Chapter 4

742 62 16
                                    

'Kisses, Viv mauna na kayo. May nalimutan lang ako.' sabay talikod at binuksan ko ang aking bag at kinapa ko ang loob nito. Mabilis akong humakbang pabalik at hindi tinantanang kapain ang loob ng aking bag sa layuning maihatid sa kanyang hindi ko siya iniwasan.

Syet, ba't bumalik ang Adonis na iyan. Magkaleche-leche na naman ang buhay ko nito.

Narating ko ang café at salamat sa Diyos at walang Edward na nakasunod. Baka hindi ako ang sadya niya. Minsan nakakainis din ang assuming.

'Ate May anong ginagawa mo diyan?' saway sa akin ni Yong sa ginagawa kong pagsilip-silip sa pinto.

'Nagpapanggap lang na may nag-aabang na jowa sa labas.' na pinagpatuloy ang ginawa.

'E... dapat excited ka, hindi iyong para kang aligaga diyan.'

At dahil walang anino ni Edward, nagdesisyon akong lalabas na lang ng pinto at ituloy ang naudlot kong pag-uwi kanina. Wait... para sigurado, sa likod na lang ako dadaan.

'Bye Yong.' Paalam ko kay Yongskie.

Nadaanan ko ang ilang mesa bago ko nabuksan ang pinto sa likod. And to my dismay, naaninag ko na naman ang bulto ni Edward na nakasandig sa pader kaya sinara ko ulit ang pinto. Diyos ko, namalikmata yata ako. Ba't ba puro na lang Edward nakikita ko? Wait, siya ba iyon? Nakashades e. Bushet, bumibida pa ang shades. Mas lalong kaaya-aya ang porma ng loko kung sakaling siya man iyon.

Binuksan ko ulit ang pinto at salamat sa Diyos ay totoong namalikmata lang talaga ako dahil wala nga ang bulto niya. Itinuloy ko ang aking hakbang at kampanteng makakauwi ng...

'Hey.'sambit ng boses sa likod ko at hawak-hawak pa ang kanan kong braso.

Biglang naging tuod ang katawan ko. Ngunit sumagi sa isip ko ang bilin ni Tatay na dapat kalma lang at magpakatatag sa mga ganitong insidente.

'Bitawan mo ang braso ko kung ayaw mong matikman ang husay ko sa judo.' Tugon ko na sadyang tinigasan ang boses para pantakot na rin.

'Try me.' Bulong nito sa tenga ko. Bushak, ang boses! Hindi ako magkakamali, it's Adonis voice.

Boses pa lang, natakpan na ang buo kong sistema ng takot.

Nilingon ko siya.

'At bakit bumalik ka pa?' galit kong tanong sa kanya.

'Masama bang balikan ka?' at dahil hinubad na niya ang kanyang shades, tagos sa laman ang nakikita ko sa mga mata niya. Ang gwapo talaga kahit kailan. Nakakainis!

'Masamang-masama. Dahil oras na mag-share tayo ng espasyo, may kababalaghang mangyayari. Kaya pwede ba... huwag na huwag mo ng subukang lapitan ako.'

'Sorry for the scene kanina.'

I sighed.

Rolled my eyes.

And...

'Apology accepted.' I swiftly turned around. At iniwan siya.

'Hey.' At hinawakang muli ang aking payatot na braso. 'Akala ko ba accepted na.' dugtong niya.

'Accepted na, oo, pero hindi ibig sabihin, pwede mo nang mahawak-hawakan ang aking mumunting braso.' Taray na kung taray with matching taas kilay.

'Okay.' And he did a swift move sliding his left hand to touch my waist.

Kaya napaigtad ako.

'Pwede ba... huwag na huwag mo akong hawakan kahit saang parte ng katawan ko...'

'Why? Does it affect that much?'

Biglang kumulo ang dugo ko.

