Chapter 8

7 0 0
                                    

Hindi kami umalis ni Sean sa apartment niya para maiwasan din namin ang posibleng pagkamatay namin. Halos isang buong araw na rin kaming nag-aantay ng balita kung nahuli na ba si Jepoy o hindi. At sa aming pag-aantay ay bigla na lang namin narinig sa radio ang balitang, "Nahuli na ang killer na itatago na lang natin sa pangalang Jepoy. Siya ang pumatay sa animnapu't walong taong gulang na si Lucia Cruz. Matapos daw nakawan ay sinunog niya ang mukha ng matanda at binalot pa ito sa plastik..."

"Nahuli na si Jepoy, baká pwede na nating puntahan ito para makausap na natin."

"Sige sasabihan ko ang pulis na kausap natin kahapon na kakausapin natin si Jepoy."

Makalipas ang ilang mga minuto ay pumayag ang pulis ngunit sandaling oras lang daw ang maibibigy niya sa amin. Pinuntahan naming agad ang lugar kung nasaan si Jepoy. Ihinarap ito ng pulis sa amin at iniwan kaming tatlo sa isang kuwarto.

"Ikaw 'yong pumatay kay Aling Lucia, ano bang ginawa niya sayo para patayin mo siya?"

"Unang-una sa lahat ay dahil isusumbong niya akó sa pulis dahil napatay ko ang kapatid niya. Ikalawa ay dahil pinatay niya ang tatay ko na naging dahilan ng pagkahirap namin ngayon. Dati raw silang magkasintahan ngunit dahil sa nanay ko ay iniwan ng tatay si Aling Lucia at simula noon ay isinumpa na niya na lahat ng naging at magiging masama sa kaniya ay pahihirapan niya."

"Bakit mo naman kasi pinatay ang kapatid niya? Hindi tuloy matahimik ang kaluluwa niya."

"Sa tingin ko, alam ko na ang paraan kung paano niyo mapatatahimik ang kaluluwa niya. Nang pinatay ko kasi ang kapatid niya ay hindi ko ito nailibing nang maayos. Basta-basta ko na lang siyang ibinaon sa lupa."

"E kung ganon e, ba't buháy ka pa? Malaki na palá ang atraso mo sa matandang 'yon ba't hindi ka pa niya pinapatay."

"Kasi akó lang ang nakakaalam kung nasaan ang katawan ng kapatid niya, kung papatayin niya akó edi hindi na niya ito mahahanap. Kung ililibing niyo ito ng maayos ay sigurado akong tatahimik na ang kaluluwa niya."

"Oo nga, baká 'yon lang ang kailangan niya. Saan mo ba ibinaon ang katawan ng kapatid ni Aling Lucia, kami na ang bahalang maglibing ng maayos sa kaniya, bilang paghingi na rin ng tawad."

Matapos ay nagpasalamat kami sa pulis na tumulong sa amin upang makausap naming si Jepoy. Humanap kami ng pari upang mailibing namin ng maayos ang kapatid ni Aling Lucia.

Nang makahanap kami ng pari ay dumiretso na kami agad sa lugar na sinabi sa amin ni Jepoy. Desperado kaming matapos na ang lahat kayâ madaling-madali kami ni Sean. Pagkarating naming sa aming destinasyon ay kinuha niya ang palang dala namin. Naglakad pa kami ng konti upang mapuntahan ang labi ng kapatid ni Lucia. Umihip ang malakas na hangin habang naghuhukay si Sean ng panibagong hukay para sa kapatid ni Aling Lucia. Habang nililipat ni Sean ang mga labi ay palakas nang palakas ang hangin. At lalo naman itong lumkas nang binasbasan ito ni father ng Holy Water at tinakpan na ni Sean ng lupa ang mga labi. Biglang kumalma ang hangin at bumalik ito sa dati.

Tapós na. Tapós na ang paghihirap namin. Tapós na ang pagsubok namin. Niyakap ko na lang bigla si Sean dahil tapós na ang lahat. Binalik na namin si father sa kaniyang simbahan at kami naman ni Sean ay mahimbing nang makakatulog.

The Yin and Yang Suicide CaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon