James
My eyes are all on the window. Iniisip kung ano ang posibleng tanawin na nasa likod ng matataas na pader na nakapalibot sa buong sa campus.
These walls? Ano bang silbi nila? Bakit kailangang may roon nun? Even if you stood on the very top of this building you won't have a glimpse of what's outside dahil sa sobra nilang taas.
I've been living my life here for almost four years at halos hindi ko na maalala and buhay ko dati sa labas. I can't even remember kung paano ako nakapasok dito. All I can remember is that we are travelling on a long wide road and then when I open my eyes nandito na ako.
"Mr. Navarro!" Nabalik ang atensyon ko sa kasalukuyan ng marinig ang boses ng galit kong teacher. Sa totoo lang kanina pa niya ako tinatawag hindi lang ako nakikinig.
"Sir." Nakangiti kong sabi.
"Nakikinig kaba o gusto mong pumutok ang ugat ko sa kakatawag sayo!?" Kasing gulo ng puti niyang buhok ang mga salitang binitawan niya. "Kung ayaw mong makinig sa klase ko bukas ang pinto para sayo."
"No sir." I politely said. If that's the thing that would annoy him the most. "I love history, really."
As long as wala ito sa schedule ko.
Nagsitawanan ang mga kaklase ko dahilan para mas lalong mamula ang mukha ng kawawa naming guro.
Nang dumating ang tanghalian ay agad kong tinungo ang boys dormitory na nasa kaliwang bahagi ng campus, sa central phase ng high school section.
The campus is divided into two. The high school section and the college section. I can't imagine how big this campus is. Meron itong sariling park, coffee house na nasa mini forest, mga snack houses, gasoline pud, at apat na dormitory building. Hindi pa kabilang ang dalawang underground parking lot.
The school facilities are in the finest advances. Pati ang mga school buildings ay napagara ring tingnan dahil sa futuristic architecture nito.
May isang bagay lang na walang makakapagpaliwanag. Ang mga pader.
The school administration stated that Z Academy is an exclusive school at iilan lang ang nakakaalam.
I've been asking so many questions to many people I met before just to explain what's the use of these walls. But none of them can give me the answer.
Sabi ng ilan para protektahan kami sa mga outsider. Meron namang nagsabi na para daw walang tumakas na estudyante. Who on earth will leave this place? Heaven nga sa ilan ang lugar na ito.
We can leave the campus and go behind those walls unless kung merong event na sasalihan ang school sa labas. Pero minsan lang mangyari ang bagay na iyon. Sa katunayan, ang huling beses na nagkaroon ng outside event ay noong nakaraang dalawang taon pa at hindi na ito nasundan. In fact, hindi pa nga natuloy ang pagsali ng Academy sa competition.
I was laying on my bed. I feel so empty just like this blank ceiling above me.
I don't know why I am feeling this. I am longing for a thing, for someone. Kung sanang hindi lang siya nawala siguradong hindi ako magiging ganito.
"Shawn."
None of those things would happen kung hindi lang ako pumalpak noong araw na iyon. Kung hindi lang ako dinaya. Kung sanang hindi lang ako tanga!
"Shawn good luck!"
Dalawang taon na ang nakaraan pero sinisi ko parin ang sarili ko sa pagkawala niya. Dalawang taon na ang nakakaraan pero naririnig ko parin ang pagtawag niya sa pangalan ko. Two years had passed and I still can't move on.
