Chapter 15

9K 158 0
                                    


"YAYO, I'm glad you're here," salubong ni May sa kaibigan habang papasok ito sa bahay nila.

"Ikaw pa ba ang pahihindian ko? Saka nasa Malaysia si Aljun ngayon. Marami siyang inaasikaso," anito pagkatapos ilapag ang gamit sa sahig. "Kumusta ka na?"

"'Eto, okay naman," sagot niya. Hinila niya ito paupo sa sofa. "How's Manila?"

"'Ayun, polluted pa rin, mainit, maraming tsismosa, at mataas pa rin ang mga building."

Inirapan niya ito. "Pilosopo."

"Deretsahin mo na kasi ako. Ang gusto mo talagang itanong ay kumusta si Lawrence, 'di ba?"

Marahan na tumango siya.

"Don't worry, okay siya. Hindi ka ba niya tinatawagan?"

"Sobrang busy siya," malungkot na sagot niya.

"Minamadali kasi nila ang paggawa ng isang true to life story na ipapalabas sa DYA. Ang gusto kasi ni Lawrence ay matapos 'yon within a week dahil kailangan daw siya ng mommy niya. Iyon lang ang narinig ko," pagkukuwento nito. "Eh, ikaw? Kumusta naman ang pagbabalik mo rito?"

"Masarap sa pakiramdam. Alam mo naman ang istorya ng buhay ko, Yayo," nakangiting sagot niya.

"I'm happy for you," anito at niyakap siya.

Pagkatapos niya itong ipakilala sa mga magulang niya ay isinama niya ito sa kuwarto niya. Doon ito pansamantalang matutulog.

Habang nakahilata si Yayo sa couch sa loob ng kuwarto niya ay nagbukas siya ng telebisyon. Isang talk show ang bumungad sa kanya pagbukas niya ng telebisyon at sina Lawrence at Pia ang guests. "May guesting na naman pala sila," aniya kay Yayo.

"Pino-promote talaga sila ng DYA dahil after ng project na ginagawa nila ngayon ay may naka-lineup na namang bago. Kailan ka ba kasi babalik?" nakakunot-noong tanong nito sa kanya.

"They look good together," wala sa sariling komento niya.

"Ang layo naman ng sagot mo, 'te!" reklamo nito.

"Look at them. Bagay sila, 'di ba?" Nakatulala pa rin siya sa telebisyon. Habang sinasabi niya iyon ay parang may bilyong-bilyong karayom na tumutusok sa puso niya.

"Masokista ang peg niya, o," pambubuska nito sa kanya. "Ganyan ka ba talaga ma-in love? Hindi ka naman nagkaganyan kay Andreu, ah."

Bumuntong-hininga siya. "Maybe because I never really love him at all. Baka infatuated lang ako sa kanya."

"Maaari nga. Pero puwede ba? Huwag kang ma-insecure sa Pia na 'yan. Ang laki ng lamang ng ganda mo sa kanya. Kulay-labanos lang siya. Kapag pinaitim mo siya, wala na."

"'Buti na lang kaibigan kita."

"Huwag ka na kasing mag-senti. At please, bumalik ka na sa sirkulasyon. Maghuhuramentado na ang fans ninyo ni Lawrence."

"Kaunti na lang at babalik na ako sa Maynila. Relax ka lang. Kapag naging successful na ang operation ni Tita Leila ay magtatrabaho na uli ako. Okay na kami ng parents ko kaya wala nang mabigat sa dibdib ko."

"'Ayan o, masakit sa dibdib," nakangising wika nito habang nakaturo sa telebisyon.

"Ewan ko sa 'yo! Binabawi ko na ang sinabi kong masaya ako dahil naging kaibigan kita," aniya, saka pinatay ang telebisyon.

"Affected na affected ang lola mo," naghihikab na sabi nito.

"Ewan. Matulog ka muna riyan." Pagkasabi niyon ay iniwan niya ito at nagpunta sa balkonahe bitbit ang cell phone niya.

Maglalaro sana siya ng isa sa mga cell phone games niya nang biglang may tumawag sa kanya. Nang makita niya ang pangalan ni Lawrence sa screen ng phone niya ay tumalon agad ang puso niya.

"Hello?"

"Hi, May! Napanood mo ba 'yong guesting namin? Nandito kasi ako sa location para sa project namin ni Pia," bungad nito sa kanya.

"Hindi ko napanood, eh," pagsisinungaling niya. "Hindi mo naman kasi sinabi sa 'kin na ngayon pala ang airing n'on sa TV. Bakit? May kakaiba ka bang ginawa ro'n?"

"Wala naman. Gusto ko lang na mapanood mo. O, sige, saka na lang uli tayo mag-usap. Magsisimula na yata kami," paalam nito.

"Mag-iingat ka riyan. Bye!" Pinindot niya ang End call button.

Napaisip siya. Ano ang nais ng lalaking iyon? Panoorin niya ang sweetness nito kay Pia? Neknek nito! Hindi niya sasaktan nang todo ang sarili niya.

ce:none;vertica<=P

Love Team COMPLETED (Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon