Chapter 7

11 0 0
                                    

"Ang tagal naman nila Jozie at Sean ano ba kasing ginagawa nila, magtatanong lang e."

Naiinip na akó kakahintay sa kanila, wala akong magawa at mukhang malolobat na ang cellphone ko, malapit na dumilim wala pa din sila. Hay nako pag alas-siete na at wala pa sila kukunin ko na 'tong kotse ni Sean, nasa akin pa naman din ang susi.

Makalipas ang ilang minuto ay may pumasok sa loob ng bahay ng matanda.

"Hay salamat nandyan na rin sila. Makasunod nga, ang boring na dito, tapòs hindi pa sila nagtatawag."

Lumabas akó ng kotse at sinundan ko sila sa loob ng bahay. Pero hindi ko sila makita, sa laki ba naman ng bahay na ito, pwede ka na mawala.

"Sean! Jozie! Asan na kayo!?"

Walang sumagot pero may narinig akong naglalakad sa taas. Nagbabakasakali akong sila iyon kayâ umakyat na akó. Pag-akyat ko ay walang tao roon.

"Jozie! Sean! Tinatakot niyo ba akó!? Hindi na kayo nakakatuwa! Asan na ba kayo!?"

Gusto ko nang umiyak dahil sa takot. Babalik na lang akó sa kotse. Pagbaba ko sa unang palapag ay nagtataka akó dahil kamukha nito ang itaas, kaya umakyat ulit akó at ito rin ang nakita ko. Baká namamlikmata lang akó. Bumaba akó ulit para lumabas na pero sa akig pagbaba ay ang ikalawang palapag pa rin ng bahay ang nakikita ko. Kahit ilang beses akong bumaba ng bumaba ay ito at ito pa rin ang nakikita ko. Takot na takot na akó at hindi ko na alam ang gagawin ko.

Bigla na lang akong may narinig na tunog sa may kanan ko.

"Sean? Jozie? Kayo na ba 'yan?"

Pinuntahan ko kung saan nanggaling ang tunog. Gusto ko na makaalis dito.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Papunta na kami nina Sean sa bahay nung matanda, gusto lang naman namin makita kung may traces ba na sa kaniya galing ang Fortune Cookies. Kasi kung totoo ang mga sinasabi nung pulis na namatay ang matanda bago pa kami mag-inuman ay imposibleng siya ang nagbigay ng Fortune Cookies.

Nang kami ay makarating doon ay nakita naming nakabukas ang pintuan kayâ nagtaka kami.

"Jozie! Si Annie!"

Nakita ko na lang na walang tao sa loob ng kotse kayâ tumakbo kami agad ni Sean sa loob. Hinanap ni Sean si Annie sa unang palapag habang umakyat naman akó sa ikalawa. Pagliko ko sa kanan ay napasigaw na lang akó sa aking nakita. Agad na umakyat si Sean at ang pulis. Nang makita nila ang katawan ni Annie na duguang nasa sahign ay niyakap akó agad ni Sean at tumawag naman ng ambulansya ang pulis.

Nang dumating ang ambulansya at ibang mga pulis ay nag-investigate sila sa bahay ng matanda. Lumabas na suicide raw ito dahil may nakitang mga malalalim na laslas sa kanan at kaliwang kamay niya. Hindi na kami nagulat ni Sean dahil kahit alam naming hindi ito suicide ay wala namang maniniwala sa mga sasabihin namin.

Dahil gabí na ay nakitulog muna akó sa apartment ni Sean dahil iyon na ang pinakamalapit at pagod na pagod na kami pareho. Pinatulog niya akó sa kama niya habang siya naman ay natulog sa sofa.

"Sinend ko na yung address nung Jepoy sa mga pulis, sana mahuli na nila para makausap man lang natin."

"Sa tingin mo kung ipapakulong natin yung pumatay sa kaniya ay magiging payapa na siya?"

"Hindi natin masasabi pero sana nga 'yon na ang susi para mapatahimik na natin ang kaluluwa ni Aling Lucia."

"Sana, gusto ko na rin kasi matapos ang lahat."

"Akó rin naman Jozie, gusto ko na matahimik ang kaluluwan niya, kayâ sana mahuli na nila si Jepoy para bukas na bukas ay makausap natin siya."

"Oo nga e, sige Sean magpahinga na táyo, pareho tayong pagod."

"Goodnight!"

"Goodnight din!"


The Yin and Yang Suicide CaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon