방아쇠 장 05

29 2 0
                                        





                   Kanina pa talaga 'to. Matutunaw na ata ako eh.
Sabagay may balak siyang tunawin ako dahil sa nangyari kanina. Sana naman hindi ako tuluyang ma-laser dito.

"Corpus ano ba! May gusto ka ba kay Sures ha!" Sabi ni ma'am.

Nakatakot naman talaga 'tong si Yina eh grabe makatitig kulang na lang iluwa yung eyeballs niya kakatitig sa kin.

Yina ignores the shout of the teacher. Itinuloy pa din ang katitig sakin. Ano bang gusto niyang mangyari ha.

I still didn't know yung sinasabi niya earlier it leaves a question mark on my head.

Tumingin si Ma'am sa gilid ng pintuan at pinapasok niya ang mga tao sa labas.

May dalawang pumasok na lalaki mga Senior high ata 'to nagsimulang magsalita ang lalaki "Sino po yung gusto sumali sa CAT?" tanong ng isang lalaki habang tinataas ang kanang kamay niya.

Marami sa mga kaklase ko ang tumaas ng kamay na tila bang interesado sila sa pagpasok.

Nagsimula ng nilista ng kasama ng lalaki ang mga pangalan na nag-taas ng kamay.

Yumuko na lang ako hindi naman ako sasali diyan such a waste of time tapos bu-bullihin ka lang naman ng mga Commander diyan.

Biglang naghiyawan ang mga kaklase ko. Napa-angat ang aking ulo dahil malapit lang sa tenga ko ang bibig ni Yulaine na tumitili.

Rio. "Seniiioooorrr!" Sigaw ng mga kaklase ko pati yung mga lalaki ay sumisigaw na din bakla ata 'tong mga 'to.

Sinuot niya na ang camouflaged jacket na ipinahiram niya sa akin. That jacket looks so good on him.

Pero kung si Rio lang din naman ang pagtitilian ay why not?
"Listen ang pagpasok sa CAT ay hindi lang isang biro if respect lang ang gusto niyo then paki tanggalin niyo yung pangalan niyo sa listahan pero if you want the dignity and the compassion of being a CAT and being the future commander then you are welcome to enter."sabi niya with a deep voice habang paikot-ikot siya sa harapan ng classroom. Strikto pala si Senior pag dating sa mga ganto nung nag-usap kami ay hindi naman siya ganto ka tapang.

Chill! mahina kong sinabi. Tumingin siya sa kung saan kina-uupuan ko.

Napalitan ng ngiti ang asungot na mukha niya kanina. Ako ba tinitingnan nito? Tanong ko sa sarili ko, kumunot ang aking noo.

"Hala hi!" sabi niya habang kinakaway ang kanang kamay niya. Di ko pa din alam kung ako ba ang kinakawayan niya o ang katabi ko.

Pero sigurado akong, ako ang tinitingnan ng masama ng mga ka-classmate ko. "Sabi ko na nga ba thers something's fishy eh" bulong ni Trina sa katabi niya. Kahit mahina niya ito sinabi ay rinig na rinig pa din ang sinabi niya.

Nagsimulang magbulungan ang mga kaklase ko.

'Sila nga talaga kasi yung jacket ni Senior na kay Lauren last time'.

'OMG paano si Sophia'.

'Bitch! Mang-aagaw ng asawa'

'Parang alam ni Yina to'

'That cruel shit! Mang-aagaw'

'SophRio forevs parin ako!'

Sari-saring bulungan ang narinig ko. Pero si Yina lang ang hindi kumikibo, tumititig lang siya sa akin ng masama.

Ano bang napasukan kong gulo.

"Lauren dito pala yung classroom mo!" Rio said while pointing at me. Naku patay please tama na.

He Pulled The Trigger (ongoing) 2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon