sya nakita..

At teka sino nga ba yung tinutukoy nyang Kuya Pinsan, eh isa palang naman nagiging boyfriend ko?

"Hala di mo alam?? Si Kuya James! Kuya pinsan ko sya!"

WTF?!!!!

Just One Beat (DISCONTINUED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon