Chapter III : Hallucination Mist

27 4 0
                                    


Stressed, Depressed, Sleepless

Her Point Of View


" Oyyy Pollyna wag mong kadibdibin ha. Ang swerte mo nga dyan nakadalawang halik ka sa from the Famous Arthur Pliané. " cheered pa ni Bliss.

" Bwah. Wag na nga nating pag-aksayahan ng oras yun. " nagpout na lang tuloy ako." Ouy Bliss, pwede bang makitulog sa dorm mo? " tanong mo at pagbabago na rin ng topik.

" Sana pwede pero bawal kasi talaga e. Ang daming patakaran ng dormlord namin. " paliwanag ni Bliss at sabay nagpout na rin.

" Saan ka ba natulog kagabi ? " tanong ni Bliss.

" Sa punerarya ako tumuloy kagabi. Dun na rin pati ako nakikain pero PS. Di ako natulog."

" Anong kinain mo? "

" Biscuit. "

" Ah. " - Bliss.

" Alam mo ba Bliss, naisip ko na sana ako na lang sana yung nawala. At least kahit walang nakipaglamay sa akin ay masaya na akong nagpapahinga. Gusto ko nang magpa-. " nakita kong naluluha na si Bliss sa sinasabi ko.

" Ouy wag mong ituloy sabihin yan Polly. " naiiyak na sabi ni Bliss.

Kahit kailan talaga filled with Empathy si Bliss. Feeling ko tuloy nasasaktan ko rin sya.

" Gusto ko nang mamahinga Bliss. " sabi ko at yinakap si Bliss na mas sobrang nagdaramdam kesa sakin.

" Pollyna, sana lagi mong malaman na lab na lab kita ah minsan lang talaga may mga bagay na bigla na lang dumarating na nagiging sanhi ng kamalasan natin kaya wag ka nang mag-isip ng mga negative emotions ha. Pag-ikaw na akuma ni Hawk Moth ng Miraculous Ladybug yari ka. "

" Hahahaha. Siguro ang magiging supervillain pet name ko ay Monopolly. " hahhahaha tumewa ako. Hehehhhww

" Bakit ? " - pa curious side effect pa ni Bliss.

" Dahil nag-iisa lang ako. Mono + Polly. "

" Bwahhahahhhah iba ka talaga mag joke. Napipilitan lang akong matawa hahahaha. Ouy Basta Polly ha, wag munang madrama ah. "

" Owo Friendship. " - sabi ko sabay nginiritan si Bliss.

" Pollyna, kumain ka ha wag puro tinapay. Tsk. " utos sakin ni Bliss at binigyan ako ng 50 pesos. " Sige na tanggapin mo na yan. Alis na ko beshii ha. See ya tomorrow. Love lots. "

Hayst. Bliss.

Naglakad na ako papunta sa dorm na tinutuluyan ko noon. Baka siguro may pag-asa pa ? Hayst.

Nang makarating ako sa tapat ng dorm nakita kong nasa may pintuan ang dormlord kaya naman naki-upo na lang muna ako sa upuan ng tindahan ni Aling Merce.

Our 20th KismetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon