Chapter 6

1.3K 101 54
                                    

A/N: Waley ang chapter na ito kaya kung hindi mo trip bumasa ng waley, huwag mo pong ituloy.

Ang sarap ng simoy ng hangin, para akong henehele. Parang gusto ko tuloy matulog sa likod niya. Nakadapa pa naman ako dito. Bakit nga rin ba ganito ang style ng motorsiklo niya? May matitinong porma naman ng upuan, ba't ganito pa?

'Ano iyong eksena kanina sa café?' tanong ko sa kanya habang nakasakay pa sa motor patungo sa... hindi ko alam kung saan.

'I'll explain it to you later.'

'Ikakasal ka na pala, ba't sinali mo pa ako sa drama niyo kanina?'

Imbes na sumagot, nananahimik lang ito at binilisan ang takbo ng motorsiklo.

'Huyyy, dahan-dahan, birhen pa ako.' Napakapit ako ng mahigpit sa baywang niya.

Nakarinig siguro dahil hininaan naman niya. Pero nahiya ako ng konti sa naging sigaw ko. Hindi ko alam pero kapag siya ang kasama ko, parang walang break ang dila ko o kaya ang galaw ko. Kaya niyang pukawin ang bahagi ng pagkatao ko na hindi ko kayang ipakita sa iba. Bakit kaya?

Para makabawi sa hiya, I directed our conversation to some wholesome topic.

'Edward may mas madapa pa ba dito?' Kulang na lang kasi siya ang aangkasan ko.

'Anong madapa?'

'Ito... itong motorsiklo mo. Para tayong mga sundalong nagtatago sa giyera. Dapat turuan ang manufacturer nito na gumamit ng matinong disenyo e.'

'Kaya nga ito ang ginamit ko para maramdaman ko ang katawan mo sa likod ko.'

'Aba, dumadamoves ka ha. Kung paramdaman pala ang gusto mo, ba't parang pabundok tayo? Sana sa corner hotel na lang. Nag-aaksaya ka pa talaga ng gasolina?' Ang bibig ko talaga, sobrang pasaway. Pero mainam na rin na kausapin siya, baka kasi makatulog ito at sa bangin pa kami pupulutin.

In an instant, he did a swift U-turn.

'At saan na naman tayo?' saway ko sa kanya.

'Sa hotel, sabi mo e.'

'Nagbibiro lang ako. Ibalik mo. Trip ko rin ang bundok. Miss ko na rin ang mga puno.'

At bumalik nga siya.

'Huwag kang maghanap ng ibang puno, may puno din ako.' saad niya na nakakapukaw sa brain cells ko.

'Di ko ngets.'

'Magbasa ka ng Outfoxed para maintindihan mo.'

'Saan mababasa iyon?'

'Sa wattpad.'

'Ganun ba. Busy ako sa mga projects ko ngayon. Wala akong time mag-wattpad.'

'Pag di ka na busy, basahin mo. Pero huwag masyadong dibdibin, baka iba maisip mo.'

'Babasahin ko mamaya, nacurios ako e.' Mema lang naman dahil lingid sa kaalaman niya, binasa ko rin iyon. At nakakakilig din pala kung malalaman mong mahilig din pala siya... I mean mahilig din pala siyang basahin iyon.

Di kalaunan ay narating namin ang tuktok ng bundok. Actually hindi naman siya pinakatuktok, isa siyang malapad na lugar na may nakahilerang iba't ibang restaurants. At may parte doon na parang tambayan rin kung saan makikita mo ang buong siyudad.

Naglakad-lakad kami at pumili ng restaurant na makakainan. Pinili ko ang Theara's Seafoods. Trip kong namnamin ang first date ko kaya gusto kong kumain ng alimansag at hipon para hahaba ang oras ng usapan namin. Nakakamiss din kasi ang Adonis na ete. Gusto ko lang bawiin ang maikling oras na nakasama ko siya noon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 30, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PINS AND NEEDLESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon