방아쇠 장 08

21 1 0
                                        

P.S. Wag niyo munang i-play yung video sasabihin ko na lang pagi-play ANYWAY enjoy!!!

———————————————————-


Ano ba pwedeng suotin dito? Paano kasi pang losyang lahat ng damit ko. Lahat loose may dress nga ako pero mukha naman akong multo dun pag' sinuot ko.

Tapos pag magpants naman ako, wala akong ipapartner doon. Magmumukha akong tindera ng balut doon kung magti t-shirt lang ako.

Bullshit naman oh. Nakatitig ako sa closet ko habang tumingin-tingin kung anong pwedeng suotin.

Iilan lang naman kasi damit ko at yung mga yun either pang-simba o pang-bahay. Mamayang ten o'clock na kasi yung party pumayag naman si Mama yung nagpa-alam ako. Ngayon na kasi yung party ni Rio.


Si Mama pa nga 'tong excited kasi first time daw akong maglalak-kwatsa. Ewan ko nga bakit ganun si Mama yung iba magagalit pa kasi wala namang kabuluhan yung gagawin. Gusto ko sanang magback-out pero naghihintay si Mama sa baba kung sa anong susuotin ko.

Pinili kong mag t-shirt na lang at pantalon parehas lang naman eh. Di naman ako nila mapapansin doon.

Bumaba na ako para makita ni Mama yung damit ko. "Nak, mukha kang maglalamay palitan mo nga yan"
Nadismaya siya sa pinili kong damit all-black kasi. Pinapalit niya pa ako ng iba sabi niya something sexy daw. Hindi naman ata niya ako papapuntahin sa night club di ba?

Hinubad ko ulit yung sinuot ko kanina. Ano ba pwede dito shit kasi naman eh. I'm bad at choosing clothes. Pag namili kasi kami sa Mall mas prefer ni Mama ng mga sexy na damit pero mas gusto ko yung simple lang.

Kumatok si Mama sa kwarto ko, pagkabukas ko ng pinto merong hawak si Mama na naka-hanger na damit. "Summ... sa ate mo toh' kasya naman ata sa'yo to di ba?" May hawak siyang dalawang naka-hanger na damit.

Red and white yung stripes ng damit simple lang naman siya tingnan. Yung isa naman sobrang iksi ng short, may anim na butones sa taas nun. High-waist ata 'to jusko sa sobrang iksi parang pag' sinuot ko makikita yung hidden agenda ko.

Sinuot ko lahat ng binigay ni Mama so ito pala yung damit ni Ate.

Wait... kingina! Di magkasya yung t-shirt maliit ba talaga si Ate to fit in this fucking t-shirt. Tumakbo ako pababa papunta kay Mama kita yung puson ko sa damit na to eh. Fit naman sa braso pero nung binaba ko ang t-shirt hindi abot hanggang bewang as in kita yung tiyan ko! Ate sobrang liit mo ba dati? Naalala ko matangkad si Ate noon eh.

Or baka pambata to' Mama naman eh. Sinalubong ko si Mama sa kusinang umiinom ng tubig. "Ma! di magkasya sakiiiinn" sabi ko. Nabulunan si Mama, dahil sa tawa ng tawa.

"Gaga, jusko Summer anak fashion yan!crop top tawag jan" sabi ni Mama habang tumatawa.

Fashion! Fashion tawag mo dito ang iksi tapos kita pa abdomen ko.

"Ganito na lang, may denim jacket ako dun sa kwarto suotin mo na lang para di ka mailang" ginawa ko naman iyon hinanap ko sa closet ni Mama yung jacket na tinutukoy niya.

Kahit magjacket pa din ako kitang-kita yung tiyan ko buti na ang high-waist yung short kaya, konti lang nakikita sa tiyan ko.

Di ko napansin yung oras 10:38 na pala! No time para magpalit ng damit. Dumiretso na ako sa labas para makahanap na ng pagsasakyan.

Mabuti na lang at tinanong ko siya bago pa ako naka-uwi. Sabay kasi kami umuuwi kahapon. Tinanong ko din siya kung saan yung bahay niya. Nagyaya kasi na pumunta sa party pero hindi nagbibigay ng address. Kung hindi ko lang talaga tinanong yun baka nasa ibang dayo na ako ng Earth.

He Pulled The Trigger (ongoing) 2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon