Chapter II : Blindfold Art

31 4 0
                                    

La Belle View :
University of the West Elysium
Gabaldon Hallway
7: 30 am

Haggard. Dramatic. Faulty.

Her Point Of View


"Huhuhu, Good morning bestie! " bati ko kay Bliss.

" Hala! Oyy anong nangyari sayo?! " — exclamation ni Bliss.

" Ohmaygash! Nabugbog ka ? "

" Nasan na pala yung gamit mo?"

"Nailigtas mo ba?"

" Ay wait, Bakit maga yang mata mo?"

" Siguro hindi mo nailigtas ano?"

" Ahh kaya ba umiyak ka ng magdamag ?

" Ouy sumagot ka naman Polly, Nagsuklay ka ba ? "

"Teka nga di ba yan din yung suot mong damit kahapon?"

"Yan ulit suot mo ngayon sa school? "

" Huhuhu. Oo oo oo." madrama kong niyakap si Bliss sa dami nyang tanong na may pag-aalala." Huhuhuhu. Tsaka pati itong labi  kooo. "

" O, Bakit may laso ka? " kahit kailan talaga napaka maaalahanin nitong si Bliss. She is such a pretty empath. Nakuha ko pa talagang mag-english sa gitna ng mapangit kong realidad. Wah.

"Wait lang Pollyna, may tawas ata ako sa bag. "

"Huhuhuh....... Baliw. Wala akong laso. "

" Ha, eh ano nga kasi talaga yung nangyari sayo? Pinalayas ka na talaga? "

Tumango lang ako.

" Nailigtas mo yung mga gamit mo? "

" Hindi. huhuhuhu. "

" Ay! Sumagot ka nga ng maayos puro ka huhuhu. " reklamo ni Bliss.

" Hindi ko alam. "

" Ano ba yun, e ano naman yung labing sinasabi mo ha ? "

" Ah wa-wala yun. " ayoko na ngang sabihin, magiging big deal lang to kay Bliss. Mapapag-usapan pa yung bwisit na insidente kahapon. Whuhuhu Grrrr.

Nakakainis na talaga yung karamihan sa mga lalaki. Napakapahamak nila. Especially yung lalaking nagpahamak sakin sa Museum at tsaka yung lalaking walanghiyang nagnakaw sa una kong halik. Grrr.

" Ahh ganun ba. Tama na muna ang drama. Oyy ako naman Pollyna may ichi-chika sayo. " masiglang tsismis ni Bliss.

" Kilala mo ba si ARTHUR PLAINÉ HEMISPERÉ isa sa best students dito sa university ? "

Our 20th KismetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon