Chapter 2

14 0 0
                                    

Kriiiiiiiiiiiiing!

Ginising akó ng malakas na tunog ng bell sa aming paaralan. Nakatulog na naman akó sa klase, wala na naman akong maisasagot sa exam. Bahala na nga. Kinuha ko ang mga gamit ko at lumabas para pumunta sa cafeteria.

Habang naglalakad papunta sa cafeteria ay may biglang sumigaw ng pangalan ko.

"Jozie! Jozie! Bumagsak ulit akó sa math ang saya hindi ba?"

Loko-loko talaga 'tong si Mickey, imbis na manghinayang natuwa pa dahil bagsak siya tapos binroadcast pa sa buong school.

"Talagang natuwa ka pa a." natatawa kong sinabi sa kaniya.

"Jozie naman, proud to be bobo akó hindi ba?"

"Ang hard mo sa sarili mo girl, subukan mo magsipag."

"Wow ha! Nagsalita ang tulog nang tulog sa klase, saka isa pa, wala sa bokabularyo ko ang salitang sipag."

"Speaking of tulog, ang weird ng panaginip ko kanina, feeling ko binabangungot na 'ko."

"Bakit? Napanaginipan mo ba sarili mo?"

Binatukan ko si Mickey nang pabiro dahil sa kaniyang sinabi.

"Ayan, diyan ka magaling, puro ka kalokohan. Patapusin mo muna kasi ako sa kuwento ko. Ang weird kasi talaga ng panaginip ko e. Pauwi na akó galing sa inyo. Tapòs habang naglalakad akó e nararamdaman ko na parang may sumusunod sa akin. Tumingin akó sa likuran ko nang tatlong beses, yung unang dalawang tingin ko walang tao, pero nung ikatlo pagharap ko may biglang bumulaga sa akin na isang matandang babae na nakabalot sa plastik ang ulo. Naghihingalo siya pero nagawa pa niyang masabi ang mga salitang 'Papatayin ko kayo! Magsisisi kayong lahat!' at matapos ay nagising na akó. Nakakatakot yung hitsura nung matanda, halos hindi ko makilala ang mukha niya dahil sunog na sunog."

"Ayan kasi! Ang hilig mo manood ng horror movies kayâ yung mga napapaniginipan mo ganoon din. Hay nako kumain na lang táyo, baká gutom ka lang."

Hindi na akó nagsalita, sinunod ko na lang siya. Baká tama nga siya, gutom lang 'to.

Matapos ang aking evening classes ay kinuha ko ang cellphone ko sa bag. Kanina ko pang umaga hindi nahahawakan 'yon baká may nagtetext at tumawag sa akin. Shet! Lobat na palá phone ko. Bwisit, hindi na naman siguro nakasaksak yung charger kagabi. Uuwi na nga lang akó, sa susunod na lang ako gagala kasama nina Mickey.

Patawid na sana ako ng kalsada nang may biglang lumitaw na kotse sa harap ko.

"Jozie sakay! Now na"

Nagulat ako nang biglang bumaba si Annie ng kotse at sinigawan ako na parang natataranta. Pumasok ako sa kotse at nakita kong halos kumpleto na ang barkada namin.

"Ano ba 'yan, bagalan mo naman yung pagmamaneho mo Jack baká mamaya mabangga tayo. Ano ba meron bakit parang triggered na triggered kayo? Muntik niyo pa 'ko mabunggo kanina."

"Sorry Jozie pero nagmamadali na kasi kami, kanina ka pa namin tinatawagan pero cannot be reached ang phone mo. Nag-aalala na kami kasi-" Hindi na naituloy ni Annie ang sinasabi niya dahil bigla na lang siyang naiyak.

"Tahan na Annie. Magpakalma ka muna ako na lang kakausap kay Jozie."

Tumango naman si Annie kay Sean habang pinupunasan ni Mickey ang mga luhang tumutulo sa mukha ni Annie.

"Joz, tumawag kasi kanina si tita Kamille sa akin, hindi ka raw niya ma-contact. Gusto sana niyang ipaalam na..."

"Ano yon Sean? Sabihin mo na please, kanina pa ko kinakabahan. Ano ba kasi 'yon?"

"Joz, si Kaycee kasi...Patay na..."


The Yin and Yang Suicide CaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon