"What?! How?! Why?!" sunod sunod na tanong ko. Walastek naman kasi tong babaeng to.
"Wahaha! Chill ka lang Sammy! O isa isahin natin yung tanong mo. What? Kinuha ko yung number nung Brix. How? Habang magkausap kayo ni Eula may nag pop na message sa phone nya so napatingin ako and si Brix yung nagmessage, nakadisplay yung number kaya kinuha ko na yung chance! And why?? Eh kasi hindi naman mababaliw ng ganun si Eula dun kung hindi yan gwapo noh!" pag eexplain ni Pam.
*pok*
Binatukan ko nga. Talandi eh.
"Ikaw talagang babae ka, hindi yan ang pinoproblema natin ngayon! Tsaka sige pag pyestahan nyo yang number nung Brix na yun ewan ko na lang kung hindi kayo mahuli ni Eula at ipatapon sa pasig river at ipalapa sa mga linta." warning ko sa kanila. Ka stress kasama tong dalawang to ah?
Pumasok na kami sa susunod naming klase at pinasa ko na yung essay na pinagawa samin nung nakaraang araw.
Umalis din agad yung prof. namin kaya maaga ang uwian.
Tinext ko si Diane na mauuna nako, at yun nagdirediretso na ko sa bahay namin.
Habang naglalakad napatingin ako sa mga dumadaang kotse.
Sa kabilang sidewalk nakita ko si James... Oo si James may kasama syang babae, kung hindi ako nagkakamali yun yung babaeng nahuli kong kahalikan nya.
Nangingilid nanaman luha ko, ano ba Sam?! Kala ko ba mag momove on ka na!
Di ko na kinaya yung nakita ko kaya tumakbo na ko hanggang sa bahay.
Sobrang hirap na hirap akong huminga dahil hinihingal ako habang humihikbi kaya tinawagan ko si Elmo, si Diane sana ang tatawagan ko pero sa ganitong oras ang alam ko may klase pa sya kaya si Elmo nalang dahil mahilig naman sya nag cut. Sobrang tagal na nagriring pero sinagot din nya.
[Hello, ate Sam? Pasensya ka na ha nasa bag ko kasi yung phone ko eh. Bakit po pala?]
"*sniff* *sniff"
[Ate Sam? Umiiyak ka po ba? Hala ate.]
"H-hindi ako m-makahinga, Elmo"
[Hala ate!!!! Bakit?! Ano bang nangyare?!]
"T-tumakbo l-lang ako.."
[NAK NANG DEPUKAL KA NAMAN ATE SAM OH! Kinabahan naman ako!!]
Napangiti ako kay Elmo, sobrang maalalahanin nya, sobrang bait. Ang swerte ni Diane sa kanya, sana parehas nalang sila ni James at hindi na sana ako nahihirapan ng ganito.
"WHAAAAAAAAAAAA! TT^TT Elmoooo! Kasi naman yung pinsan mo eh! Bakit di ko sya nakalimutaaaan?!!!"
[Hala ate Sam? Baliw lang? Ay nako, kahit ako ate Sam ayoko sanang humantong kayo ni kuya pinsan sa ganito eh. OTP ko nga kayo eh. Botong boto ako sa relationship nyong dalawa. Sobrang natutuwa ako sa inyo. Pero di ko rin akalain na hahantong kayong dalawa sa ganito. Basta gawin mo nalang lahat ate para makalimutan si kuya pinsan kasi ayaw kong masaktan ka pa lalo sa mga kalokohan ng kuya ko.]
Uwaaaa! Lalo akong naiiyak! Sobrang sweet naman ni Elmo, para ko na syang kapatid. ~T_T~
Huminga muna ako ng malalim para maging normal ulit yung paghinga ko. Para rin kasi akong tanga e, bakit ba naman kasi kailangan ko pang tumakbo hanggang bahay. Jusko napaka arte.
"Wow Elmo, sobrang thank you talaga ha. Sobrang bait mo sakin. Salamat talaga yaan mo ililibre kita ng torrid na kiss galing kay Diane."
[Psh, ikaw talaga ate! Puro ka kalokohan. Pero sige ba, kelan ba?]
Hahaha! Napaka talaga neto oh!
"Abnormal ka, sige na ibababa ko na to. Thank you ha. "
[Okay ate Sam! Byeee]
Nakakatuwa naman tong batang to. Sobrang gumaan ang loob ko sa kanya.
Sobrang kabaligtaran talaga sila ng pinsan nyang kuyukoy.
Kinuha ko na lang yung laptop at nag facebook. Hindi pa ko nakaka isang oras pero sobrang tinatamad na ko..
Gumulong gulong ako sa higaan na parang bote. Agh! Wala na bang nagandang mang yayari sakin ngayon?! Sobrang bored na ko! Ayoko na alalahanin yung nakita ko kanina kaya gusto ko ng mapaglilibangan!
*beep boop*
(a/n: Okay, ang corny ng sound effect, walang basagan ng trip)
From: Pam Ricafort
Girl! Alam kong bored ka kaya eto ibibigay ko number ni Brix. Haha.
09*********, ingat ka dyan, nakausap ko na sya kanina kaso ayoko na! Masungit eh!Ay sus! Bagay na bagay talaga sa kanya pangalan nya! Pam, Pampam!
Bakit naman nya binigay sakin? Psh! As if namang itetext ko yan noh! Hindi ako interesado.
*kruu
*kruu
*kruu
AGGGHHH! Ang boring!! Sige na nga itetext ko na!
Pag hindi nagreply i-dedelete ko na agad number! Speaking of ano ba magandang ipangalan sa contact nya?
Brix
Ay ang plain!
Bura bura. ..
Brix Daw
Tss! Hindi ko alam apelyido neto eh!
Aha! Alam ko na..
Kuyang Cutie
Ayan okay na siguro. Haha
To: Kuyang Cutie
Hi :)
*message sent*
Pag talaga hindi nagreply to!
*beep boop*
Hala! Ang bilis naman sumagot!!!
From: Kuyang Cutie
?
WHAAAAAT THEEEEE FIIIIISH!!!!!
Kaya pala sobrang bilis magreply! Question mark lang ang isinagot!!
Aba aba! Wag nya ko subukang sungitan!!! Gumaganti ako!
Rrrrghh!
BINABASA MO ANG
Just One Beat (DISCONTINUED)
Teen FictionNaniniwala ako sa sarili ko na balang araw magagawa ko din ang lahat ng gusto ko kasama ang lalakeng makakasama ko habang buhay.. Isa palang akong Senior pero feeling ko masyado na kong nahihirapan sa lahat.. Alam kong part lang to ng mga pagsubok k...