Nash's POV:
Andito kami ngayon ng angel ko sa isang maliit na pastry shop malapit sa kanila. Eto nadin naging tambayan namin simula nung nanligaw ako. Lagi ko kasing hinahatid 'to. Mahirap na sa ganda ba naman nya, madami pa namang loko loko sa undong ibabaw.
Tuwang-tuwa na tumakbo si Althea papunta kay Ate linda, yung nagtitinda dito.
"Hi Ate Linds! Isa pong Large na Iced-coffee tsaka isang slice ng blueberry cheesecake." masiglang sabi nito. Tumingin sya sakin at ngumiti.
Ang ganda talaga, tangina. lalo na pag ngumingiti. wala pang make-up yan. puta. ang swerte ko. ang swerte swerte ko.
"Nash, gusto mo ako na rin oorder nung iyo?" Napangiti naman ako.
"Yes, please."
"Ate, yung kay nash po. Isang Strawberry Milkshake tsaka 3 brownies. Thank you, ate linds!"
Umupo na kami at hinitay yung order namin.
"Nash, Tignan mo ang daming nakatingin sayo." bulong nya ngumuso sya sa right side nya.
Damn those lips... pag naging kami na walang araw na hindi ko sya iki-kiss.
"Nash, huy, NASH!" nabalik naman ako sa reality dahil sa lakas ng boses nya at kinaway pa nito ang kamay nya sa tapat ng mukha ko.
Pagtingin ko sa right side ko nakita ko yung grupo ng mga highschool girls na mula sa ibang school. Nung nakita nilang nakatingin ako, nagsigawan sila, may ibang kumakaway at may ibang tumatalon. Natawa ako at biglang may ideya akong naisip.
"Althea, pwedeng pahiram ng kamay mo?" Tanong ko sakanya.
"Huh? Ah osige." Naguguluhang sabi nya.
Kinuha ko yung right hand nya tapos humarap ako dun sa grupo ng mga highschool girls at dahan dahan kong hinalikan yung kamay ni Althea at tinaas 'to sa ere.
Pinanuod ko ang pagbabago ng mga reaksyon nila. Agad nawala yung mga ngiti nila at padabog na naglakad paalis.
Nagkatinginan kami ni Althea at sabay na tumawa pero pansin kong nag-bablush sya.
Cuteness overload!
Dumating na yung order namin at ayun agad syang kumain. Lamon kung lamon! Haha. Pero wala naman atang kahit sinong matu-turn off dito.
Wala eh, She's the definition of perfect.
"Wag mo nga akong panuorin, kumain ka na dyan." saway nya sakin.
"Yes boss!" at nag-salute pa ako kunwari dahilan para mapatawa sya.
"Nash, pano mo ko nahanap kanina?" tanong nya out of the blue habang patuloy na kinakain yung cheesecake nya.
"Ha? hindi ko din alam eh, hinila lang ako ng paa ko papunta sayo eh." Seryosong sagot ko sabay inom ng milkshake.
Totoo naman yun. Lagi ko nalang natatagpuan yung sarili ko na naglalakad lagi papunta sakanya. hay. ang weird noh?
Nagba-blush nanaman sya. Kinurot ko ang pisngi nya. "Ang cute cute mo pag nagb-blush."
"H-hindi naman a-ako nag ba-blush eh." depensa nyang nauutal pa.
Tumawa nalang ako ng malakas dahilan para lalo syang mamula. "Kinikilig ka ba sakin?" asar ko sakanya.
"Nash naman ihh." Saway nya habang naka-pout.
"Wag ka mag-pout. iki-kiss kita dyan!" pinagbantaan ko sya.
"Hindi na po." At umarte itong zini-zip yung mouth nya.
Medyo madilim dilim na nung umalis kami sa pastry shop, eto kami ngayon naglalakad papunta sa bahay nila hanggang sa kanto ko lang sya hinahatid, alam nyo na. Di pa naman kasi kami legal sa family nya.
"Thank you sa paghatid nash." Tahimik na sabi nya at hinarap nya ko.
" Walang anuman, basta makauwi ng safe yung angel ko." Nakangiting sagot ko at kiniss ko sya sa forehead.
"Althea? Ikaw ba yan?" May nagsalitang lalaki mula sa malayo.
Napatalon kami ng bahagya sa gulat at sabay kaming tumingin ni althea dun sa direksyon kung saan nanggaling yung boses at tumambad sa amin ang daddy nya na mukhang hindi natutuwa sa nakikita nya.