Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
EPISODE 14: Unang Bilin
EXT.MANSION DE BAROSA.CONFERENCE ROOM.HAPON. Dumating na rin sawakas ang pagkakataon na matagal nang hinihintay ni Leiah, kaya naman kitang kita sa kanyang ngiti ang tagumpay, kala mo kinorohanan na siya. Samantala, si Misha naman ay nakaupo sa may harapan ni Leiah. As usual ay mahinhin ito, tahimik at seryoso habang naghihintay. At si Margot naman ang nakaupo ng may isang pagitan sa tabi ni Leiah, nakangiti ng katamtaman at patingin-tingin siya sa dalawang kapatid.
LEIAH
Hindi ba kayo nae-excite?
(Siya lang 'yung masaya.)
MISHA (Nagpantig na naman ang tenga sa narinig.) As far as I'm concerned, walang nakaka-excite kapag merong nakaburol.
LEIAH (Nag roll eyes.) God, Misha, you're so sensitive.
MISHA I'm not being sensitive. What I'm saying is at least try to show some decency.
LEIAH Wala rin akong nakikitang mali sa ginagawa ko. And come on, do you think na gugustuhin ni pa-pah na makitang magdusa tayo?
MARGOT Sa tingin ko tama ang pinupunto mo, Ate Leiah. Kung nabubuhay man si pa-pah ay ayaw niyang nakikita tayong nasasaktan. (The usual Margot.Ang tagapamagitan.)
LEIAH (Tumingin kay Margot) Yah! Ang talino mo talaga, Margot. Mana sa'kin. (Tumingin sa smartphone kunwari.) Atsaka kasalanan ko ba kung sadyang mabilis akong maka-moved on. Hindi katulad ng iba diyan.
MISHA You're being disrespectful, Ate Leiah.
LEIAH Call me whatever you want, I don't care. (Because she believes that a queen should not listen to sheeps.)
MARGOT Pwede naman sigurong hindi tayo magkasakitan dito---