ANG SUSUNOD NA PROGRAMA AY RATED SPG, "STRIKTONG" PATNUBAY AT GABAY NG MAGULANG ANG KAILANGAN. MAAARING MAY MASESELANG TEMA, LENGGWAHE, KARAHASAN, SEKSWAL, HORROR, O DROGA NA HINDI ANGKOP SA MGA BATA.
OPENING
BLACK SCREEN
FADE IN
Unang tutugtog ang violin at bagong rendition ng "Can't Take My Eyes Off You" ng Boys Town Gang (pwedeng si Juris ng MYMP o KZ Tandingan ang magrevive) at maririnig ang pambungad na salita ng narrator.
NARRATOR
(sa malalim at pang-radyong boses)
Inihahandog ni AnakniRizal ang isa na namang makabuluhang nobela na aantig sa bawat puso ng mga mambabasa sa Wattpad...
Habang maririnig ang narration ay ipinapakita mula sa close-up na bulaklak hanggang sa mag-zoom out makita ang malawak na kapatagan, mga magsasakang nagtatrabaho, ipapakita rin ang mga bundok, ang dagat, at higit sa lahat ang pinakagitna nito na enggrandeng manor.
Ipapakita ang Titulo: HACIENDA BAROSA
FADE OUT
BINABASA MO ANG
Hacienda Barosa
General FictionSino nga ba ang karapat-dapat na magmana ng Hacienda Barosa?