Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
EPISODE 17: Ina at Anak
INT. GARDEN MALAPIT SA SAN LAZARO GYM. TANGHALI.
Huminto sa paglalakad si Andrew kung kaya't napahinto rin si Carmela. Dahan-dahang umikot si Andrew with poise, tinanggal ang kanyang shades nang harapin si Carmela
CARMELA S-senyorita, ano pong pag-uusapan natin?
ANDREW You know me and I know you. Kilala mo ko at kilala rin kita. (Kailangan may translation para mas maintindihan ng televiewers.) Carmela Garcia, alam kong naging eskabetchi ka ng kuya kong si Andy.
CARMELA Ano pong eskabetchi?
ANDREW Kabet! Don't ever deny it darling because I had multiple pieces of evidence.
CARMELA Kung ganon... Alam mo na...
ANDREW Yes, darling. I know! (Ginaya niya ang signature "I know" ni Gwen.) I know, alam ko, that your daughter, ang anak mo, is the daughter of my brother, ay anak ng kuya ko!
CARMELA (Naguguluhan dahil sa automatic translations ni Andrew.) A-anong kailangan mo sa aming mag-ina?
ANDREW (Nagsimulang paikutan si Carmela habang nakapamewang.) Hmm..... I've been thinking about something lately. Nilapitan na kayo ni Attorney Guerrero pero hindi pa kayo nilalapitan ng isa sa Barosa sisters tungkol sa bagay na 'yan.
CARMELA Anong ibig mong sabihin? Nilapitan? Anong kailangan sa amin ng mga anak ni Don Rico?
ANDREW Dahil mabait ako, ako na ang mauunang magsabi sa'yo na anytime sooner ay isa sa magkakapatid ang lalapit sa anak mong si Sabriela.