Chapter 6

15 0 3
                                    

"ANO?!!!" sigaw ko..

Kausap ko ngayon si Harold.. Oo, si Harold na EX na pala ni Eula.. Bakit ngayon ko lang to nalaman? Ipinalit na pala nya si Brix.. Grabe talaga sya, mabait naman si Harold, maalagain pa... 

"Oo samantha.. "

"Ano ba ang dahilan nya para gawin to sayo??" hindi talaga ako makapaniwala

"Boring na daw ako.."

"Fvck! Hindi ba nya alam na hindi yun sapat na dahilan para hiwalayan ka?! Wala kang ginagawang kasalanan.. At kung boring ka nga.. Bakit di nya sabihin sayo para nabago mo pa!" Bitch talaga..

"Hindi ko din alam Sam.." ang labo nila! "Sige na aalis na ko, salamat sa oras ha.." at umalis na nga sya..

Kailangan ko talagang makausap si Eula..

***

"Eula! Kailangan natin magusap" nakita ko sya sa Canteen kaya nilapitan ko na, kasama ko pa yung mga friends ko sa classroom na sila Jane, Pamela and Chyra..

"Oh hi Sam, tara kain tayo" ngumiti pa sya na parang walang nangyari..

"Sige, mamaya na kame.. Eula may kailangan tayong pagusapan" seryosong sabi ko..

"Tungkol naman san?"

"Tungkol sa inyo nila Harold at .... Uhmm.. (nakalimutan ko) basta!" Leche oh! "Eula mali kasi yung ginawa mo kay Harold eh, hindi naman sa kinakampihan ko si Harold.. hindi kasi dahilan lang yung bored ka sa kanya para lang sayangin yung pinagsamahan nyo.."

"Hay... Sam ewan ko din.. Pero naguguluhan ako.."

"Oo nga girl! Ako nanghihinayang sa pinagsamahan nyo ni fafa harold ehh!" singit ni Pamela..

"Oo nga teh!!" pag sang-ayon ni Jane..

"Girls wait lang.." tinignan ko sila ng seryoso at natahimik naman.. tinignan ko ulit si Eula na nakayuko na.. "Eula, mamili ka.. Si Harold na nakasama mo ng almost 7 months na kayong magkasama.. At breaking the record yun para sa isang HAROLD IVAN OLEDAN! o isang stranger na nakilala mo lang sa isang social networking site. Hindi sa naninira ako ah.. Harapin lang natin yung reality" pagkatapos kong sabihin yun.. mga ilang minuto bago sya sumagot..

"Sam..   magpapakatotoo na ko... Mas mahal ko talaga si Harold.. Nagkataon lang na nandun si Brix para sakin pag wala si Harold.."

"Ayun naman pala eh! Ede hangga't maaga pa ayusin mo na to, para di na lumala, nangdadamay ka pa ng ibang tao sa ginagawa mo eh.. Maawa ka naman dun sa Brix ba yun.." sa wakas naman nagsalita narin tong si Chyra. Kala ko pipi eh.. Tsaka tamang tama  yung sinabi nya kay Eula..

"Sige na aalis na kami, gawan mo na ng paraan yan ah.." pagpapaalam ko sa kanya..

"Sige Sam.. Salamat."

Umalis na kami nila Jane, Pam, at Chyra.,

"Guys! I have something to tell you!!" bulalas ni Pam..

"Oh ano yon?" sabay sabay na sagot namin..

"May nakuha ako.." Pam

"Nakuha ko cellphone number ni Brix!" 






WHAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAT?!

Just One Beat (DISCONTINUED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon