Chapter 2: The new member

48 1 0
                                        


James

Talagang mapagbiro ang tadhana, ano?

I shouldn't have said sooner or later. Now it's happening. Crossing path with Lemuel would be my end. And I think it could be today.

Miss President called me yesterday and said that we have a new member. And guess who? It's him. Lemuel Donaire. The cheater judo master.

Wala akong reklamo na magkaroon ng bagong member ang club. Besides it's a good thing para hindi ito ma-dissolve. Pero bakit sa dirami-rami ng pwedeng mag-apply, bakit siya pa? At paano siya nakalusot kay Pres.?

To clear all things out I woke up early as much as possible para may oras pa akong pumunta sa clubroom bago magsimula ang mga klase ko. Kakausapin ko muna si Pres. para hindi magkagulo kung sakali man.

Nang marating ko ang mismong pinto ng clubroom ay parang kinuryente ang buo kong katawan ng marinig ko ang dalawang boses na nag-uusap sa loob.

Gaya ng inaasahan pagbukas ko ng pinto ay bumungad si Pres., na naka-upo sa dulo ng mahabang mesa, at Lemuel, na nakaharap kay Pres. sa kabilang dulo, na nag-uusap. Nahinto sila at sabay na tumingin sa akin.

"Good morning, James." Bati ni Pres. sa akin. Habang si Lemuel naman ay blankong naka-tingin sa akin. Kapansin-pansin ang mga benda sa iba't ibang parte ng katawan niya. Resulta siguro iyon ng nangyari kahapon. Pilit akong ngumiti.

Hindi na ako nag-effort na bumati pabalik. Naupo ako sa pinakagitna ng mesa. Inilapag ko ang dala kong bag at sumandal sa likod ng upuan. Hindi ko maalis ang aking tingin kay Lemuel na inosente ring nakatingin sa akin.

Namukhaan niya kaya ako kahapon?

"Tamang-tama ang dating mo, James. Sa katunayan ikaw ang pinag-uusapan namin ni Lemuel." saad ni Pres. dahilan para mapatingin ako sa kanya.

"Ako?"

Bakit naman nila ako pag-uusapan? Nanliit ang mga mata ko habang tinitigan ang mukha ng bago kong kamember. Baka may ginawa itong lalaking 'to?

"Oo, ikaw." patango-tangong sagot ni Pres. Hindi naman siguro ako siniraan ni Pres. sa lalaking ito, ano? O baka naman nagkwento lang siya tungkol sa mga trabaho dito sa club na involved ako?

"So he really an official member of our club?" Tanong ko, just to be sure. Baka biro lang ang sinabi ni Pres. kahapon at imaginary lang itong Lemuel na kaharap namin.

"Yes. He will be my assistant editor for the main time."

Napa-ayos ako ng upo. So I think its confirmed then, member na talaga siya ng club na kinabibilangan ko. Magkasama kami kaya wala naman siguro siyang planong mangdaya sa pagkakataong ito. 

"Ngayon kumpleto na tayo I think mas mainam kung magpapakilala tayo sa isa't isa." anunsyo ni Pres. Tumayo siya at inilahad ang kanyang kanang kamay sa aking harapan.

"James siya si Lemuel Donaire, ang bago nating member." Gusto kong sabihin sa kanya na kilala ko ang taong ito at isa siyang mandaraya. But I keep my cool.

Sa pagkakataong ito ay kay Lemuel naman siya humarap. "Lemuel siya si Shawn James Navarro ang Vice President ng club natin."

Taas noo akong nakipagkamay kay Lemuel na para bang ang taas ko sa kanya. Deretso ko siyang tinitigan sa mga mata.

Bumitaw ako sa pakikipagkamay ng may plastic na ngiti sa labi. "Welcome sa ZCC, Lemuel."

"Salamat." napatingin siya sa direksyon ko.  Kalmado siyang magsalita. Hindi mo mapapansin na bayulenti siyang tao.

Z AcademyWhere stories live. Discover now