Chapter 5

5 0 0
                                    

Nagtipon kaming apat sa may study area namin sa dorm. Doon ko sinabi ang aking naisip.

"Guys pakiramdam ko hindi suicide ang nangyari kina Kaycee at Mickey."

"Heto na naman 'tong topic na 'to. Jozie hindi pa ba malinaw na suicide ang lahat?"

"Shh! Tumahimik ka Annie, pakinggan mo muna akó. Natatandan niyo ba yung matanda na kinukulit táyo araw-araw, gabí - gabí?"

"Siya ba yung lagi na lang tayong sinasalubong pagpapasok na tayo at pagpauwi na tayo galing sa Uni?"

"Oo siya nga 'yon Sean!" Siya yung matandang laging sumasalubong sa amin umuulan man o hindi.

"E hindi ba siya rin yung tinulak ni Kaycee dahil naiirita na siya tapòs pinagtawanan pa natin lahat?"

"Oo tama ka rin Jack. Ang naisip ko ay baká mamaya kinukulam na niya táyo dahil hindi natin siya tinulungan tapòs tinulak at pinagtawanan pa natin. Alam niyo pakiramdam ko nga siya yung nagbigay nung Fortune Cookies sa atin. Sobrang eksakto yung mga nangyayari sa atin saka yung nakalagay sa mga Fortune Cookies e."

"Weh? Tintakot mo lang ata kami Jozie e." pang-aasar ni Jack.

"Ano ba Jack! Malay mo totoo yung sinasabi ni Jozie." Galit na sinabi ni Annie.

"Nagpapaniwala kayo sa mga ganyan, para kayong mga baliw."

"Hindi akó nagbibiro Jack kasi kung titignan mo, ang nakalagay sa Fortune Cookie ni Kaycee ay 'Kapag kukuha ng litrato at tatlo kayo, iwasang mapunta sa gitna dahil ikaw ang unang mamamatay.' Nang gabing iyon hindi ba't nag-groupie kayo nina Kaycee at Mickey na kayong tatlo lang?"

"Nagkataon lang 'yon Jozie, antok lang 'yan." Sabi ni Jack.

"E ba't yung kay Mickey, ang sabi niya sa akin ang nakalagay sa Fortune Cookie niya ay 'Kapag namamasyal kasama ang iyong mga kaibigan, dapat ay lagi kayong magkasama bilang isang grupo na pantay ang bilang. Kung hindi pantay ang inyong bilang, ang isa sa inyo ay kukunin ng mga espritu upang gawing pantay ang bilang.' Lima lang táyo nang nanood táyo ng sine dahil wala na si Kaycee nang mga araw na 'yon, hindi pantay ang bilang natin."

"Tigilan mo na nga Jozie! Tinatakot mo na kami e!" Sigaw ni Jack.

"Hindi ko kayo tinatakot Jack! Takot na kayo e, sinasabi ko lang 'to para maiwasan na natin ang sunod na pagkamatay ng isa sa atin." Depensa ko.

"Tigilan mo na sabi Jozie e! Aalis na nga akó, wala namang kuwenta pinagsasasabi mo e!" Galit na isinigaw ni Jack.

"Pare, kalma! Babae 'yan." Sabi ni Sean habang pinapakalma si Jack.

Natahimik kaming lahat kayâ nagkaroon ng hindi magandang ihip ng hangin sa pagitan namin ni Jack. Biglang napabahing na lang si Annie na siyang naging simula ng pagsalita ni Jack.

"Aalis na ko, gabí na. Ayusin mo muna sarili mo Jozie, kung ano-ano na naiisip mo. Nasiraan ka na ba?"

"Hindi akó sira Jack! Ayoko lang na may mamatay pa sa atin."

"Bahala ka! Aalis na 'ko."

"Pare ingat umuulan, gabí na. Dahan-dahan sa pagmamaneho."

Umalis na si Jack at kaming tatlo na lang ang natira. Walang nagsasalita sa amin kayâ pinauwi ko na lang si Sean para makagpahinga na kami.