'Minsan... nagawa mo nang guluhin ang buhay ko, kaya please... umuwi ka na dahil hinding-hindi ako papayag na guluhin mo pa ako sa ikalawang pagkakataon. Pang-aabuso na iyon.'

'Can I take you somewhere?' he asked.

Naiimbiyerna si ako.

'At saan naman? Sa hotel? Magchecheck-in? Tapos tatanggihan? At...at... at iiwanan... ng wala man lang paalam?' sunod na sunod kong tanong dahil sa sobra akong nairita at shet, ba't iyon ang lumabas sa bibig ko?

Then I remember... out of the abundance of your heart, your mouth speaks. Luhh, ganun ba iyon?

He smiled.

'Smile lang? Sa apat na tanong, smile lang ang sagot?' inis kong tanong sa kanya.

'Let's go.' He held my hand tightly and pulled me gently.

Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya.

'Wait, sa hotel ba talaga?'

'Pwede.'

'Hindi pa ako sumang-ayon ah.'

'You don't have to.'

Walang saysay ang pagpupumiglas ko dahil sa higpit ng pagkakahawak niya sa aking kamay. Hila-hila niya ako (at sadyang nagpahila rin naman ako) na tinungo namin ang kanyang... motorsiklo? Nakapark lang ito sa harap ng hotel. Kaya pala di ko naaninag ang sasakyan na gamit niya kanina.

Binitawan niya ang aking kamay sabay kuha ng isang helmet at inabot ito sa akin. Kanina apat na gulong ang sinasakyan ng Heaven niya, ang sa akin dalawang gulong lang?

Hindi ko tinanggap ang helmet. Inismiran ko ito at aakmang tatalikod ngunit madali niya akong naagapan. At ang bushet di man lang nagpaalam nang ilagay niya ang helmet sa aking ulo. Natabunan tuloy ang maganda kong mukha. At zero access na to my luscious lips.

Dahil sa sobrang inis, tinanggal ko ito. Di ko akalain may ganito pala kabigat na palamuti sa ulo.

Nang dahil sa bigat, hawak-hawak ito ng dalawa kong kamay sabay abot sa kanya.

At dahil wala siyang planong tanggapin, niyakap ko na lang ito sabay tanong, 'Alam mo ba kung ano ang charges kapag isinama ang babae laban sa kagustuhan niya?'

'Bakit?' Lumapit siya. Nagsisi tuloy ako kung bakit sapon ko pa ang helmet sa dibdib. Umeepal ang helmet na ete! Hindi ko alam kung marunong siyang maktamdam o sadyang basang-basa niya ang nasa isip ko dahil binawi niya ang helmet at bitbit na ito sa gilid gamit ang kanan niyang kamay. He then occupied the space na inookupa ng helmet kani-kanina lamang sabay tanong, 'Ayaw mo ba talaga?' na ang mukha ay isang sentimetro lang sa mukha ko.

Iyan na naman ang moves niyang nakakasira sa decision making. Ang hininga, gosh, parang iyon na ang amoy ng mundo na gusto kong masamyo hanggang sa ikamatay ko. Leche, nagpapa-fall talaga! Nakakahypnotized grabe!

But....

'No. I'll take my stand. I won't go with you.' Kung minsan nangyaring inalay ko ang aking sarili sa kanya, hindi naman siguro masama kung magpakipot din ako ng minsanan lang din. At ang minsang pagpapakipot na tinutukoy ko ay ang ngayon.

'Okay you win. You're not going with me.' Luhhh, nagpapakipot lang ako, huwag mo naman ipagkaloob kaagad ang kunwari kong gusto. Konting hukay lang sa kiliti ko, ikaw na ang panalo. 'I'm going with you. Kung gusto mong sa hotel tayo, sasama ako. At huwag na huwag mong kalimutang ialay ang iyong sarili dahil hinding-hindi ko iyan tatanggihan.' dugtong niya.

At ang mga mata ko'y dumilat na kasing laki ng arinola na ginamit ni Lola noon.

PINS AND NEEDLESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon