EPISODE 16: Salisi
INT. SAN LAZARO GYMNASIUM. TANGHALI.
Tirik na tirik ang araw at sobrang init. Siksikan ang mga tao sa loob ng San Lazaro Gym, ang naging pansamantalang evacuation center ng mga tiga-barangay Maharlika, matapos ang trahedyang sunog na naganap sa barangay.
Lahat ng pamilya ng barangay ay ligtas na nakalikas, walang nasaktan o namatayan. May mga gamit pa ring nasalba ang iba at 'yung iba naman ay walang-wala, katulad na lang ng mag-inang Sabriela at Carmela na ngayon ay naka-upo sa sahig habang pinagmamasdan ang mga kapitbahay, sa tabi nila ay may isang ale na kagabi pa ngumangalngal dahil sa kaganapan.
ALE
Oh, dyus ko, bakit itu nangyari?
(ngumangalngal.)
Bakit? Bakit kailangan mu kaming pahirapan?! Dyus kuu!
Nagkatinginan lang ang mag-ina dahil kagabi pa sila naririndi sa ingay nito. Maya-maya'y humarap si Sabriela sa kanyang ina na hindi nakatulog at magdamag na gising dahil sa lubhang pagkabigla, lahat ng mayroon sila ay naglaho na parang bula.
SABRIELA
'Nay, gusto ko na sanang sabihin sa'yo 'yung sasabihin ko noong nagdaang gabi...
CARMELA
A-ano 'yon?
(Kinabahan dahil baka alam na ni Sabing ang totoo. Unti-unting tutugtog ang instrumental version ng Wag ka Nang Umiyak ni Gary V.)
SABRIELA
Patawarin mo ko 'nay kung hindi ko sinabi sa'yo ang totoo... 'yung totoo na palihim akong kumuha ng trabaho sa Alizandra Resort.
CARMELA
A-anong sabi mo?!
(Shookt pero kaagad na magsasalita si Sabing.)
SABRIELA
Wala akong ibang ginawa kundi magkaroon tayo ng magandang buhay, 'nay. Gusto ko dumating 'yung araw na hindi mo na kailangang magpakuba sa trabaho para lang buhayin ang pamilya natin.Gusto ko lang naman bigyan kita ng magandang buhay, kahit na hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral, at least, kahit sa pagkita ng paunti-unti ay magagawa kong pagaanin ang bigat na dinadala mo araw-araw para lang buhayin ako.
BINABASA MO ANG
Hacienda Barosa
General FictionSino nga ba ang karapat-dapat na magmana ng Hacienda Barosa?