Naglalakad na ako sa hallway, may napansin akong nakapost sa bulletin board. binasa ko..
"HOY!"
"ay palaka!" gulat naman ako.
"wow gwapo ko namang palaka." gwapo daw? sabagay oo naman. haha
"Asa ka!." sagot ko na hindi tumitingin sa kanya.
"hahaha.. anu yan?" nakibasa na din si Liam.
Announcement:
Dear Students,
We are having a dance contest nextweek. If you are interested go to faculty office for the registration. Thank you.
Faculty
ohh?? dance contest? gusto kung sumali. gusto kung magballroom. pero sino naman kaya ang kapartner ko.?
aha! parang may umilaw na bombilya sa isip ko. panu kung ang lalaking ito ang kapartner ko. kaya naman niyang magballroom di ba? pero gusto kaya niya?
"oyy! natutulala ka na sa akin. anu? narealize mong gwapo ako?" sabi niya. hindi ko alam na nakatitig na pala ako sa kanya.
"ahmm. gusto mong sumali?" nahihiyang tanong ko.
"o-okey lang." alanganin pang sagot niya.
"di ba mahilig ka namang sumayaw? sali tayo."
"ah eh sige ba." sagot niya.
ang saya! makakasayaw na naman ako. love ko talaga ang sayaw.
"ano tara magparegister na tayo." hinila ko siya papunta sa faculty.
****
break time.
lumabas na kami sa room.
"Ivy wait lang."
huminto ako at lumingon sa kanya.
"tara. meryenda tayo." sabi niya.
"sige ba. sa canteen?" tanong ko.
"sige."
.
.
nakarating kami sa canteen. umupo kami malapit sa electric fan. ang init kasi. "anung gusto mo? treat ko" sabi niya.
"ha? wag na." sabi ko. nakakahiya naman kasi magpalibre.
"hindi. sige na. sabi ko naman sayo treat kita."
"wag na. dahil ba sa homework? papakopyahan naman talaga kita kasi baka mapalabas ka pa. haha. kawawa ka naman...joke."
"sige na. isipin mo nalang hindi yun dahil sa homework." pilit pa rin niya.
"sige na nga. bahala ka nalang kung anu sakin" sabi ko nalang. kulit kasi niya eh.
siya na ang pumunta para mag-order ng meryenda namin. tsaka nagbayad na siya sa counter.
lumapit na siya sa'kin.
"oh para sayo." binigay niya sa'kin ang royal in can at slice cake. tinignan ko ung sa kanya tubig lang? at hindi pa yata malamig tsaka skyflakes lang?
"bakit yan lang sayo?" tanong ko.
"ah wala..hindi kasi ako gutom eh."sabi niya.
"kainis ka. ako cake pa tsaka in can tas sayo tubig lang?." hinawakan ko ung tubig niya "hindi pa malamig."
"wag mo nalang akong pansinin. sige na kumain ka na." nakangiting sabi niya sa'kin.
.
.
tapos na kaming nagmeryenda.
.
.
pabalik na kami sa room. sakto nakasabay namin ung teacher.
"class sino pala ang sumali sa dance contest?" tanong ni ma'am.
nagtaas ako ng kamay pati rin si Liam. syempre partner ko siya eh. pero kami lang ang nakataas ang kamay. kami lang ba sa section na 'to ang makikisali? kami lang ba ang mahilig sumayaw?
binaba ko na ang kamay ko.pati din si Liam.
"okey Ivy and Liam simulan niyo ng magpraktis okey. kung mananalo kayo. kayo ang lalaban sa semifinal at kung mananalo ulit kayo, kayo na naman ang lalaban sa finals ibig sabihin nun kayo na ang champion at lalaban sa ibang lugar. ballroom ang tema kaya. kaya niyo yan."
naexcite naman ako sa sinabi ni ma'am. sana nga kami ang mananalo.
lumingon si Liam sa'kin "ipapanalo lahat natin yan Ivy."nakangiting sabi niya.
nginitian ko lang din siya.
.
.
.
kriiinnnngggg!
uwian na.
"Ivy tara na.sabay na tayong lumabas." sabi ni Liam.
"sige."
pumunta na kami sa gate para hintayin ung mga sundo namin.
*beep beep*
"Liam ayan na ang sundo ko. mauna na ako." sabi ko.
"sige. ingat ka."
"ingat ka din."
Sumakay na ako sa sasakyan ni papa.
-------------
