Kabanata 1
"It's also nice meeting you, Babe."
Nagising ako dahil sa alarm ng aking cellphone. Nakatulog na pala ako sa pag-aaral kagabi. Ni hindi ko nga alam kung natapos ko bang pag-aralan hanggang sa last subject kagabi.
Tiningnan ko ang oras at nakitang dalawang oras pa bago magsimula ang aking unang exam. Buti na lang talaga at mas maaga ang alarm ko at sanay na rin ang ko.
Bumaba ako matapos mag-ayos at maghanda para makapasok na sa school. Dala ang aking bag ay nagtungo ako sa dining table para makasalo kayna Daddy kumain. Kahit naman may hinanakit ako sa kanila ay pinipilit ko no namang makisama ng maayos.
"Good morning, Dad," Beso ko kay Daddy. "Good morning, Mom." Bumeso ako sa kanya at saka tumungo sa aking upuan. Nasa tabi ko na si Grace na handa na rin sa kanyang pagpasok.
"You are early today, anak. Did you sleep well?" Tanong ni Daddy habang sumisimsim sa kanyang kape. "Noong kinatok kita kanina ay parang natutulog ka pa."
"Nag-aaral din po ako kagabi. Mabuti na lang po at mamaya pa ang first exam ko," Sagot ko habang kumukuha ng bacon, hotdogs, at toasted bread.
"You should really study well, nakatanggap na naman kami ng notice galing sa school mo at-" Hindi ko na pinatapos si Mommy at sumagot sa kanya.
"Don't worry Mom, I make sure that I study very well para naman hindi na kayo makatanggap ng notice galing sa school for my failing grades."
Inubos ko na lang ang pinangalhatiang toasted bread at ilang bacons bago tumayo at nagpaalam sa kanila. Sumimsim na rin ako sa aking gatas at tuamyo na para makapagpaalam na kayna Dad.
"I need to go na po. May ilang subjects pa akong hindi naaaral kaya sa school na po ako magtutuloy ng pagkain." Pagpapaalam ko pagkatapos magpunas ng bibig at kunin ang bag ko. "Bye, Dad, Mom, see you later Grace, Daniel."
Dumiretso na ako sa aking sasakyan at nag drive na patungo sa University. Pagdating ko sa parking lot ay nakita kong kakaunti pa lang ang tao kaya naman madali lang akong nakahanap ng parking space.
Na-contact ko na rin si Lovely, ang bestfriend ko at sinabi niya na nasa usual spot lang siya sa University Garden. Doon kami madalas tumatambay kapag may ilan pang subject na hindi pa naaaral o naghihintay ng aming mga klase.
Dumaan muna ako sa malapit na cafe kanina para bumili ng pancakes. Gutom pa ako kaya naman doon na lang siguro ako kakain bago magpatuloy sa pag-aaral. Good thing may one and a half hour interval pa kami bago ang exams kaya may oras pa akong magbasa-basa ng notes.
"Samantha!" Napalingon ako sa banda kung saan ko narinig ang boses ni Lovely.
Nakita ko siya sa bench sa ilalim ng malaking puno ng acacia. May kasama pa siyang dalawang lalaki na hindi ko pa nakikila pero parang pamilyar na rin. Nakakapagtaka lang na ngangayon ko lang ulit siya nakita na may kasamang lalaki matapos ang break up nila ni Nicholas.
"Lovely," napalingon ako sa mga kasama niya at binigyan siya ng isang makahulugang tingin. "Care to introduce me to them?" Tanong ko sa kanya sabay taas ng kilay.
"Oh! Silly me." Humarap kami sa kanila at kinuha naman niya ang atensyon noong isang mukhang suplado at naka earphones pa. Iyong isa naman'y nakangiti na sa akin at naglahad kaagad ng kamay.
"I am Liam Bustamante." Pagpapakilala ng lalaking nakalahad ang kamay. I cannot deny the fact that he is attractive with that disheveled hair, pointed nose, expressive blue gray eyes, thick eyebrows and angled jaw.
"Samantha Reigna." Tinanggap ko naman ang nakalahad niyang kamay.
"Nice name, Samantha." Nginitian ko lang siya at umusal ng mahinang pasasalamat.
"Samantha, this is Phriam Aldus Bustamante. Liam's brother." Pagpapakilala ni Lovely sa lalaking naka earphones kanina at ngayon ay parang dismayado dahil naistorbo siya sa kanyang pakikinig sa musika o kung ano man. "Phriam, si Samantha bestfriend ko."
"Nice to meet you, Phriam." Inilahad ko sa kanya ang kamay ko. I don't want to be rude kahit na nakakairita din naman ang itsura ng mukha niya na akala mo ay naistorbo sa kung ano man ang ginagawa.
If Liam is attractive. Then I can't also hide the fact that this guy way more attractive than his brother. Faded haircut, thick eyebrows, hooded blue eyes, pointed nose, pinkish, kissable lips. Titingnan mo pa lang ay talagang ma-aattract ka na.
Tumayo siya at tinanggap ang kamay ko sabay higit sa aking kamay. Nagulat ako sa biglaang paghila niya ngunit mas ikinagulat ko ang sunod niyang ginawa.
Isang mabilis na halik ang iginawad niya sa aking labi at...
"It's also nice meeting you, Babe." ani Phriam bago numiti at umalis at iniwan akong nakatulala at halos mabitawan ang hawak kong pancakes.
"It's also nice meeting you, Babe."
"It's also nice meeting you, Babe."
"It's also nice meeting you, Babe."
BINABASA MO ANG
Unappreciated
General FictionNaranasan mo na bang mabalewala sa lahat ng ginagawa mo? Iyong tipong ibinuhos mo na ang time and effort mo pero balewala ka parin sa iba? Mahirap mang isipin at tanggapin, ito ang katotohanan, na kahit anong pilit mo, wala. Wala kang halaga. You wi...