Chapter 3

748 63 27
                                    

'Dumating ka na pala at dumiretso ka talaga dito. Hindi ka man lang nag-inform at nang masundo kita sa airport.' galit na sambit ng babae sabay lingon sa akin. 'At ikaw...' sabay duro sa akin at tiningnan from head to toe and back.

'Yes Maam, you want coffee?' tanong ko sa kanya.

'Ikaw ba iyong babaeng naengkwentro namin last year?' seryosong tanong niya sa akin.

'Correction po Maam. Hindi po naengkwentro. Nasalamuha lang po. Gumanda lang ako ng kontiyyy... di mo na ako kilala?' pagbibiro ko sa kanya para ma-cool down ang mainit na eksena.

'Huwag kang magbiro dahil hindi ako nagbibiro. Hindi ka maganda... at iyan ay hindi rin biro.'

O syet! Two points si... ano nga ang pangalan nito? Langit ba iyon or impyerno?

Napayakap tuloy ako sa hawak kong tray. Sapul kasi e.

'Heaven umuwi ka na.' saad ni Edward sa kanya. Now I remember, Langit pala talaga. At ito namang si Adonis napaka-unfair... o sadyang bulag lang? Pauwiin ba naman ang maganda at panatilihin ang pangit? Bakit kaya? Ah, wait, I got it wrong... dito pala ako nagtatrabaho kaya dapat lang na manatili ako dito.

But.... well... sa atasan niyang pagpauwi kay Langit, medyo naghilom ng konti ang sugat na dulot ng masakit na pahayag ni Langit baby.

'At bakit? Dahil ba sa babaeng ito? Siya ba ang dahilan kung bakit ka dumiretso dito?' sunod-sunod na tanong ni Langit.

Bakit kaya pilit niya akong isali sa eksena nila

'Mauna ka na at susunod na lang ako.' saad ni Edward ulit gamit ang kanyang maawtoridad na boses.

Away mag-asawa huh! At dito pa talaga umeksena.

'Malapit na tayong ikasal... at ganyan ka pa rin sa akin?' Luhhh, may chance pa pala ako. Cheret! 'Bakit ba ang lamig ng pakikitungo mo sa akin huh Edward?' Nakatingin lang si Adonis sa kanya... 'Sagooooot!' pasigaw na tanong ni Langit.

Wala pa ring sagot si Adonis maliban sa lumingon ito patungo sa ....a---akin?

Oh my God! History repeats itself.

'Siya ba? Siya ba ang dahilan?' giit na namang tanong ni Langit na parang maluhaluha na sa hinagpis.

Paano nangyaring ako ang maging dahilan e di ko nga ito nakita ng isang taon. Engot rin itong si nguso oh. Pero naaawa ako sa porma niya. Ganito pala ang hitsura ng taong namamalimos ng pagibig. Diyos ko po, babae din ako... sanan hindi ako matulad sa kanya.

'Sorry Heaven... but I already find myself a wife.' Lumaki na parang flying saucer ang mata ni Langit samantalang ako ay parang tinusok ng karayom ang puso ko ng ilang ulit. Ang sakit besh! Ang mga kamay ko'y sa tray kumakapit para maibsan man lang ng konti ang sakit. 'This woman.' sabay hablot niya sa katawan ko at pinalibot ang kanan niyang kamay sa aking baywang.

What??? Looooord totoo ba ito? Wait... whaaaaatttt???

Sa pagkabigla ko'y napabulong ako ng...

'Yong kurutin mo ako.' alam kong bulong lang dahil halos di ko maibuka ang aking bibig sa sobrang pagkabigla.

'Isn't my touch not enough?' bulong din nito sa tenga ko na sadyang nagdulot ng mainit na sensasyon sa buo kong katawan. His lips on my ears, his hands on my waist... Diyos ko wala na akong hihilingin pa.

Ang saya ko'y biglang naputol nang hinablot ni Langit ang katawan ko sa pagkakadikit kay Edward. Nang dahil sa higpit na hawak ni Edward sa baywang ko ay nananatili ang pagkakadikit ko sa kanya. Kaya mas lalong nagliliyab si Langit. At dahil hindi niya ako kayang buwagin kay Edward, hindi ko akalaing madadapuan ang mukha ko ng malalambot niyang kamay. Malambot nga pero sakit naman ang dulot nito sa ibang tao, hmmmp.

PINS AND NEEDLESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon