Noong bata pa ako gusto ko nang maging doctor. I always dream to become one. Kahit ngayon yun pa din ang pinapangarap ko. Become one of the best doctors.
Pero sa gantong sitwasyon, I hate doctors masyado silang magastos. Nandito kasi kami ni Papa nagpapa-check up. Tumaas nanaman daw yung blood pressure kanina kaya ayun hospital ang labas.
Paano ba naman kasi nakipag-away pa sa kapwa driver nakikisali pa kasi sa gulo. Gusto ata nito maging super hero "Pa, next time naman kasi wag kanang maki-sali sa gulo" lagi na lang to si Papa napapa-away. Nung dati MMDA yung inaway niya dahilan niya pa nun sinadya niya basagin yung ilaw ng jeep para malaman niya na tunay na binabantayan sila. Napagastos pa kami nun dahil sa ginawa niya. Naalala ko nag face palm pa ko nun hayss, Papa.
"Eh kasi naman kawawa na yung estudyante sabi na nga naiwan niya yung baon niya pero pinapahiya pa sa kalsada" pagdadahilan niya.
"Papa naman eh alam mo na yang altapresyon mo pero di ka pa din nag-iingat" masyado kasing mabait tong si Papa kaya perfect match nga sila ni mama puros mabait.
Ako lang ata sa pamilya namin yung masama eh. Si Ate siya yung tagapag-tanggol sa mga na bubully sa school nila.
Kung buhay pa si Ate siguro masaya ako ngayon sa school kasi alam ko na may magtatanggol sakin.
Naglalakad kami ni Papa papunta sa Jeep hindi niya kasi pinark ito sa harap ng hospital kasi may bayad. Pati ba naman hospital nangungurakot na.
Pa-uwi na kami kanina pa kasi tunog ng tunog yung cellphone ko sa pagaalala ni Mama galit na ata yun.
Binili na din namin yung mga prescription na gamot ng doctor yung iba hindi na namin binili kasi na-short sa budget.
Emergency kasi tong nangyari sa kanya sinundo niya ako sa school kanina. Namumutla tapos naninikip yung dibdib. Ayaw niya pang magpa-hospital pero pinilit ko siya kasi di na nga maka-hinga sasabihin niya pang magastos.
Tahimik kaming nag-byahe, kahit may mga pasaherong nadadaanan ay hindi na pinapasakay, sayang din daw kasi pera din yun eh sabi ni Papa pero kailangan sundin yung sinabi ng doctor kailangan magpa-hinga muna.
Dumiretso na kami sa bahay. Pagka-dating pa lang namin ay agad na kaming sinalubong ni Mama. "Anong nangyari sayo" she cupped Papa's face with her two hands.
Hinila papalapit ni Papa si Mama para mayakap. "Tulog na lang tayo baka mamaya niyan mamatay ako di mo na ako katabi" Papa naman! Sabay namin sinabi ni Mama. Sabi niya ang cute pa daw namin dalawang mag-ina.
Buti na lang at sabado ngayon maalagaan ko din si Papa.
Nakatunganga akong nakatingin sa ceiling fan tapos ko na kasing gawin lahat. Okay na yung assignment ko para sa Monday tapos nakapag-linis na din ako ng buong bahay. Madali lang naman ayusin kasi maliit lang. Nung namatay si Ate lumipat kami sa mas maliit na tirahan aanhin pa namin yung malaking espasyo kung tatlo lang kami.
Sa gitna ng pagmumuni ko ay biglang bumuhos ang malakas na ulan. Bakit ba palaging umuulan, dapat kung umulan yung pag clichè yung moment yung tipong heart broken ka tapos umiiyak ka sa kalsada taś bumuhos yung malakas na ulan. Pero hindi nandito lang naman ako sa bahay nakatambay tapos biglang uulan.
Tumayo ako sa pagkakahiga para tumingin sa bintana. Nakaka-asar talaga pag ganto yung panahon pabago-bago.
One message from +639112834231
Hi!
Unknown number. Sino to'?
Sino to?
BINABASA MO ANG
He Pulled The Trigger (ongoing) 2018
Подростковая литератураShe is a bomb. She can explode anytime. She is a dangerous explosive that can ruin everything. He Pulled The Trigger. 2018 (Ongoing)
