Bakit?
Ito ay ang kwento ng ating samahan. Simula sa simula, hanggang sa katapusan. Kung bakit ang dami parin na mga tanong sa aking isipan. Kung bakit pa kaya may forever eh lahat naman may katapusan
Ikaw at ako ang simula ng kwento. Sa eskwelahan tayo nagkatagpo. Grabe nga eh, kahit sa dinami dami ng tao.
Ikaw parin ang nakilala ko.Di nagtagal, nagkasuyuan. Nagkulitan at nagkatuwaan. Sana alam ko na dati na pagkatapos ng lahat. Tayo'y magsasakitan.
Lagi matamis ang umpisa. Yung tipong kikilalanin kita. Yung tipong ituturing mo akong prinsesa at tayo'y mas magkakakilala. Okay naman sana eh kaso nung nagtagal. Ako'y pinagbawalan. Pinagsasabihan ng kaibigan pati na rin mga magulang. Minsan ika'y aking iniwasan. Pero lagi kang nakakahanap ng paraan. Pagkatapos ng aking pag layo, pabalik lang naman pala sayo ang punta ko. Nung pagbalik ko sayo, ika'y nagbago. Kala mo hindi ko nahahalata? Iba na ang habol mo sa relasyon na ito. Bakit kaya nagpakatanga pa ako. Kaya ang payo ko pag may relasyon kayo, makinig kayo sa kaibigan nyo. Dahil pag nasa relasyon ka, minsan bulag at bingi tayo. O diba yun nangyari sakin nagbulag bulagan at nagbingibingihan. Nakipagkita parin ako sayo. Nakipagkita na ako lang ang nakakaalam at walang kwinekwentuhan. Anong nangyari? Wala din. Kahit anong sakripisyo ko, wala rin. Kasi nabulag ako sa pagibig, kahit ako'y ginawa nang laruan nung lalake. Pangalan mo di ko na sasabihin. Pero sa totoo lang lagi ko parin naaalala ang huling pagkikita natin. Ikaw na nagtapos ng samahan sa rason na hindi ko maintindihan at hindi ko mapaniwalaan. Sabi mo "Hanapin ko muna sarili ko" Ano pa bang magagawa ko? Tumanggi ako ngunit wala na akong magagawa sa desisyon mo. Ano sunod nangyari? Pagkatapos ng isang buwan, may iba ka na palang babae. Ang galing naman ni Pare. Hinanap ang sarili sa ibang babae.
Minsan tinatanong ko kung minahal mo ba talaga ako? O gaguhan lang pala yun? Lahat nang sinabi mo, pang pafall lang ba? Naiisip mo pa ba ako? Walang sagot sa mga tanong. At d na rin kita tatanungin. Kasi alam ko kahit sagutin mo mga yun, wala na rin mangyayari. Kaya't huwag tayo magpakatanga. Tayo rin diba ang dahilan kung bat may manloloko. Kung walang maloloko, walang manloloko. Tama? Kaya't salamat na rin sa tinuro mo sakin. Salamat na rin sa sandaliang pag ibig. Linabas ko na ang lahat ko dito. Pagkatapos nitong talastan ko, promise. Bibitaw na ako.
BINABASA MO ANG
Love and Games
PoetryMy collection of poems, monologues, and spoken poetry pieces. Inspired by writers Lang Leav and Rupi Kaur. Follow on instagram: @love.and.games @chelelz poems turned into songs: Sasha My Bad ITMIBT By Chelsea Yu Out on Spotify, YouTube, iTunes, Appl...