Chapter 4

23 1 0
                                    

"Nak ng paking teyp!" Nakakairita na tong essay na to ah. Di ko matapos tapos, ang daming mali!! UWAAAAA!! T^T~ Lord God Help ME!!!! Tulungan nyo kong sikaping matapos tong essay para mamaya paguwi ko sa bahay magf-facebook nalang akooo!

"Okay Class! Since tapos na ang oras natin for this subject.. I-take home nyo yang mga essays nyo and tomorrow ko na kukunin, okay???" 

"YES MA'AM" sabay sabay na sabi nilang lahat..

NO MA'AM AYOKOOOOOOO!!! Mamaya na nga lang kami ulit magkakaron ng quality time ng laptop ko tapos sisirain nyo pa!! ASAR!

"Goodbye Class" nagtayuan na silang lahat para ligpitin yung mga gamit nila at ako? Nakatulala.. BADTRIP TALAGA!!!

"HUY!!" 

"Ay kabayong tomboy! UY DIANE?! Pano ka nakapasok dito?? Bawal ang junior dito!"

"Wala ka nga talaga sa pag-iisip! Uwian na teh!"

"Sabi ko nga, oh eh bakit ka nga nandito? Hahatid mo ko samin? hihi.." 

*pok*

 "Aray naman! Bakit ka nangbabatok?!" kung di ko lang talaga bestfriend to! Naman oh.

"Bakit hindi mo sinabi sakin na nagpunta si James sa inyo!!! Naglilihim ka na sakin!?!" sigaw nya sakin

"Chill!! Sasabihin ko pa lang sana sayo pagkalabas ko dito sa classroom! Naunahan mo lang ako. Gaga ka"

"Ahh! hihi, kala ko naglilihim ka na eh, o dali ikwento mo na.."

"Sige sige" at may naisip akong idea na ikasasaya ko at ikatatahimik ng bunganga nya.. " Pero ilibre mo muna ako."

"Psh!! FINE!" Odiba! Alang alang sa chismis susuko yan..

At yun na nga pumunta kami sa isang pizza parlor, nilibre nga nya ako.. Umuwi muna kami sa bahay para tumambay sa kwarto ko.. at ikinuwento ko na sa kanya yung nangyare nung gabing pumunta si James samin

"AAAAH! Ang astig mo girl!! Para kayong nasa movie alam nyo yon? KYAAAA~" *kriiiiiing* bigla namang nagring yung phone nya.. 

"Ha? Ay oo nga pala! Sige sige! hintayin mo ko, sorry yabbie! Mwa" nung pagkababa nya nung phone, napansin nya sigurong ang sama ng tingin ko sa kanya...

"Ahehe.. Kami na sammy" paatras sya ng paatras tapos bigla akong sumugod..

"WALANGYA KA! IKAW PALA YUNG NAGLILIHIM SATING DALAWA! BUMALIK KA DITOOOOO!!" at hinabol ko sya ng unan..

Lumabas sya sa gate tapos sumigaw sakin..

"Haha! Sorry Sammy! AY LAB YU!! Mwa! Text mo ko bukas sabay tayong pumasok.. Bye, may date pa kami ni ELMO!!!! WAHAHA!" Hay nako!! Ang sarap talaga kurutin ng singit nun.. bumalik na ulit ako sa kwarto na natatawa tawa, para kaming ewan. ^_^ 

At SHEMAY! Oo nga pala! Kailangan kong tapusin yung essay ko.. Badtrip! Terror pa naman yung subject teacher namin dun..

Buong hapon hanggang gabi.. Ginagawa ko lang yung essay ko.. Paksyet naman oh! Ang sakit na ng ulo ko! @.@ 

Tingin ko okay na to! Hay Salamat! Natapos nadin! Shocks 11:30 na pala! Pero walang dahi-dahilan para hindi ko ituloy tong quality time namin ni Lappy ko! Oh baby laptop ko! I miss youuuu!!!

WEHEHEHEH!! Adik mode na to!

*tap* *tap* *tap* *click *click *tap *tap 

Ang boring na! -_-" 

*facebook pop* *message from Eula Jane Chavez

Woah?? Ano nanaman kaya kailangan neto? 

Eula: Hi Samantha! 

Samantha: Yow?

Eula: I got his account na.. Bigay ko sayo..

Just One Beat (DISCONTINUED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon