Epigraph : Sweetened Bliss

71 5 0
                                    

SYA...

SI BLISS ISABELLE BIZET, 18 YEARS OLD, DARK HAIRED, HAZEL-EYED AT TAN SKINNED NA BABAE. THIRD YEAR STUDENT Na SA 'LA BELLE VUE UNIVERSITY OF THE WEST ELYSIUM - ISANG FOREIGN-LIKE UNIVERSITY DITO SA BANSA.

NAG-AARAL SIYA NG KURSONG TORISMO AT PATULOY NA NANGANGARAP MAKAPAGTRABAHO BILANG ISANG STEWARDESS.

Isa sya sa mga model student ng buong college. At tulad ko pareho kaming scholar.

Madalas kong kasama si Bliss dahil na nga sa isa kami sa mga scholar ng university.

SIYA NA NGA.

Minsan ko na rin itong naisip.

Sa araw-araw naming pagkikita. May naramdaman akong kakaiba sa kanya. Gusto kong lagi ko syang nakikita. Gusto kong palagi'y nasa tabi ko lang. Sayang nga at makaiba kami ng tinutuluyang dorm. Sana man lang safe sya kung saan sya magpunta. Ayaw ko kasing may ibang tao na lalapit sa kanya dahil ayaw kong masaktan sya.

Naaalala ko yung mga oras na bigla syang napaiyak dahil hindi nya nagustuhan yung ending ng mga novels tulad ng A walk to remember, Me Before You, Fault In Our Stars, Dear John, Love Rosie atbp. Hindi ko alam pero kahit ang weird nya ay mahal ko sya. At hindi ko na mapigilan ang mga nararamdaman ako para sa kanya dahil nagi syang isang mabuting at tunay na kaibigan ko.

Tumutulong, umaalala, nagmamahal at ang tanging nagpapautang saakin. Oo, Siya si Bliss ang bestfriend ko.

AT SIYA NA NGA...

Ang Uutangan ko. <3


-

----------------------------------------------------------

"Besprend Bliss, Pautang naman ako kahit 500 lang. " sabi ko sa kanya na super confident ang dating.

Mabait naman yan si Bliss kaya nga sa lahat ng bagay magkasundo kami. Especially pag nagkaakitan kami na manuod ng mga animation tapos sabay kaming iirit paglumabas na sa scene ang mga biases namin na ang gwa-gwapo gaya ni :

° Hanako-kun ng Toilet-bound Hanako-kun,
° Adrian Agreste AKA Chat Noir ng Miraculous Ladybug,
°Izuku Midoriya ng My Hero Academia
°Marco Diaz ng Star Vs. The Forces of Evil,
°Mephisto ng Lolirock,
° Kirito ng Sword Art Online
° at syempre ang torpeng si Miyuki Shirogane ng Kaguya-Sama: Love is War— ilan lang sila sa mga crush ko at marami pang Ibang fictional characters. Hihihi.

Finn the Human, Jake the dog , Phineas and Ferb, Gumball, Rigby, Mordecai, Dipper Pines, Wurt atbp - mga crush naman ni Bliss na cartoon character kaya bulag kami sa mga tunay na kalalakihan e pssh.

" Bliss, Pwede bang pautang ? " tanong ko ulit na may matching paawa effect na.

Hindi kasi ako pinapansin ni Bliss. Siguro nadecode nya yung sinabi ko tungkol sa kanya.

Hehe. Sa totoo ay siya talaga ang bestfriend ko for life. Maaalahanin, Matulungin, Maaasahan at Mauuta-.

"Sorry Polly,pero wala na akong pera. "

</// 3

" Ba-bakit ?? " mangiyak-ngiyak kong tanong.

" Sheesh. Dapat kanina mo pa sinabing mangungutang ka. Ubos na kasi yung pera ko binili ko na nitong Frappé. " paliwanag nya.

Our 20th KismetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon