VIII

66 4 0
                                    

Nash's POV:

Wow. Wow. Wow. What the hell was that?  Ikinagulat ko rin ang mga nangyari akala ko kasi sasapakin na ako ng daddy ni Althea kanina eh. I must admit inipon ko lahat ng kakapalan ng mukha ko nung sumingit ako kayla althea at sa daddy nya kanina.

Oh well. Thank you Lord. 

Pagkapasok ko palang ay sinalubong na agad kami ng puppy ni Althea. Sobrang hyper nung tuta parang possessed. realtalk. hahaha ^___^

"Puchay! Behave." Suway ni Althea.

"Puchay?" tanong ko at napatawa ako ng malakas.

"Ewan ko sayo." mahinang sabi nya.

Alam kong kinakabahan sya, kabisado ko na kasi si althea, hindi sya madaling basahin aminado ako dun at masyadong matibay ang mga pader na nakapalibot sakanya but when she trusts you enough she's like an open book and she'll show you her true colors.

"Althea..." tawag ko sakanya.

"hmmm?" tumingin sya sakin.

"I love you." bulong ko habang nakatitig sa mata nya. "this much." at inistretch ko and dalawang braso ko.

nakita kong ngumiti sya at tumingin tingin muna sa paligid namin. "I love you too." bulong nya din ahihi para kaming ewan napangiti agad ako kasi hindi ko naman ine-expect na sasabihin nya yun pabalik. "this much." tapos ginawa nya yung infinity sign gamit yung daliri nya. Nanlaki yung mata ko. "Huy, pano yun?!" tumawa sya dahil sa naging reaksyon ko. "secret." mapang-asar na sabi nya. "Ang daya mo naman ihhh." parang bata na sabi ko at nag-pout. tumawa lang sya sakin.

Ay, andaya :(

Andito na kami ngayon sa dining room nila. Hindi ganun kalaki ang bahay nila, tamang tama lang para sa apat na tao pero malinis ito, maluwag at yung ambiance para bang welcome na welcome ka.  

Ang masasabi ko lang ay ang ganda ng lahi nila, ang ganda ng mommy nya at ang gwapo ng daddy at kapatid nya. May pinagmanahan nga itong si Althea. hehehe.

"Oh kain na kayo." Maligayang anunsyo ng mommy nya habang nilalapag sa table yung ulam.

Kapag sinuswerte ka nga naman. Beef steak. Ang favorite ko.

Nagkatinginan kami ni Althea.

"Oh, Nash. Favorite mo oh." sabi nya habang tinuturo yung ulam.

"Talaga? Favorite mo to? Tamang tama pala na ito yung niluto ko." Masayang sabi ng mommy nya.

"Ah, opo, Mrs. Garcia. Thank you po." Nginitian ko mom nya. ang ganda ganda nya parang si althea.

"Naku, Tita nalang, masyado kang pormal." Natatawang sabi nya habang inaayos ang buhok nya.

"Ay, sige po tita." Naks! 

"Althea, pag hain mo na yung bisita mo."  Mabilis na sabi ng mom nya.

"A-Ah, okay po mommy." Tumayo sya at sinimulan na akong ipaghain. napansin kong ganun din ang ginagawa ng mommy nya sa daddy at kapatid nya. Napangiti naman ako. Hihi. para kaming one big happy family. I could definitely get used to this.

Nagsimula na kaming kumain....

at nagsimula nadin ang interogasyon....

"So, Nash, why don't you tell us more about yourself?" Direchong sabi ng dad nya.

Napalunok ako ng wala sa oras at sinumulan ko ng magsalita. "Ah, yes. Same age po kami ni Althea and classmates din kami and about 7 months na din po akong nanliligaw sa anak nyo."

Narinig ko ang pagkasamid ng daddy nya kaya agad akong natigilan sa sinasabi ko para itanong kung okay lang sya, tumango tango naman 'to.

Tinignan ko si Althea na naka-kagat lang sa labi nya at yung mommy nya naman nakangiti lang, well, si Luke, yung kapatid nya parang walang pakielam sa mundo at kain lang ng kain. 

"Matagal na din pala ano? wala kasing nababanggit 'tong si althea." Tumingin ito sa direksyon ni althea at nagpatuloy na kumain.

"Ah, Opo. But don't worry sir willing naman po akong maghintay, kung kelan sya magiging ready." Mahinahong sagot ko at nagpatuloy na ding kumain. wala nang nagsalita after nun.

Nang matapos na kami sa pagkain, Nagprisenta akong tumulong sa pagligpit ng mga kinainan, pero ayaw ng mommy nya kaya na daw nila ni Althea yun kaya eto ako ngayon sa sala kasama ang daddy at kapatid nya.

"Nash." Mahinang tawag sakin ni Mr. Flores.

"Yes po, sir?" Magalang na sagot ko.

"Tito, Tito nalang ang itawag mo sakin."

Too much in one day, too much happiness. hahaha.

"Sige po, tito. ano po yun?"

"Please, Take care of her." pumikit ito at narinig ko ang mabigat nyang paghinga. "Take care of Althea. Don't hurt her. She's too fragile. Im saying this because I know you can protect her and I can clearly see that you love my daughter." Madiin ang bawat salita ni tito and his eyes are almost... pleading?

Tumango nalang ako, speechless ako eh. Ibig sabihin ba nito payag na sya na ituloy ko ang panliligaw kay Althea or boto na sya sakin?

"But!" mabilis na pahabol nya "I'm not saying na boto na agad ako sayo, you still have to prove yourself first." at naging strikto nanaman ang boses nya.

Ay, okayyyyyyyyyyyyyyy. Sabi ko nga dibaaaaaaaaaaaaaa~ -3-

Gone but not forgotten.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon