Simula
Samantha Reigna V. Salazar
"Ate, aalis kami nina Mommy ngayon. Sasama ka ba?" Nagulat ako ng kumatok ang nakababatang kapatid ko sa'kin. As usual, sa lakad nila ako ang huling niyayaya.
"'Wag na Grace. Dito na lang ako. Mag-aaral na lang muna ako." Sagot ko sabay kuha ng libro ko sa Mathematics.
Hindi rin naman magiging maayos ang pakikitungo sa'kin nina Mommy. Kailangan ko na rin naman talagang mag-aral. Quarterly Examinitions na bukas at hindi pa ako gaanong nakakapag-aral. Ayoko namang dahil sa grades ko ay masigawan na naman ako.
"Okay. Sasabihin ko na lang kay Manang na ipagluto ka ng dinner." Sagot nito mula sa labas ng pinto. "Bye, Ate see you later. Wag mo rin pala masyadong i-stress ang sarili mo!" Pahabol nito sabay tawa.
"Okay. Take care sa inyo nina Mommy. Huwag kang masyadong pasaway ha?" Sigaw ko naman.
Sigurado akong masaya ngayon si Mommy na hindi ako sasama sa pagsho-shopping nila.
Pagkatapos kong basahin ang ilang chapters sa libro at i-review ang aking mga notes ay nagtungo na ako sa baba para makapag-dinner na rin. Pagdating ko sa kusina ay nakita ko si Manang na naghahanda na ng pagkain ko.
"Ako na po diyan, 'Nang. Sabay na lang po kayo sa'kin kumain." Sabi ko sa kanya pagkapasok ko sa kusina. Kinuha ko ang platong hawak niya at dinagdagan pa ito ng isa. Isasabay ko na si Manang tutal kami lang namang dalawa ngayon dito.
"Sigurado ka ba Sam? Ako na diyan at maupo ka na roon." Pamimilit ni Manang. "Buti na lamang pala at sinobrahan ko ang niluto ko para sa amin nina Rico at Andeng. Hindi ka na naman pala sasama sa lakad ng mga magulang at kapatid mo."
"Manang, ako na po. Alam ko pong pagod na kayo. Umupo na po kayo do'n."
Kinuha ko na ang mga plato at kutsara para ilapag sa dining table. Kinuha ko na rin ang kanin at ang menudo na nasa counter. Kanina pa akong ginugutom pero ngayon lang ako bumaba dahil alam kong wala na sina Mommy.
"O siya, kain na tayo. Maupo ka na at ako na rito sa mga baso at inumin." Tumango na lamang ako at umupo na sa aking upuan sa kanang bahagi ng kabisera. Si Manang naman ay dumiretso na sa kabisera kung saan siya madalas umuupo kapag wala sina Mommy at Daddy.
"Kamusta naman po si Andeng sa eskwelahan 'Nang?" Tanong ko matapos ibalik ang lalagyan ng kanin sa lamesa.
"Eto at pasado pa naman ang mga marka. Hindi pa rin talaga ako nakakapagpasalamat sa Mommy at Daddy mo sa pagpapaaral kay Andeng." Sagot ni Manang habang kumukuha ng ulam.
"Wala po 'yon 'Nang. Parang pasasalamat na rin po namin sa inyo."
"Hindi niyo naman kailangang magpasalamat sa amin. Kami pa nga yata ang nararapat na magpasalamat sa inyo. Kung wala kayo ay baka kung saan saan na lang kami pupulutin." Hinaplos ni Manang ang kamay kong nakapatong sa table.
Nagpatuloy na lamang ako sa pagkain at nginitian siya. Kapag sina Manang ang kasama ko, pakiramdam ko ako talaga si Samantha Reigna Vergara Salazar. Walang kailangang i-meet na expectations, walang mga bagay na kailangang patunayan. Hindi kailangang magpanggap.
Ako na ang naghugas ng mga plato at pinagpahinga ko na si Manang. Nagtimpla na rin ako ng gatas at pumunta na sa kwarto ko para ipagpatuloy ang pag-aaral. May ilang subjects pa akong dapat pag-aralan kaya naman alam ko na kailangan ko na namang matulog ng late para sa exams bukas.
Tumingin ako sa relo ko nang narinig ko ang tunog ng aming sasakyan na ipinaparada na sa garahe ng bahay. Lagpas alas nuebe na at ngangayon pa lamang sila nakabalik. Siguro ay inabutan na rin sila ng closing ng mall.
Kita ko sa bintana ng bahay si Grace at Daniel na may dalang ilang paperbag ng kilalang clothing brand. Sumunod naman si Mommy na ngiting-ngiti habang pinagmamasadan ang maga kapatid kong tuwang tuwa sa mga paperbags na hawak nila.
'Hindi ka pa nasanay Sam. Alam mo namang...'
Ibinaling ko na lamang ang aking atensyon sa isang topic na kailangan kong intindihin. Tatlong subjects pa lang ang naaaral ko at may tatlo pang natitira. Baka hindi na naman ako makatulog nito.
Alas onse na nang napagdesisyonan kong bumaba para kumuha muli ng gatas. Pahikab-hikab akong naglalakad pababa ng hagdan nang marinig ko ang sigawan mula sa kwarto nina Mommy. Malamang, nagtatalo na naman ang mga ito. Hindi pa ba ako nasanay?
They act like they love each other in public kahit na alam naman nila sa maga sarili nila na ikinasal lang nila dahil nabuo ako. Alam kong ako ang dahilan kung bakit sila natali sa bagay na pareho naman nilang inaayawan.
"Alam mo namang may hinanakit na sa'tin si Sam? Hindi mo na ba talaga naa-appreciate ang effort ng bata na ma-meet ang expectations mo, ha? Ibang-iba ka na Lyn. I can't understand your reasons anymore!" Sigaw ni Daddy ang umalingawngaw sa hallway pababa sa kusina.
Napatigil ako nang marinig kung ano ang pinagtataluhan nila. So there they go again...
"Alam mo rin naman siguro na nahihirapan na akong pakisamahan iyang ugali ng panganay mo? I've been given the warning na maaaring hindi na naman siya makapasa sa ilang mga subjects niya? If she is really doing everything para lang makapasa, nasaan ang effort niya sa mga grade niyang puro blangko at pasang-awa?"
Nag-uunahang tumulo ang mga luha sa aking mata nang marinig ang sinabi ni Mommy. Muntik ko nang mabitawan ang baso. Nang marinig ko ang mga yabag papalabas ay dali-dali akong bumaba at dumiretso na sa kusina.
Pinunasan ko ang mga luha ko at nagtimpla na ng gatas.
'You will remain the unappreciated one, Samantha Reigna. Itatak mo yan sa isip mo.'
BINABASA MO ANG
Unappreciated
Ficción GeneralNaranasan mo na bang mabalewala sa lahat ng ginagawa mo? Iyong tipong ibinuhos mo na ang time and effort mo pero balewala ka parin sa iba? Mahirap mang isipin at tanggapin, ito ang katotohanan, na kahit anong pilit mo, wala. Wala kang halaga. You wi...