Chapter 9

9 0 0
                                    

Makaraan ang ilang araw ay bumalik na sa dati ang lahat. Wala na yung multo, wala ng nanggugulo, payapa na muli kaming namumuhay ni Sean. Ang aming mga kaibigan naman, tanggap na namin na nasa mas magandang lugar na sila ngayon.

"Huy Sean! Hindi ka pa ba tapós diyan? Gabí na kasi, ikaw na lang naman inaantay ko matapos e. Tignan mo ang dilim na sa corridor, nakakatakot na tignan."

"Oo teka, isosolve ko lang yung problem A, tapòs uuwi na táyo, 'wag ka makulit."

"Masyado mo naman kasing hinahapit 'yan e."

"Try mo kayâ minsan maging masipag Jozie, wala namang mawawala sa 'yo e."

Hinayaan ko na lang siyang tapusin ang ginagawa niya kayâ pumunta na lang akó sa bintana upang mapagmasdan ang mga ganap sa labas. Sa aking pagdungaw ay may nakita akong itim na pusa. Nakakatawa dahil kung makakakita akó niyan dati ay siguro magwawala na akó dahil "malas ang makakita ng itim na pusa" ang nakuha ko sa Fortune Cookie, pero ngayon wala na akong pake kung makakita akó nito dahil hindi na akó naniniwala sa mga ganon.

"Jozie..."

"Ano naman 'yon Sean? Nako sinasabi ko sayo kung corny na joke na naman yan hahampa-"

Natigil akó sa aking pagsasalita dahil nagulat akó sa aking nakita. Hindi pwede, tapós na ang lahat e. Nilibing na namin yung kapatid niya. Biglang namatay ang mga ilaw kayâ bigla akong tumakbo papunta kay Sean.

"Ano nangyayari? Akala ko ba tapós na."

"Hindi ko rin alam Jozie, natatakot akó."

Bigla na lang kumurap-kurap ang ilaw at doon namin nakita bigla ang matandang babae pero hindi sunog ang mukha nito at wala nang plastik sa ulo nito. Baká magpapasalamat? Bigla na lang itong nagsalita.

"Salamat dahil nailibing niyo akó ng maayos, pero ikinalulungkot kong sabihin na kailangan niyo malaman ang totoo. Hindi akó ang pumapatay sa inyo at ng mga kaibigan niyo, iyon ay ang aking kambal na kapatid. Kung makikita niyo akó ay hindi sunog ang mukha ko at walang nakabalot na plastik sa aking ulo. Sa tuwing ako'y nagpapakita sa iyong mga kaibigan ay natatakot sila ngunit binabalaan ko lamang sila na paparating na ang aking kambal kayâ kailangan na nila tumakas. Gusto ko sana kayong tulungan ngayon pero huli na ang lahat. Wala na kayong takas sa kambal ko. Patawarin niyo akó at wala na akong magagawa."

Matapos niya magsalita ay namatay ang mga ilaw, wala kaming makita ni Sean pero magkahawak ang aming kamay. Kinakabahan na akó, ano na ang mangyayari sa amin?

May narinig akong matandang tumatawa sa paligid namin, ngunit hindi ko malaman kung saan ito nanggagaling. Biglang napabitaw si Sean sa akin.

"Sean! Sean! Asan ka! 'Wag mo ko iwanan!"

Walang sumasagot sa akin kayâ buong tapang akong naglakad sa dilim. Sa paligid ko ay naririnig ko siya na nagsasalita.

"Wala ka nang takas!" Tumatawang halakhak ng matanda.

"Hindi ka na makakatakas!"

"Akin ka na!"

"Kahit magtago ka hindi mo ko matatakasan!"

"Tagu-taguan maliwanag ang buwan, tayo'y maglaro ng tagu-taguan pagbilang kong sampu nakatago ka na!"

"Isa!"

Tumakbo na akó kahit hindi ko makita ang dindaanan ko.

"Dalawa!"

Kumapit akó sa pader upang magkaroon akó ng gabay.

"Tatlo!"

Naghanap akó ng pwede kong taguan.

"Apat!"

Natapilok akó dahil may bagay akong nadaanan na hindi ko nakita.

"Lima!"

Tumayo akó at pinilit kong maglakad kahit masakit ang paa ko.

"Anim!"

Kinapa ko ang pader ngunit na-realize ko na nasa dead-end na akó.

"Pito!"

Napaupo na lang akó dahil sa sakít na nararamdaman ko dahil sa aking paa.

"Walo!"

Nagdasal na akó.

"Siyam!"

Nagkaroon ng mahabang katahimikan. Gumana ba ang dasal ko?

...

...

...

"SAMPU!"

May humablot sa akin mula sa likod.

The Yin and Yang Suicide CaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon