Chapter 2

22 1 0
                                    

SAM's POV

"Diane!"

"H-Hi Sammy"

"Diane, sorry sa inakto ko kahapon ah, wala lang kasi talaga ako sa mood.. Pasensya ka na talaga girl! Sana di ka nagtatampo sakin" Mali naman kasi talaga ako, kahit minsan hindi nya ko ginanun.. Parang feeling ko ang bastos bastos ko. Aish!

"Sus! Ano ka ba! Wala yun noh! Ako nga dapat ang magsorry eh.. Kasi alam mo na.. May nasabi akong di ko dapat sabihin" Wala na sakin yun Diane, natauhan na ko..

"Haha, kalimutan nalang natin yun! Oh ano? Tara pakilala mo na sakin yung nanliligaw sayo!" masiglang sabi ko..

"Tara!" hinila nya ko papunta sa garden ng school.. Dito ba sila nagsasama? Ghad! Ang creepy kaya dito..

Di kalayuan sa kinatatayuan namin nakita ko na yung lalaking tinutukoy ni Diane..

"ELMO!" sigaw nya..

At parang scene sa movie na unti unting lumingon yung lalaki.. Ang corny diba? Psh -_-"

"Uy ikaw pala Diane, and HI ATE SAM!"

WHAAA?! Sya yung manliligaw ni Diane?!! Sh*t naalala ko nanaman yung nangyari kahapon sa CR ng girls.. Goosebumps pare!

"IKAW?! Ikaw yung manliligaw ng bestfriend ko?!!"

"Haha ako nga!" proud na proud pang sabi nito..

"Uy best? Magkakilala na pala kayo?" bulong sakin ni Diane na may halong pagtataka.

 "Pinsan sya ni Asdfghjkl" bulong ko din sa kanya..

 "Nino??"

"Ni Asdfghjkl!"

"Ha?!"

"Ni JAMES! Punyemas!" pesteng to! 

"Ahh, bakit wala naman syang nababanggit sakin??" bulong nya pabalik

"Huy! Kanina pa kayo dyan nagbubulungan sino ba pinaguusapan nyo?!" iritadong tanong ni Elmo.

 "Wala!" Sabay naming sabi ni Diane.. parang on queue kaming nagtawanan dun.. Tingin ko naman masaya kasama tong si Elmo. 

****

Nandito ako ngayon sa mall kasama mga classmates ko, naisipan naming mag-gala gala dahil katatapos lang ng exam namin..

Lumapit sakin si Eula.. Si eula ang pinaka maganda sa batch namin.. Nung unang pasok pa nga lang nya sa school namin.. Na starsruck ako sa kanya.. Para syang artista, kaya kung pagdidikitin kami, nagmumukha akong basahan. Ganun sya kaganda!

"Sam! I have something to show you!" sabi nya sakin na parang excite na excite.

"Ui ano yun?" nakakapagtaka kasi minsan lang to lumapit sakin.. Nilabas nya yung phone nya at may pinakitang picture.

"Look, he's cute aight?" sabi nya na kinikilig na ewan..

Tinignan ko yung picture at....

SYET...

Anghel ba to? <3

"Uuh. Oo, cute naman" Whaa! hindi sya cute!! ANG GWAPO NYA! T^T~ Parang fictional character sa wattpad! Nakakagigil! 

Umiwas agad ako sa pagkakatingin sa phone nya, baka isipin nya pinagnanasaan ko yung guy..

"Uhm, ano mo sya?"  tinanong ko lang, na curious ako eh...

"Hihi, satin lang to ah, he's courting me kase!" Ay manliligaw na pala. Laslas na Sammy. T^T

Wait!!! 

Sila ni Harold diba??! Mula nung 1st week ng classes nagka affair na sila ni Harold.. Is she cheating??

"What? Eh diba kayo ni Harold? Are you cheating on him?" di naman sa nanghihimasok ako..

"Haha, I don't think that's cheating dahil masasabi lang natin na cheating tong ginagawa ko kay Harold kung kami na netong cutie na to diba? .. Bakit masama bang makipagflirt?" hay nako, mas tinatago din palang pagka bitchesa tong si Eula -_- Nobody's perfect nga naman talaga.

"Eula!! Tara na! May nakita kaming cute na dress dun oh!!" tawag nung mga kaibigan nyang magaganda din. Jusko pagmagkakasama talaga mapapanganga ka.

"Uy buti naman tingin mo cute sya.. Haha. Bye Sam!" tapos tumakbo na sya sa mga friends nya..

GRABE! So ginagamit nya yung ganda nya para mangloko? Aish! Bakit ba naman pati yung pinoproblema ko?? -_-" Tss.

Nagpaalam na ko sa mga classmates ko, kailangan ko nang umuwi dahil mag-gagabi na.. 

Pero wala din pala.. Nakarating ako sa village namin ng madilim na.. Psh. Lecheng traffic.

Teka?? Bakit parang may lalaki dun sa tapat ng gate namin?? Hala baka killer! MOMMY!!! T^T

Unti unti akong lumapit sa kinatatayuan nung lalaki.. Hinanda ko na yung bag ko pang hampas.. (Pasensya naman.. Eto lang dala kong pang depensa)

"SINO KA?!" sigaw ko dun sa lalaki na nakatalikod sakin..

"Sam.."




OH MY GOSH..







"James....."

Just One Beat (DISCONTINUED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon