Ang ibabahagi ko sainyo ngayon ay aking ala ala.
Ala ala ng nakaraan. Ala ala ng nakalipas. Ala ala naming dalawa.
Simulan natin nung tayo'y magkaibigan lamang. Wala sa isip kong mahulog. Wala sa isip ko na magkagusto ako sayo. Bigla nalang ako tinamaan ni cupido at napansin ko nalang lahat na tungkol sayo. Ikaw nga pala ang ideal/dream guy ko. Nasayo yung porma. Nasayo yung mahabang buhok. Pero panlabas lang tong mga anyo kaya't kinilala pa kita. Nagkatext tayo ng oras oras. Nagkatext tayo ng hanggat 3am ng madaling araw. Nasayo rin pala ang puso at isip na hinihintay kong makilala ko. Oo ikaw. Ikaw yung hinahanap ko. Iba ang saya pag ikaw ang kausap. Iba ang saya kapag ikaw ang nasa isip. Iba tong saya. Hindi ko pa to naramdaman sa iba. Eto pala talaga ang pakiramdam na may mahal ka. Eto pala talaga ang love na biglang nalang na dumating ng hindi ko hinahanap. Eto na pala yun.Ilang araw na ring lumilipas at mas lumalala ang pagkatextmate nating dalawa. Halos magkakaparehas ang gusto natin na mga bagay. Tayo'y nagkakasundo talaga. Isang araw hindi ko na mapigilan. Hindi mapigilan ang nararamdaman. Binahagi ko to sayo sa isang poem. Hindi mo alam na ikaw yung tinutukoy ko at pagkalipas ng mga araw, inamin ko sayo na ikaw ang nilalaman ng tula ko. Ika'y nabigla at napatanong. Napa isip kung pano. Ngunit ang hindi ko inaasahan. Umamin ka rin saakin ng iyong nararamdaman.
Mas lumala ang aking naramdaman. Grabe ang aking saya. At dumating na rin sa punto na nagkita tayo. Nagkita tayo, nagusap, at natapos na yung araw. Nagsama lang tayo. Buwan na ang lumilipas at may nakakita satin. Bakit daw kita kasama. Bakit tayong dalawa lang magkasama. Anong masama dun? At dun ako sinapak ng realidad na hindi nga pala pwde maging tayo. Meron nga palang malaking harang. Meron ka na nga palang tao na nagmamahal sayo at pareho natin to alam. Sinapak na ako ng realidad. Ginising na ako sa aking panaginip. Ginising na ako sa pangarap na hindi ko maaabot.
Itigil na natin to, pakiusap ko sayo. Wag na muna, nasanay na ako. Itigil nalang natin pag busy ka na. Saya at sakit ang nararamdaman. Saya at sakit pag ikaw ang kausap at kasama. Saya dahil pinigilan mo ako ngunit alam mo rin naman na ako ang masasaktan sa huli. Saya at sakit ng nakasama kita. Masaya dahil syempre kasi kasama kita
Sakit dahil hanggang dun lang tayo.
Bakit ka pa nagsabi na hindi mo sya kayang saktan kung gusto tong ipagpatuloy. At bakit sa lahat ng tao ikaw pa. Ikaw pa ang nagustuhan ko. Sa lahat ng nagustuhan ko, yung may girlfriend pa.Pinagbigyan kita. Pinagpatuloy natin hanggang sa may nakakita ulit at pinagsabihan nanaman ako. Sorry pero hindi ko na kaya ipaglaban ang alam ko naman mali. Hindi ko na kaya magpanggap na parang hindi natin alam. Sorry pero hanggang dito nalang.
Minsan ika'y nagpaparamdam ngunit hindi nalang ako nagrereply kahit gustong gusto ko. Gustong gusto ko kausapin ka muli. Ang dami kong gustong sabihin, itanong, at ikwento. Ngunit hindi pwde kaya't hanggang dito nalang ako sa tula kong to
Kung asan ka man at kung sino man kasama mo ngayon. Sana masaya ka kahit hindi ako. Salamat parin at nakilala kita ang lalakeng pangarap ko.
BINABASA MO ANG
Love and Games
PoetryMy collection of poems, monologues, and spoken poetry pieces. Inspired by writers Lang Leav and Rupi Kaur. Follow on instagram: @love.and.games @chelelz poems turned into songs: Sasha My Bad ITMIBT By Chelsea Yu Out on Spotify, YouTube, iTunes, Appl...