"Hindi naman akó makakauwi, gabí na saka ang lakas ng ulan ngayon hindi na ako makakahanap ng sasakyan na magsasakay sa akin."

"Sige Sean doon ka na lang matulog sa kwarto namin ni Kaycee tapòs doon na lang akó sa kuwarto nina Mickey at nitong si Jozie."

"Sige, salamat Annie."

"Teka, pwede ko ba malaman yung mga laman ng Fortune Cookies niyo? Para sigurado táyo."

"Jozie tama na."

"Sige na, please? Wala namang mawawala kung sasabihin niyo kung ano ang nakalagay e."

"Hay nako, sige na nga. Sa akin ang nakalagay ay 'kapag naliligaw at hindi makarating sa patutunguhan, baliktarin ang suot na damit.'"

"Salamat Annie, Sean, ikaw? Ano sayo?"

"'Malas ang makabasag ng salamin' 'yan lang ang akin."

"Sige, e yung kay Jack natatandaan niyo pa?"

"Teka sinabi niya sa atin 'yon e nung nag-iinuman táyo." Sabin ni Sean habang nag-iisip.

"A alam ko na 'Kapag may bumahing habang ikaw ay paalis na, huwag mo nang ituloy ang iyong lakad dahil baká may sakunang mangyayari sa iyo.' Alam ko 'yan iyon e." banggit ni Annie.

"Oo yan nga 'yon Annie." Daliang sabi ni Sean.

"Teka! Bumahing ka kanina Annie a, tapòs bago 'yon sinabi ni Jack na aalis na siya! Sean tawagan mo si Jack! Sige na!" Nag-aalalang sigaw ko.

"Jozie kumalma ka! Kanina pa siguro nakauwi 'yon, malamang natutulog na 'yon. Anong oras na o, saka kung nasa biyahe pa siya tapòs tatawagan ko siya, e baká lalo pa siyang madisgrasya."

"Sean sige na, maawa ka naman."

"Jozie tama na, tama si Sean baká mapano pa si Jack kung tatawagan niya habang nagdadrive 'yon. Matulog na táyo." Sabi ni Annie.

"Tatawagan ko na lang siya bukas ng umaga, ayos na ba 'yon?" Kalmadong sinabi ni Sean habang hawak ang kamay ko.

Tumahimik na lang akó dahil wala naman na akong magagawa.

Sana ligtas si Jack.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Ang lakas ng ulan, hayop na 'yan. Sana palá hindi na akó umalis sa dorm, titiisin ko na lang mga pinagsasasabi ni Jozie. Nababaliw na ata dahil namatay ang dalawang pinakamalapit niyang kaibigan. Pshh! Kung may susunod na mamamatay baká si Sean 'yon, alam naman naming lahat na may namamagitan sa kanila ni Jozie e. Baká pinarurusahan lang ng Diyos si Jozie kayâ kinukuha lahat ng malalapit sa kanya.

"May pakulam kulam pa siyang nalalaman. Hindi naman totoo 'yon. Sige nga kung totoo 'yon magpakita ka sa akin ngayon hinayupak kang multo ka, iniisa-isa mo kami, akala mo kung sino ka, hindi akó takot sayo! Magpakita ka!"

Inantay ko na may magpakita sa akin pero walang nangyari.

"Duwag ka palá e, ba't di ka magpakita ngayon!"

Sabi kay Jozie hindi totoo 'yon e.

Dahan-dahan akong lumiko sa kanan upang hindi magasgasan ang kotse ko. Ang lakas ng ulan, sa lakas nito halos hindi ko na makita ang dinadaanan ko. Asan na ba akó? Naliligaw na ata akó. Magmamaniobra na sana akó kaso may nakita akong itim sa rear view mirror ko. Kinusot ko ang aking mata dahil ang labo ng paningin ko.

Nang luminaw ang aking paningin ay isa lang masasabi ko.

Tama nga si Jozie.


The Yin and Yang Suicide CaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon