"MAY, THIS is my mom," pagpapakilala ni Lawrence sa ina nito. Naroon siya sa bahay nito dahil inimbita siya nito.
"Good morning ho, Mrs. Conception," bati niya sa ginang. Natatangi pa rin ang ganda nito kahit may-edad na.
"'Tita Leila' na lang ang itawag mo sa akin, hija," nakangiting wika nito. Pati ang mga mata nito ay tila nakangiti rin kapag ngumingiti ito. Hinawakan nito ang kamay niya at hinila siya papunta sa kusina. "Samahan mo akong mag-bake." Nagulat man ay nagpatianod na lamang siya. Nang sumunod si Lawrence sa kanila ay bumaling ito sa anak nito. "Anak, you're not allowed here, girls' bonding 'to."
Nagkamot sa ulo si Lawrence. "Ha? Paano ako?"
"Matulog ka muna o kaya ay mag-swimming ka muna sa pool."
"Mommy naman!" reklamo ni Lawrence.
"Maghanap ka ng ibang gagawin, sige na," malambing na pagtataboy ng ginang sa anak.
Walang nagawa si Lawrence kundi tumalima. Tinawanan lamang niya ito.
"Mahal na mahal niya ho kayo," aniya sa ginang. "Yes, he does. At mahal na mahal ko rin ang anak kong 'yon. Anyway, hindi ka ba niya nililigawan?" nakangiting tanong nito.
Hindi kaagad siya nakasagot. Hindi niya inaasahang iintrigahin siya nito nang ganoon. "Naku, Tita, hindi po. Magkaibigan lang kami niyan ni Lawrence," sabi niya nang makabawi.
"Ang showbiz mo namang sumagot," panunudyo nito. "Alam mo bang hindi pa nagpakilala ng nobya si Lawrence sa akin? Hindi ko alam kung hindi pa talaga siya nai-in love o torpe lang talaga ang anak kong 'yon," nakangiting wika nito habang inihahanda ang ingredients ng ibe-bake nila.
"Matagal na po kaming magkatrabaho. Hindi ko pa ho siya nakitaan ng girlfriend. Meron siyang nakaka-date, ayon sa ilang mutual friends namin, pero pulos hanggang ganoon lang daw. Sa tingin ko ho, he's still searching for the right one."
"Ikaw ba, hija, may nobyo ka na ba?"
Nakangiting umiling siya. "Wala ho."
"Bakit naman? Hindi mo pa rin natatagpuan si Mr. Right?"
She enjoyed her company. Para siyang nakikipag-usap sa nanay cum best friend niya. Bigla tuloy niyang na-realize na matagal na nga pala siyang walang nanay na nakakausap nang ganoon. Hindi niya napigilan ang malungkot. She missed her family so much.
Ikinuwento niya rito ang tungkol sa pagkakagusto niya kay Andreu Duavit. "Hindi siguro talaga siya para sa 'kin. He ended up with his sister-in-law. Masaya naman ako para sa kanya kahit na nanghihinayang ako. Pagkatapos ho n'on ay wala na akong ibang nagustuhan."
Ngunit tila may isang bahagi ng pagkatao niya ang sumalungat nang sabihin niyang wala na siyang ibang lalaking nagustuhan. Ipinilig niya ang kanyang ulo. Inaatake na naman siya ng kabaliwan.
"How about my son? Hindi mo ba siya nagustuhan kahit kailan?" deretsahang tanong ng ginang. She was torn between saying "yes" and "no." "Honestly, hija?" pangungulit nito nang hindi kaagad siya nakasagot.
"Hmm... Lately po ay mas naa-appreciate ko ang presence niya. Noong una po kasi ay hindi kami ganito ka-close. Ngayon ay nag-e-establish na kami ng friendship. Hindi ko po alam kung gusto ko na siya. Or maybe yes, gusto ko na nga siya," litong-litong pag-amin niya.
Ngumiti ito. "Uncertain ka pa. Naalala ko tuloy noong nanliligaw pa sa akin ang tatay ni Lawrence. Ganyan din ako, litong-lito. At dahil na rin siguro nalilito ako ay sinagot ko na lang siya," anito, saka tumawa.
Nakakahawa ang tawa nito kaya hindi niya napigilang sabayan ito sa pagtawa.
"Alam mo, hija, masarap magmahal. Kahit minsan ay meron kayong pinagtatalunan o hindi pinagkakasunduan ng partner mo, iba pa rin 'yong alam mong may nagmamahal sa 'yo. Iba pa rin 'yong may tumatrato sa 'yo na espesyal ka," nakangiti ngunit seryosong wika nito.
"Wala pong nagkakalakas ng loob na manligaw sa 'kin, paano ko po mae-experience ang sinasabi ninyo?" tanong niya pagkatapos niyang ilipat sa isang lalagyan ang mixture na ilalagay nila sa oven.
"Nariyan si Lawrence. Alam mo, malakas ang pakiramdam ko na gusto ka ng anak ko. May kakaiba sa paraan ng pagtingin niya sa 'yo. At hindi mo alam kung gaano siya ka-excited na ipakilala ka sa 'kin. Bakit hindi na lang kayo?"
Napapailing at napapangiti na lamang siya. Parang napakadali lang para dito ang sinabi nito. "We enjoy our friendship, Tita. Okay naman kami nang ganito. Baka kapag nagkaroon kami ng relasyon ay hindi lang mag-work. Sayang ang pagkakaibigan namin. Isa pa, wala namang binabanggit si Lawrence tungkol sa nararamdaman niya."
"Ewan ko ba riyan sa anak ko, napakatorpe niya," anang ginang, saka bumuntong-hininga.
Hindi na siya nagkomento. Ayaw niyang mag-presume. If Lawrence liked her, bakit hindi nito iyon aminin sa kanya? Alangan namang siya pa ang lumapit dito?
Mayamaya ay gumawa ito ng fresh mango shake, pagkatapos ay inabutan siya nito ng dalawang baso.
"Bakit po dalawa?" nagtatakang tanong niya rito.
"Dalhin mo kay Lawrence ang isa," nakangiting sagot nito.
"Po?"
"Sige na. Tiyak na nasa pool area lang 'yon," anito na itinulak pa siya nang marahan hanggang sa makalabas siya ng kusina.
Napapailing na lang siya habang patungo sa pool area. Nakita agad niya si Lawrence doon. Nakahiga ito sa isang wooden pool chair na nasa gilid ng pool. He was topless, for Pete's sake!
Napatigil tuloy siya sa paglapit dito. Parang mas gusto muna niyang titigan ito nang palihim.
Oh, what's happening to me?
ttom:0in;mar=ֱLP