A/N: Ang tagal din ng hinintay nating lahat. Tama lang dahil ang susunod na kaganapan ay nangyari...
ONE YEAR LATER
Isang araw habang ako'y nagbihis papuntang trabaho. Suot-suot ko na ang aking bra nang muling nag-flash ang mukha ng lalaki na hinahangad kong makitang muli. Hanggang ngayon nagdudulot pa rin ang eksenang iyon ng sobrang pagkapahiya ngunit di ko pa rin mapigilang umasa na sana minsan magpakita siya kahit iglap lang. Kahit iglap lang, oo, dahil sobrang unfair naman na bigla ka na lang iiwanan na wala man lang pasabi. Alam kong ilang oras lang kami nagkakilala ngunit sa ilang oras na iyon parang ang daming nangyari na nagbigay ng iba't-ibang kulay sa aking ala-ala. Kulay na nagdudulot ng saya, kulay na nagdudulot ng inis at kulay na nagdudulot ng sobrang lungkot.
SAYA. Dahil first time kong narinig mula sa labi ng isang lalaki na gusto niya ako, kahit na alam kong wala namang katuturan ang sinabi niya. Imposible naman kasing ako ang magugustuhan niya kung isang maganda at seksing babae ang kasa-kasama niya ng gabing iyon. First time ko ring naranasan na mahalikan. Di bale nang indirect kiss dahil alam kong peanut butter naman talaga ang pakay niya sa labi ko, ang importante kiss pa rin iyon at lingid sa kaalaman niya, may naramdaman akong kakaiba. Hindi ko ma-explain kung ano, basta kakaiba. First time din na nakatulog akong katabi ang isang lalaki at estranghero pa. At higit sa lahat ang muntikang pagsuko ko na hindi ko alam kung bakit ko nagawa iyon. Maraming first time at ang lahat ng first time na iyon ay nagdulot ng ngiti hindi lang sa aking mga labi kundi pati na rin sa aking puso.
INIS. Sino naman ang hindi maiinis sa taong kakilala mo lang ngunit parang hawak na niya ang buhay mo. Nakakainis dahil nagawa kong maging sunod-sunuran sa kanya. Nakakainis dahil sa murang edad ko ay naipalabas niya ang pagnanasa na mararamdaman lang dapat ng isang babaeng nasa tamang edad na. Labing pitong taon lang ako noon kaya hindi pa talaga dapat. At kung nainis man ako sa pagiging marupok ko, mas nainis ako dahil tinanggihan niya ako. Naiinis ako dahil sa murang edad ay nalaman ko... nalaman kong hindi pala ako kaakit-akit. Pangit ako, iyan ang tumatak sa isip ko. Dahil kung maganda ako, sana sinunggaban na niya ako nang gabing iyon. Ang sakit. Mas masakit kaysa sa tusok ng karayom. Kaya kung nasundot man siya nuon ng aspile ng pangatlong beses, walang wala iyon sa sakit na naramdaman ko noong tinanggihan niya ako. At ang higit na masakit ay ang iwanan ka sa ere. Iwanan ka ng walang ni-ha ni-ho. Parang nang-iwan lang ng hayop. Buti pa siguro kung naging aso o pusa ako baka may pahimas-himas pang nangyari. Eeee, sa wala talaga. Grrrr, pag makita ko talaga iyon, susumbutan ko at walang tigil na kulamusin ang mukha. Pramis, papangit iyon sa higante ko.
LUNGKOT. Nakakapagtaka man ngunit hindi ko maiwasan ang makaramdam ng lungkot. Ganito pala ang buhay, kahit ilang oras mo lang nakilala ang isang tao, hindi mo mamalayan na tatatak pala siya sa buhay mo habang panahon. Nakakalungkot dahil hindi ko nakilala ang tunay na pangalan niya. Kung nalaman ko lang, sana nahanap ko na siya sa gogowl. Paano ko siya hahanapin sa pamamagitan lamang ng initials na E.B. Baka siya ang nagmamay-ari ng Ever Bilena. Hmmmnnn, baka. Ayyy, ewan. Di na ako mag-aaksaya ng panahong hanapin ang taong kusang nagtatago. Dahil kung may konsensya siya, hindi niya ako basta-basta tatalikuran na walang wastong paalam. Kahit na paalam bilang estranghero man lang kung hindi niya kayang ibigay ang paalam bilang kaibigan. ADONIS
'Hoy Ate May male-late ka na.' saway ng kapatid kong si Dayday. 'Ate matagal na iyang ATM diyan sa parador mo ah? Wala ka bang planong ibigay iyan sa akin?'
'Wala namang laman iyan kaya huwag mong pag-interesan.'sagot ko sa kanya. Kitang-kita kasi ang ATM pag buksan ko ang aking maliit na aparador. Nakalagay kasi ito sa makapal na plastic na parang lalagyan ng ID for lamination kasama ang note na iniwan ni Adonis at itinusok ko ito gamit ang pin sa loob ng parador, sa bandang gilid.
BINABASA MO ANG
PINS AND NEEDLES
FanfictionIt's strange. It's weird. It's absolutely crazy. I met him once, barely less than eight hours, but memories of him haunted me every single day...and night. I felt strongly connected with him like no one else did. But... when shall I meet him again?