Althea's POV:
And if you're still wondering, Yes. Yes, I'm madly inlove with you, Althea Ivy Flores.
I'm madly inlove with you, Althea Ivy Flores.
I'm madly inlove with you, Althea Ivy Flores.
Spell Kilig guys. Haaaaay. 2 linggo nadin ang nakalipas mula nung nagtapat sya na totoong mahal nya ako, pero fresh na fresh pa din sa utak ko yung mga pangyayari. Sobrang naging emotional ako ng mga panahon na yun, sino ba namang hindi diba? Ramdam na ramdam ko kasi yung sincerity nya habang nagsasalita sya,Oo nga pala next week, prom na. Kaya eto kami ngayon ni mama sa isang boutique, naghahanap ng prom dress ko. Friend nya yung owner nito kaya naman paniguradong makakadiscount kami. Madiskarte din 'tong si mama eh, idol. haha! =))
Di ko maiwasang mamangha sa ganda ng mga works nya, simple pero napaka-elegante. Tsaka makikita mo na para bang may kwento sa likod ng bawat isang gown na nasa botique na 'to.
Naka-upo kami sa couch ni mama ng may dumating na babae. Agad na tumayo si mama para batiin sya, She looks so young and beautiful. Fresh na fresh kumbaga.
"Mary!"
"Nicole!"
Sigaw nila sa isa't isa na para bang high school bff na matagal na hindi nagkita. Nag-beso beso sila pagkatapos ay nabaling ang tingin sakin nung Mary.
"Naku, Nicole! Ang laki na pala ng inaanak ko, ang ganda ganda mo naman ija, mana sa mommy." Masiglang bati sakin ni Mary. So, inaanak nya pala ako, wala namang nasabi si mommy sakin.
Ngumiti ako at nagpasalamat sa compliment nya.
Suddenly, she clapped her hands. "So let's start? Let's try on some clothes na hija." Tumango naman ako at napatawa sa sobrang taas ng energy nya. tumayo ako at sumunod kay tita mary sa fitting room.
Napakarami kong dress na tinry kaso wala akong nagustuhan, don't get me wrong ha they're all beautiful and very sophisticated kaso ako lang ata 'tong may problema eh -___-
"Hay..."Sabay na buntong hininga namin tita nicole, agad na nagkatinginan kami sa may salamin at sabay din kaming napatawa.
Maya maya pa. "Aha!" Bigla syang tumayo at pumasok sa work area nya.
Bumalik sya na ngiting ngiti at may dala dalang dress. Mabilis nya akong pinagpalit na halos itulak na nya ako pabalik sa fitting room.
lumabas ako ng kwarto na suot yung gown at napasinghap silang dalawa ng hangin.
"Oh my goodness, anak." Bulalas ni mommy habang hinahaplos haplos ang gown na suot ko with matching proud smile pa yan ha.
"Look at yourself ija. " nakangiting sabi ni tita nicole at iniharap ako sa salamin na nasa gilid ko. "Look how beautiful you are and also that gown suits you really well."
Napa-nganga ako. Ang ganda ganda nung gown. It's not simple gaya ng gusto medyo bongga sya kung titignan and it's beyond perfect but it's so... me. Para bang pakiramdam ko para sakin talaga 'to.
Hindi ko mapigilang yakapin si tita nicole. "Thank you so much, Tita! Sobrang thank you po talaga." tumawa naman sya. "Anything for you and your mom." Nakangiting sagot nya at hinigpitan nya ang pagyakap sakin.
Gabi na nung maka-uwi kami ni mommy. Nakakain na din kami sa labas kaya naman nagtake-out nalang kami ng food para kay daddy ang luke tapos nung pag-kauwi namin nagpa-alam ako na magpapahinga na ako agad sobrang nakakapagod mag-sukat ng gown! -___-
Nagpalit ako ng damit at nahiga sa kama. What a day!
Tinignan ko ang gown ko na naka-sabit sa cabinet ko, di ko maiwasang mamangha sa ganda nung gown. Sobrang ganda ng details, halatang sobrang pinag-hirapan.
Bigla namang nag-vibrate yung phone ko. Agad akong napangiti ng makita ko kung sinong nag-text.
From: Angel ko ♥
Goodnight angel ko, siguro napagod ka sa pagpalit-palit ng gown. Kahit ano naman kasing suotin mo maganda ka pa din :) Sunduin kita bukas ha? Sige po, sweetdreams. Don't let the bed bugs bite! :*
Huh? Ba't naman kaya ako naisipang sunduin nito, aysh. baka trip nya lang. Agad akong nag-reply.
To: Angel ko ♥
Yes, boss! Haha. Goodnight and sweetdreams din :) x
Maya maya nagtxt nanaman sya.
From: Angel ko ♥
Don't forget that I'm madly inlove with you. I love you angel ko. :*
At dahil dyan, nakangiti akong nakatulog.