A/N Dahil sa nagloko si watty, dalawang chapter 1 tuloy ang napost. At hahayaan ko na rin lang idisplay ang dalawang magkaparehong chapters dahil pag i-unpub ko ang isa, maunpublish ang lahat. So... as is na lang po.
~~~~~
Imbes na IKAW naging EBA pa talaga. Bushak, sablay!
Sablay na kung sablay pero hindi ko dapat tugunan ang ngiti niya. Alam kong kakasimba ko lang kanina pero di ko kayang sundin ang sermon ng pari na patawarin ang sinumang nagdulot ng bigat sa puso ko.
'Ahm... naligaw po kayo sir. Hindi po MCDo ang pinasukan niyo. Order ka na lang po ng iba.' walang ngiting tugon ko. Kapag makarating ito kay Boss Tanner, alam kong malilintikan ako. Pero di bale na.
He answered nothing but a smile.
Lecheng ngiti na iyan, nakaka-fall!!!
'Sir wala po kaming tindang ngiti kaya huwag kang umasang makakabili ka niyan dito. Order ka na dahil marami pang nakalinya oh.'sungit mode si ako.
'Haaayy pakyut pa gyud nga kyut na man unta.' bulong ng nakasunod na bisayang customer na naintindhan ko naman dahil bisaya ang nanay ko. Gusto kong koreksyonan siyang hindi kyut ang aking kaharap kundi gwapo pero binalewala ko na lang.
'Cofee...' tugon nito.
'Okay 174.00 sir.'
'And a slice of this fig pie please.'
'Total is 224.00'
Binigyan niya ako ng 300.00.
'Keep the change. And wait... alam mo ba ang timpla ng kape ko?' tanong niya.
Then I realized I assumed his kind of coffee. Another sablay.
'Dark? Not Sweet?' alangan kong tanong. Sana tama ang nasa alaala ko dahil kung hindi ako ang makakabayad ng order niya.
'You remembered it right.'he smiled again.
Syete, ba't nga ba nalimutan kong itanong ? Buking tuloy si ako. Buking na buking na naaalala ko pa rin ang mga sinabi niya. Di ko naman itanggi iyon. Totoong tandang tanda ko pa ang bawat segundong kasama siya. At tandang tanda ko rin ang umagang gumising akong wala na siya sa aking tabi.
Binigay ko sa kanya ang sukli pero hindi niya tinanggap.
Tumalikod ako para kunin ang kapeng inorder niya ngunit pagharap ko balik sa counter ay wala na ito.
Mwesit! Nawawala na naman, di man lang inantay ang order niya. Pinasadahan ko ng tingin ang mga customers na nakaupo sa mga mesa sa loob ng café at isa nga siya sa nakaupo doon at nakapuwesto sa isang sulok.
Nakita ko si Yong na papalapit sa counter kaya binigay ko sa kanya ang order at ang sukli ng taong hindi marunong maghintay at hindi rin marunong magpaalam. Nakakaimbyerna!
Patuloy akong nagserve sa ibang customer ngunit ilang segundo ay bumalik si Yong.
'Ate May, ayaw tanggapin. Gusto daw niya ikaw magserve.' nakangiti itong inabot sa akin ang tray.
Kadalasan makakawala ng stress ang ngiti ni Yong pero ngayon iba ang dulot nito. Umuusok ang ulo ko sa inis. Syempre hindi kay Yong kundi sa lalaking pinagkakainteresan na ng mga nakalinyang customers. Ang mga mata nila ay lumingon kay Adonis at bumalik sa akin. At nakangiti lahat.
He's really making a scene. The first time I met him, isang di kaaya-ayang eksena din ang nadatnan ko nonn. Pati ba naman ngayon? Feeling celebrity din ang Adonis na 'to ah.
'Ilagay mo iyan diyan. Maghintay siya kung kailan ako matapos dito.' baling ko kay Yong na hindi maitago ang inis. 'Next please...what's your order maam?' inasikaso ko na ang customer na nakatayo sa counter.
Tatlong customers na ang aking napaglingkuran nang bumalik si Kisses.
'May ako na diyan.' saad nito.
'Okay ka na?' tanong ko sa kanya.
'Sino 'tong order dito?' tanong din niya sa akin.
'Ah, sa isang customer. Sige ikaw na dito at ihahatid ko iyan.'
Mabigat ang mga paa kong tinunton ang kinauupuan niya. Pagdating ko sa mesa niya....
'Hindi ba uso sa iyo ang maghintay?' sabay lapag ng order niya sa kanyang mesa.
'Ilang customers na ang pinagsisilbihan mo, nandito pa ako. I'm sure malamig na ang order kong cofee... pero ito.... nandito pa rin ako.'
Mwesit, marunong din pala itong makipagtalastasan.
'Magtiis ka sa malamig mong kape. Iyan ang kaparusahan ng taong hindi marunong maghintay. Kung sinabi mo sanang ayaw mo palang maghintay at nagrequest kang ihatid na lang ito mesa mo, baka nag-abala pa akong ihatid ito kaagad. Pero wala kang sinabi. Hindi ka na marunong maghintay, hindi ka pa marunong magbigay alam. At kung tinanggap mo rin sana nang ihatid iyan ni Yong kanina, e di sana lasap na lasap mo pa....'
'Kasalanan ko ba kung choosy ako?'
'Huh!???!' napatda ako. Syet, parang babae kung makahugot.
'Edward! Edward!' sigaw ng isang pamilyar na boses.
Paglingon ko ay... hindi rin ako nagkamali. Siya iyong babaeng kasama ni Adonis na nagcheck-in noon.
'O... ayan na ang first choice mo.' pangungutya ko sa kanya.
'Watch your mouth babe. She's not mine.' sabay tayo at hinintay na makalapit ang babaeng mabilis na naglakad patungo sa aming kinaroroonan. Mukha pa lang makikita na ang galit na nagliliyab. Para itong pumutok na bulkang mayon.
At uyyyy, di ko naligtaan iyong babe thingy niya. Ahhhhheeeee. Kiniliti si ako.
BINABASA MO ANG
PINS AND NEEDLES
FanfictionIt's strange. It's weird. It's absolutely crazy. I met him once, barely less than eight hours, but memories of him haunted me every single day...and night. I felt strongly connected with him like no one else did. But... when shall I meet him again?