Chapter 1

153 3 0
                                    


Sa tuwing bumabagyo
Patawad dahil wala ako
Pero asahan mo
Pag-ibig ay di na maglalaho
- Patawad, Harry Montenegro

***
2 years after
Tracy Kiel's P.O.V.

Pagkagaling ko sa school ay dumiretso agad ako papunta sa apartment ko. Naabutan ko agad do'n si Yssa na nakaupo sa sofa at ngumunguya ng popcorn.

As usual, nandito ulit s'ya sa bahay ko.

"Bibi! Finally." Sinalubong n'ya ako ng isang mahigpit na yakap. Muntik na akong hindi makahinga dahil sa yakap n'ya.

"Ano'ng ginagawa mo dito?" tanong ko at ibinaba ang bag na dala ko at tinanggal ko na rin ang heels ko.

"Bibi! Alam mo ba may concert yung baby kong singer!" kinikilig n'yang sabi. Napangiti na lang ako. "Sama ka ah?" aya n'ya at sinundot ang tagiliran ko.

"Hindi ako pwede. Alam mo namang nag-aaral pa ako 'di ba? Alam mo naman yung sitwayon ko?" tumango naman s'ya at nag-pout sa 'kin.

Fourth year college pa lang ako samantalang graduate na si Yssa. Mas matanda kasi s'ya sa 'kin ng dalawang taon. Mayaman 'tong si Yssa kumpara sa 'kin na nag-iisa na lang at walang pamilya.

How lucky 'di ba? Namatay ang nanay ko noong highschool ako samantalang hindi ko alam kung nasaan ang magaling kong ama.

"Uy! Tracy sige na, minsan lang naman 'to" pagpupumilit ni Yssa. Umiling lang ako, busy ako at sayang lang ang pera ko kung pupunta ako sa concert na 'yon. Ni hindi ko nga kilala 'yung mag-coconcert eh.

"Ayoko nga"

***

Nakakabored naman. Kanina pa kami nandito sa arena dahil sa concert ng idol ni Yssa. Napakaaga naming nakarating dito. Kung hindi lang talaga ako pinilit at inilibre ni Yssa ng ticket ay hindi ako sasama, dalawang vip ticket lang naman ang binili n'ya. At ano naman ang karapatan kong tumanggi?

"Ang tagal naman" pagrereklamo ko. Tinignan naman ako ni Yssa ng masama.

"Hoy Tracy Kiel Alvaran! Wag ka ngang magreklamo dyan" inis na sabi ni Yssa. Tinawanan ko lang naman s'ya. Buti na lang maingay ang background dahil kung hindi umaalingawngaw ang bunganga niya.

"Hays!" pagkasabi ko no'n ay biglang namatay ang lahat ng ilaw. Noong una nashock pa ako dahil akala ko nawalan ng kuryente, yun pala hudyat lang 'yon na simula na ang concert.

Sobrang lakas ng sigaw at tilian nang mabuhay na ang iba't-ibang kulay na ilaw sa stage. Ang sakit sa mata!

Unti-unting nawala ang usok na nasa stage at nakita na namin ang isang banda. Nagsimula na silang tumugtog kaya sobrang lakas ng sigawan, 'yung iba nagwawala na.

"Oh my gahd! Ang pogi talaga ni Harry!" tili ni Yssa at pinaghahampas ako sa braso. Ang sakit ah! Hindi ko na lang pinansin, tinignan ko na lang yung buong banda.

Nagsimula nang kumanta 'yung lalaki na nasa gitna at may hawak na gitara.

Sa tuwing bumabagyo
Patawad at wala ako
Pero asahan mong
Pag-ibig ay hindi na maglalaho

Nawala nang bigla
Umalis nang hindi nagpapaalam
Patawad, kung bigla akong nawalaaaa, aahhh.

Hello, My Dream Guy (On Hold) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon