HAWLA
Marahil luma na ang mga salitang ginagamit
Sa pagbanggit ng mga salitang masasakit
At ang pamagat kong tilay niluma na ng panahon at pait
At palagi mo nalang naririnig sa mga tenga at bibig ng mga nagsasabi
Ang kwento natin ay kaparehas lamang ng sa iba
Simple lang at umiikot sa saya at drama
Na para bang wala ng makakapaglayo pa
Sa ating dalawa
At siguro'y isa lamang itong pantasya
Dahil ni minsan di ka naman napasakin sinta
Ngunit patuloy parin akong umasa
Dahil baka pwedeng maisalba pa
Sino nga ba ang mahaba ang pasensya
At sino nga ba ang lagi nalang pumupuna
Hindi na naman ito mahalaga
Basta't hindi ka mawawala
Sa bawat pag dilat ng mat among maririkit
Ang puso koy tumitibok ng sobrang bilis
Gusto kang ayain
Na kumain man lang sa labas kahit saglit
Pero hindi ko magawa
Dahil alam kong hindi ako katulad ng mga tipo mong lalaki
At hindi rin ako tulad ng iyong angkan
Na may magagarang kotse't damit
Sana ako naman ay iyong mapansin
At di puro mga gwapong ginoo sa tabi tabi
Malinis ang aking intensyon
Sana ay ikay aking makumbinsi
Kung sa lumang panahon
Nagsisibak sila ng kahoy
Sa panahon ko kahit puso ko ang masibak gagawin ko
Para lamang sa iyo
Kung noon ay nagiigib sila ng tubig
Para maipakitang sila ang dapat
Ngayon
Kahit tawirin ko pa ang kahit anong anyong tubig
Makuha ko lang ang matamis mong oo ay aking gagawin
Sanay wag mong baliwalain
Ang aking tulang pinagpupuyatan gabi gabi
At ang mga liham kong pagkahaba haba
Na minsay tinatamad ka ng basahin
Alam kong sinaktan ka niya
Pero sana naman ay maniwala ka
Na hindi ko kaya iyong gawin
Dahil hindi ako hayop tulad niya
Handa akong maging pansamantala
Kahit hanggang kelan pa
Basta makita lang kitang masaya
Dama ko na rin ang tamis sa iyong mga mata
At alam ko rin naman
Na mas sasaya ka sa piling niya
Ano pa nga ba ang magagawa
Kundi palayain ang sarili sa binigay mong hawla
![](https://img.wattpad.com/cover/135543892-288-k155a78.jpg)
YOU ARE READING
Poems
PoetryTagalog poems that you can relate. Poems that i will publish is mine. Hope you like it guysssss E N J O Y